Chapter 37
3rd Person's POV;
Nang matapos sumayaw yung tatlo sa back up dancer nag thumbs up ang ilan sa White fang."Taki Suarez ikaw na." Tawag ni Loki na kinatingin ni Taki.
"Mygod." Bulong ni Taki bago tumayo mula sa pagkakaupo sa tabi ni Jun na kaharap ang isang laptop.
"Kaya mo yan Taki." Bulong ni Jun na kinahinga ng malalim ng binata bago kumuha ng pangipit sa buhok at ipitan ang medyo mahaba nitong buhok.
"Witwew!" Sipol ng ilan sa White Fang ng pumunta na sa gitna si Taki.
"Whoa!" React ni Yuan ng nagsimula na ang tugtog at sumayaw si Taki na kinatigil ng Black Chasers.
"Ohmy!" Tili ni Devin at napalakpak ng makita si Taki na sumasayaw.
"Sexy." Nakangising bulong ni Jiro habang nakasandal sa pinakagitna ng stage.
"Tangna parang siya gusto ko ilagay sa gitna." Natatawang biro ni Yuan habang ngumunguya at pinanonood si Taki.
"Asset!" Sigaw ng tatlo sa back up dancer.
Nang matapos ang tugtog halos tumaas ang init ng katawan ng binata sa mukha ng makitang titig na titig sakanya ang lahat specially ang kasintahang nakatingin sakanya.
"Kyaah! Ang galing galing!" Sigaw ni Devin habang nagtatalon sa stage kasunod ang White Fang na tumayo at pinalakpakan si Taki.
"Nice." Nakangising komento ni Loki.
'Kyaah! Ang galing ni Taki!.'
'We love you Taki!'
Tili ng ilang kababaihan sa pinaka entrance ng gymn.
Taki Suarez's POV;
Napaupo ako sa sahig sa gitna ng gymn habang hinahabol ng hininga ng iniannounce ni Loki na mag break.Pucha 5 hours straight ang practice.
"Taki." Napatingin ako kay Loki ng tawagin ako nito at agad na nasalo ang binato nitong tubig at towel.
"Ayusin mo tyura mo pinapatay na ako sa tingin ng asawa mo." Ani ni Loki na kinangiwi ko ng mapatingin ako sa stage at nakita kong sobrang dilim ng mukha ni Jiro.
"Possesive as well." Ani ko bago umayos ng upo at ininom ang binigay ni Loki.
"Mag sisimula tayo pagkatapos ng isang oras pwedeng lumabas ng gymn yung gustong lumabas." Ani ni Loki na kinapalakpak ng tenga ko.
Feeling ko kasi pati puso ko mailalabas ko na sa ilong ko dahil sa sobrang paghahabol ko sa hininga ko.
"Oy pre gusto mo sumama sa cafeteria?treat namin." Ani nina Rico isa sa mga back up dancer.
"Hindi na mga pre papahinga na lang ako hindi pa naman ako gutom." Tanggi ko magsasalita pa ito ng---.
"May paguusapan din kami ni Taki." sabat ni Loki na kinatigil nung tatlo.
"A-Ah s-sige." Ani ng mga ito bago wala sali salitang umalis ang mga ito at lumabas ng gymn.
"Kyaah!Taki Taki!" Tili ni Devin bago ako sunggaban ng yakap na kinatawa ko ng mapahiga ako sa sahig.
"Ang galing galing mo sumayaw as in!" Komento ni Devin na kinailing ni Maximus habang naglalakad palapit samin.
"Devin umayos ka nga napakahyper mo." Saway ni Maximus bago iabot sakin ang kamay na agad kong kinuha at hilahin niya patayo.
"Pamatay ka maging dance instructor." Komento ni Jairus habang kaakbay si Jun na nakanguso.
"Tsk wag niyo nga kami pakialaman ilang days na lang meron kami." Sagot ni Loki habang humihithit ng sigarilyo.
"Nasaan si Jiro?" Tanong ko kay Jairus habang sumisilip sa likuran niyam
"Nasa stage pinapupunta ka nga dun." Sagot ni Maximus na kinangiti ko bago lakad takbong pumunta dun.
Okay lang naman na lumapit ako White Fang at Black Chasers na lang naman ang nandito sa gymn.
"Jiro." Nakangiting bati ko bago sunggaban siya ng yakap mula sa likod habang kausap si Titus.
"Maya na tayo mag usap Titus." Rinig kong sambit ni Jiro bago humarap sakin at halikan ako sa noo.
"Naperfect mo na agad ang sayaw wala pang isang araw." Komento ni Jiro na kinangiti ko ng malapad.
Pinanonood niya ako.
"Ilang araw na lang kasi bago yun iperform." Sagot ko ng makita kong kinuha niya an coat niya at ilatag yun sa gilid niya matapos umupo.
"Higa ka idlip ka muna." Ani ni Jiro na agad kong sinunod.
"Gisingin mo ako pag sasayaw na kami." Bilin ko bago humiga sa nilatag niya at ginawang unan ang mga hita niya.
Dahil sa magkasamang pagod at amoy ni Jiro nahila agad ako ng antok.
Jairus Porter's POV;
Hindi ko maiwasang mapailing ng kakamot kamot si Mathias ng ginawa siyang messager ng dalwa dahil kay Taki na natutulog.Magdadalawang oras na kasing tulog si Taki at ayaw ipagising ni Jiro.
"Possesive dambass." Rinig kong sambit ni Loki habang naiinis na humihithit ng sigarilyo.
"Yaan mo na pinagod mo yung prinsesa niya kasalanan mo din yan." Ani ko habang kumukuha ng beer sa styro na nasa tabi niya at walang kaano anong laklakin yun ng---.
"Loki." Ani ko bago tumakbo kung san ko nakita yung pagflash ng camera.
Alam kong camera yun dahil may nakita akong bulto ng tao.
"May tao?" Rinig kong tanong ni Loki bago nauunang tumakbo papunta ng fire exit.
Ng---.
"Shit!" Mura naming pareho ni Loki ng nabutas yung mukhang fire estinguisher at sumabog yun sa mismong daanan namin.
"Anong nangyari?" Tanong ni Yuan ng makitang tumakbo pa din si Loki palabas.
"May nagbukas ng fire exit." Sagot ko ng dumating ang ilan sa White Fang at sina Mathias.
BINABASA MO ANG
The Mafia boss's Addiction
General FictionPrologue "I-Ikaw ba ang pinagkakautangan ng papa ko?" nauutal na tanong ng binata sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sa pwesto niya. "I didn't expect na ipambabayad ka talaga niya?" Ani ng baritanong boses na nagbigay ng sobrang lamig sa katawan n...