Chapter 25

4.2K 173 1
                                    


Chapter 25
Jiro Porter's POV;
Buong magdamag binantayan ko si Taki at ang temparature nito.

"Ummp." Mahinang ungol nito ng dahan dahan kong punasan ng basang towel ang katawan niya.

"J-Jiro."nanghihinang bulong ni Taki.

"Shh Taki I'm here." Bulong ko bago marahang haplusin ang buhok niya.

Nang maging normal ulit ang paghinga nito pinagpatuloy ko ang pagpupunas sa buong katawan ni Taki.

Taki Suarez's POV;
Nang magising ako sobrang sakit ng ulo ko habang ang katawan ko parang binangga ng libo libong tren sa sobrang sakit.

"J-Jiro." Nanghihinang bulong ko habang pilit na bumabangon.

"Im here." Napatigil ng biglang sumulpot si Jiro at inalalayan akong bumangon.

"Uminom ka ng kape." Ani ni Jiro bago iabot ang hawak niyang tasa ng kape.

Pero imbis na hawakan yung kape sumiksik ako sa leeg ni Jiro at niyakap siya ng mahigpit.

"Anong masakit sayo papatawag na ba ako ng doctor?" Nag aalalang tanong ni Jiro habang sapo sapo ang pisngi ko.

"Masakit lang katawan ko at ulo ko." Bulong ko na kinabuga niya ng hangin bago ako isubsob sa dibdib niya at marahang haplusin ang buhok ko hanggang sa hilahin nanaman ako ng antok.

---
"Natanggal na sa eskwelahan yung limang scholar at siguraduhan namang dalawang lugar lang din naman ang babagsakan nila kung hindi Hospital.. mental hospital na." Si Jairus.

Nang imulat ko ang mata ko kumpara kanina medyo okay na ang pakiramdam ko medyo nawala wala na din ang sakit ng ulo ko.

"Jiro." Bulong ko bago hawakan ang kamay ng lalaking nakaupo sa kama ko na agad naman niyang kinalingon.

"Ayos kana ba?" Nag aalalang tanong ni Jiro habang sapo ang noo ko.

"Bumaba na din ang tempareture mo." Ani niya bago yumuko at halikan ako sa noo.

"N-Nauuhaw ako." Ani ko na agad niyang kinatayo.

"Kukuha lang ako ng tubig." Paalam nito bago naglakad papasok ng kusina.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Jai habang naglalakad palapit sakin.

"Para lang binabarena ang ulo ko at tintusok tusok ang katawan ko." Out of the blue na sagot ko ng pilitin kong umupo.

"Damn." Mura ko ng babagsak ako na agad naman akong nasalo ni Jairus.

"S-Sorry." Agad na pag hingi ko ng paumanhin ng hindi sinasadyang maitulak ko siya na parang may sariling utak ang katawan ko.

"Taki." Nag aalalang tanong ni Jairus ng naiiyak akong niyakap ang katawan ko ng maalala ko lahat ng nangyari sakin kahapon.

Bakit kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ko bakit sila pa?

"Taki bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong ni Jiro bago sapuin ang mukha ko gamit ang isa niyang kamay.

"Uminom ka ng tubig." Ani ni Jiro bago iumang ang hawak niyang baso sa bibig ko na agad kong ininom.

"Jairus mamaya na tayo mag usap at kung pwede isama mo mamaya dito sina Jun at Devin pag tapos ng klase." Utos ni Jiro habang pilit akong pinapakalma dahil sa takot na nararamdaman ko.

"Taki." Ani ni Jiro bago kuhanin ang kamay ko at halikan ang likod ng palad ko.

"Iloveyou Taki at nahihirapan na ako hindi ko na alam ang gagawin ko kung pano kita papakalmahin." Dagdag ni Jiro na kinatigil ko kahit yata ang pagfunction ng utak ko panandaliang na stock.

"Kung pwede ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo kukunin ko na pero hindi pwede wala akong magawa...ako lahat may kasalanan nito." Ani ni Jiro bago yumuko at sumubsob sa tiyan ko.

"Hindi ka pupunta sa mansyon kung hindi sakin at hindi ka din makakarating dito kung hindi dahil sakin...hindi ka mapapahamak kung hindi mo ako nakilala patawarin mo ako Taki." Basag na sambit ni Jiro na kinaguho ng mundo ko lalo na ng maramdaman kong unti unting nababasa ang suot kong tshirt.

U-Umiiyak nanaman si Jiro.

Kung sana malakas lang ako at hindi duwag walang ganitong side si Jiro yung umiiyak siya dahil nahihirapan ako.

"S-Sorry tama na Jiro." Bulong ko bago yakapin ang ulo ni Jiro habang marahas na pinupunasan ang mga pisngi ko gamit ang isa kong kamay.

"Pangako hindi na ako iiyak magiging matapang na ako kaya ikaw din." Ani ko na kinaangat ng tingin ni Jiro.

Namumula pa din ang mga mata nito kaya marahan kong pinunasan ang pisngi ni Jiro.

"Lalaban tayong dalawa kung gusto kitang makasama kailangan kong maging matapang lalo na sa buhay na meron ka hindi pwedeng bawat sakit na nararanasan ko iiyak ako k-kailangan kong harapin ang mundo kasama mo kailangan kong maging matapang para din sayo." Ani ko bago punasan ang pisngi ko at ngumiti.

"I-Iloveyou Jiro at handa ko ng harapin ang mundo kasama mo wala na akong pakialam sa iisipin ng lahat o gulong papasukin ko sa mundong mo ang mahalaga kasama kita." Dagdag ko na kinangiti ko ng konti ng bigla akong siilin ng halik ni Jiro hanggang sa maihiga ako nito sa kama.

"Mahal din kita Taki." Sagot ni Jiro na kinabilis ng tibok ng puso ko lalo na ng makita ko ang kakaibang emosyong meron sa mga mata ni Jiro.

----
"Waah!! Taki!!" Bungad ni Jun ng pagbukas na pagbukas ni Jiro ng pinto nanakbo papasok si Devin at Jun na agad akong sinalubong ng yakap.

"Alam mo nang nag alala kami ng sobra sayo!" Bulyaw sakin ni Jun habang si Devin naman yakap yakap ang braso ko.

"Akala ko kung ano ng nangyari sayo!buti na lang talaga nahanap ka nina kuya Loki!" Ani ni Devin na kinatigil ko.

Ang White Fang? Tama naalala ko na sila yung nilapitan ko nun nung hinahabol ako nina Hazon.

"Dito muna kayong dalawa bantayan niyo sandali si Taki may pupuntahan lang ako." Utos ni Jiro bago lumapit sakin at siilin ako ng halik mismo aa harap nina Jun.

"Babalik din ako." Paalam ni Jiro ng magkahiwalay ang labi namin at agad tumalikod para lumabas ng dorm.

"Si kuya Jiro ba talaga yun walang hiya hiya sa harap pa talaga namin."komento ni Devin na kinatawa ko.

Nakatakip kasi ito ng mata pero may butas naman.

"Devin anong nangyari kina Terry?" Tanong ko na kinatigil ng dalawa sa pag aasaran.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon