Chapter 44
Jiro Porter's POV;
"Taki." Ani ko habang marahang hinahaplos ang buhok ni Taki na nakasubsob sa bewang ko."Naalala mo nung mga bata pa tayo nastock tayo nun sa attic." Ani ko na kinatingin niya.
"Takot na takot ka nun kasi ang daming gagamba at inabot tayo ng dilim." Dagdag ko na kinalambot ng expression niya.
"Yeah iyak ako ng iyak nun tapos ikaw nakatingin ka lang sa tingin." Sagot niya bago umiwas ng tingin.
"Kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko nun kung icocomfort ba kita, kakalampagin ang pinto, lalapitan o ano." Sagot ko bago salubungin ang tingin ni Taki.
"I can handle myself and everything except...you." ani ko bago marahang haplusin ang mukha ni Taki.
"Hindi ako marunong iexpress ang sarili ko sa ibang tao hindi katulad mo." Dagdag ko bago kalmadong pasadahan ng tingin ang maala anghel na mukha ni Taki.
"Pero tuwing nakikita kita hindi ko maiwasang mareflect ang sarili ko sa emosyong meron ka." Bulong ko bago sumandal sa head board at haplusin ang buhok ni Taki.
"Kung anong emosyong nakikita ko sayo yun ang eksaktong nararamdaman ko sa sarili ko." Ani ko na kinalaki ng bahagya ng mga mata niya.
Flashback
"Nakakatakot siya." Bulong ng mga kalaro nina Jun."Kuya Jiro tingnan mo ang ganda ganda." Ani ni Jun habang hawak ang isang garapong may apat na paru paro.
Nagagandahan ako pero---.
Nang tingnan ko ang sarili ko sa reflection ng tubig sa fountain wala akong makitang kahit na ano katulad ng expressiong meron si Jun.
"Hoy anong tinitingin tingin niyo!" Napatingin ako sa batang lalaki na nasa likuran ni Jun.
"Bakit niyo pa kasama ang wierdong yan Taki nakakatako---."
"Eh di wag kayong makipaglaro samin shoo!" Putol ni Taki sa batang kalaro niya kanikanina lang at hinarap kami ni Jun.
"Ikaw naman kasi magsalita ka naman." Ani ni Taki bago gumusin ang mukha ko na kinalukot ng mukha ko.
"Layuan mo nga ako!" Naiinis na sambit ko ng saktong pagtayo ko napatingin ako sa tubig ng fountain at---.
Inis?
Napahawak ako sa mukha ko ng marealize kong nakakaramdam na ako ng inis.
"Ikaw napaka kj mo talaga!" Bulyaw sakin ni Taki pero imbis pansinin siya tumalikod na ako at naglakad palayo.
Since 4 years old ako kinulong ko na ang sarili ko sa kwarto na kahit na sino hindi ko pinapayagang makapasok nang malaman ko at marinig kina lolo na mamatay na ako hinanda ko na ang sarili ko para dun kahit sa kakambal ko nilayo ko ang sarili ko.
Isa din yun sa binilin ng doctor sakin hindi ako pwedeng maging masaya,malungkot o magalit kailangan kong manatiling kalmado para sa sarili ko.
Handa na ako nun mamatay magawa ko man yun o hindi pero---.
"Kuya Jiro mangako ka hindi mo kami iiwan." Umiiyak na sambit ni Jun habang yakap ako ng araw na mawalan nanaman ako ng malay.
"Jiro pag namatay ka susunod ako kambal tayo hindi kita hahayaang mag isa." Casual na sambit ni Jairus habang nangingilid ang luhang inaayos ang kumot ko.
Simula ng araw na yun pinilit kong lumaban umabot ako ng 13 years na kinagulat ng private doctor ng mga Porter.
"A-Ano ako s-si Takit Suarez." Mula dito sa veranda kitang kita ko ang batang lalaki na hawak ni Loki.
Kulay light brown ang buhok nito at may sobrang among mukha kung hindi lang ito nakapang damit lalaki aakalain ko itong babae dahil sa kakaibang karisma at aura nito.
Mula dito sa loob ng kwarto ko kitang kita ko ang ginagawa ng mga kapatid ko sa labas yung ingay nila at tawa.
Ilang beses na akong niyaya nina Jairus lumabas pero ayoko dahil ayoko ng mawalan ulit sila ng kalaro at kaibigan dahil sakin.
Hanggang sa isang araw hindi sinasadyang nakita niya ako na inakalang si Jairus nung una pero nung lumapit siya at tinitigan ako nagulat ako ng sabihin niya.
"May kakambal pala si Jairus Hi sayo." Ani niya bago ngumiti.
Simula ng araw na yun nakaramdam ako ng sobrang saya dahil sa unang pagkakataon may naka identify ng pagkakaiba namin ni Jairus.
Si Jairus at Jun ngayon ay si Taki silang tatlo ang naging daan ko para humakbang pa at patuloy na lumaban.
"Halika na Jiro laro tayo."
"Jiro."
"Jiro!!"
Si Taki siya ang nagsilbing liwanag ko nung araw na pati katawan ko sumusuko na.
Dumepende ako sakanya ng hindi nalalaman na kahit buhay ko na pilit na pinaglalaban ng ilang taon para sa mga kapatid ko kaya kong ibigay dahil sa isang tao.
"Taki!!" Sigaw ko ng makita kong naitulak ni Leon si Taki pababa ng bangin.
Bago pa ako makapag isip namalayan ko na lang ang sarili ko na tumatakbo at tumalon din sa bangin para hawakan si Taki.
"J-Jiro."
End of the flashback
"Bata pa lang tayo nakadepende na ang buong pagkatao ko sayo." Ani ko bago hawakan ang kamay ni Taki at itaas yun."Whithout knowing you are the only one who can flip me upside and down Taki ." Dagdag ko bago iinterwined yun at matamang tingnan si Taki ng bumangon ito at pumatong sakin.
"Im sorry Jiro." Bulong niya bago marahang haplusin ang pisngi ko.
"I prefer Iloveyou than im sorry."sagot ko na kinangiti niya.
This is the real Taki Suarez Iknow.
BINABASA MO ANG
The Mafia boss's Addiction
General FictionPrologue "I-Ikaw ba ang pinagkakautangan ng papa ko?" nauutal na tanong ng binata sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sa pwesto niya. "I didn't expect na ipambabayad ka talaga niya?" Ani ng baritanong boses na nagbigay ng sobrang lamig sa katawan n...