Chapter 41

3.1K 142 0
                                    


Chapter 41
Loki Porter's POV;
Nagkagulo ang mga Junior High ng walang kaano ano naming buksan ang bawat kwarto.

"Jiro!" Sigaw ni Jairus na kinatingin ko ng makita kong lampasan ako ni Jiro at lumapit sa kwarto na nasa pinakadulo ng hallway.

"Jiro!" Sigaw ko ng walang kaano ano niyang buksan yun at---.

"T-Taki." Bulong ko ng bumungad samin si Taki na walang saplot at nakadapa sa kama habang pinalilibutan ng camera at sa likod nito ang estudyanteng si---.

"Leon." Ani ko.

Lalapit ang White Fang ng harangan ko sila gamit ang isa kong kamay ng makita nila ang kakaibang aura ni Jiro.

"Putangina Loki kapatid m---."

"He was not my brother anymore." Putol ko kay Yuan.

"O-Ohmygod s-si Taki." React ni Devin ng makita ang kalagayan ni Taki sa ibabaw ng kama.

"Jairus! Si Jiro makakapata---."

"Wala akong pakialam." Malamig na sagot ni Jairus habang nakatingin sa kakambal niya na kasalukuyang pinagsasaksak ng handle ng camera ang kapatid ko.

3rd Person's POV;
Halos hindi makagalaw ang White Fang at Black Chasers ng makitang umiiyak si Jiro habang walang emosyong paulit ulit binabaon sa katawan ng estranghero ang stick ng video camera na dinurog niya kani kanina lang.

"H-Hindi ko maintindihan bakit kailangan kay Taki pa." Walang emosyong sambit ng binata habang nakatulala sa katawan ng lalaking gumahasa sa kaisa isang taong pinakaiingatan niya.

"T-Taki." Bulong ng binata bago tumayo at walang kaano anong pinunasan ang pisngi niya na punong puno ng dugo at lapitan ang katawan ni Taki sa ibabaw ng kama.

"J-Jiro h-help me." Patuloy lang sa pagtulo ang luha ang binatang si Taki ng ihiga ito ng ayos ni Jiro at takluban ito ng puting kumot.

"Uuwi na tayo." Bulong ni Jiro sa nakatulalang si Taki.

Jairus Porter's POV;
"J-Jairus." Napakapit sakin si Jun ng makita niya si Jiro na nakatayo sa pinakagitna ng basement.

"Wag ka na munang lumapit kay Taki." Bulong ko habang nakatingin sa katawan ni Taki na nakahiga sa puting kama na nasa dulo ng basement.

Mahimbing itong natutulog habang natatakluban ito ng puting kumot.

"Hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko Jairus." Naiiyak na sambit ni Jun habang nakasubsob sa braso ko.

"Bakit kailangang maranasan lahat ito ni Taki?" Tanong ni Jun na kinayukom ng kamao ko.

"Hindi ko din nagugustuhan ang nararamdaman at nakikita ko ngayon Jun." Sagot ko bago balingan ng tingin si Jiro na nakatalikod samin habang nanatiling nakatayo sa gitna ng basement at nakaharap kay Taki.

Magtatatlong oras na siyang nandiyan ni hindi man lang ito gumalaw.

'Hindi ko alam pero pakiramdam ko umulit nanaman ang dati.' Ani ko sa sarili ko bago tingnan si Loki na nakatayo sa likod ng pinto at nakatingin kina Jiro at Taki.

Flashback
12 years ago nagmigrate sina Loki sa pilpinas at nagpatayo sila ng mansyon sa tabi ng Villa ng pamilya namin.

Ako si Jun at Loki kaming tatlo ang laging magkakalaro habang si Jiro lagi lang nanonood samin o kaya nagbabasa ng libro kasama ang butler at personal nurse niya.

Hindi kasi ako pumapayag na naiiwan si Jiro sa villa habang kami naglalaro kahit lagi akong sinasabihan ni papa na makakasama kay Jiro ang mapagod kaya sinasabi ko na lang kay papa gusto ko lang isama si Jiro hindi siya mapapagod.

Hanggang sa isang araw pagkatapos mawala ni Loki ng isang linggo na hindi namin alam kung bakit may pinakilala siya saming batang lalaki.

"Ang ganda nya." Komento ni Jun sa tabi ko ng pinakilala samin ni Loki yung bago naming kalaro.

"A-Ako pala s-si Taki Suarez." Pagpapakilala ng batang lalaki habang namumulang pinaglalaruan ang mga daliri niya.

That time marami talagang natutuwa kay Taki kahit ang mga tauhan namin sa villa dahil sa likas nitong masiyahin at sa malaanghel nitong mukha.

"Hoy Jun wag ka ngang dumikit dikit kay Taki!" Bulyaw ni Loki kay Jun na kinatayo ko mula sa pagkakaupo ko sa lilim ng puno.

"Kung ayaw mong may lumalapit kay Taki sana tinago mo na lang yan sa bulsa mo." Sabat ko bago hawakan si Jun na naiiyak.

"Loki bakit ka ba ganyan mabait naman si Jun at naglalaro lang kam---."

"Sakin ka binilin ni Tita at ako ang bestfriend mo dapat ako lang ang lagi mong kasama at kalaro." Putol ni Loki kay Taki na kinapula ng pisngi ni Taki dahil sa inis.

Mabait si Loki masayang kasama ang pangit lang sa ugali niya masyado siyang teritorial.

"Jai may nakita akong kamukha mo sa loob ng mansyon niyo." Kumikinang ang matang sambit ni Taki ng makabalik ito mula sa loob ng mansyon.

"Si Jiro?" Tanong ko kay Taki ng makaupo ito sa kumot na pinaglatagan namin.

"Wag kang lumapit dun Taki masungit yun mamaya awayin ka." Ani ni Loki habang naglalagay ng kung ano ano sa plato ni Taki.

"Mabait naman si Kuya Jiro." Sabat ni Jun na kinatingin ko sa veranda ng maramdaman ko si Jiro dun.

Nandun nga siya at nakatingin kay Taki.

Hindi ko alam pero that time nakaramdam ako ng tuwa dahil natuto na siyang tumingin sa tao.

Kaya nung time na yun lagi kong tinutulak papasok si Taki sa mansyon sa oras na bumaba si Jiro lagi ko din niyaya si Taki na maglaro sa loob ng bahay.

Hanggang si Taki na ang kusang kumikilos at walang pasabi nilalapitan ang kakambal ko at kinukulit.

"Jiro makipaglaro ka na samin uupo ka lang naman dun sa kumot at kakain tayo bg nga candies na binili ni mommy." Tuwang tuwa na yaya ni Taki na kinailing ko na lang ng sigawan siya ni Jiro na hindi na bago sakin since ng laging nandito si Taki at kinukulit siya.

"Taki hindi ka ba napapagod kakukulit kay Kuya Jiro feeling ko nasstretch na masyado ang vocal chords ni Kuya Jiro kasisigaw sayo." Ani ni Jun na kinatawa ko.

"Ayaw niya kasi makipaglaro wala siyang ginawa kundi mag basa ng magbasa." Nakangusong sagot ni Taki.

"Nagsasayang ka lang ng effort dun Taki wala ng pag asa yun." Sabat ni Loki na kinatahimik ko.

Baka kung anong masabi ko pag nagreact pa ako.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon