Epilogue
3rd Person's POV;
"Archer okay na ba yan?!" Sigaw ni Gray habang nakatayo sa gitna ng field kasama ang White Fang at Black Chasers."Tangna teka la---."
"Tulungan na kita." Naputol ang sasabihin ni Archer ng lumapit si Terrance ng White Fang at inassimble ng ayos ang camera.
"Nasan na yung lence ng camera?" Tanong ni Terrance iaabot yun ni Archer ng may humila sa kwelyo ng binata at agawin ang hawak nitong lence at iabot kay Terrance.
"Ikaw na mag ayos." Sabat ni Mathias bago hilahin ang kasintahan pabalik sa gitna ng field.
"Oy teka lang Mat galit k---."
"Shut up." Putol ni Mathias kay Archer na kinangiwi ng binata habang hilahila siya sa kwelyo ng kasintahan.
"Guys okay na!" Ani ni Terrance bago nanakbo pabalik at pumuwesto.
"1..2..3..Say Cheese!"
---
"Ano?!sira na ba ang ulo m---.""Pakawalan niyo na siya." Putol ni Jiro sa attorney ng mga Porter bago mag gesture sa mga pulis na bitawan ang lalaking nasa 40s.
"Salamat...salama---."
"Hindi porket pinakawalan kita bayad kana." Walang emosyong sambit ng lalaki na kinatigil ng matanda habang nakaluhod at halos halikan ang sapatos na suot ng lalaki.
"Anong ibig mong sab---."
"May utang ka sa pamilya ko ng 8.4 billion plus yung binayad ko sa casino na pinagkakautangan mo." Ani ng lalaki na kinaangat ng tingin ng matanda.
"Isa sa dahilan bakit kita tinulangan dahil sa kaibigan ng mama ko ang asawa mo pero wala ng libre sa mundo at hindi mo basta basta madadampot kung saan ang 13 billion." Dagdag ng binata bago tumayo at magsindi ng sigarilyo.
"Pero saan ako kukuha ng 13 billion." nanlulumong sambit ng matanda.
"Alam ko na pautangin mo ulit ako at susubukan ko ulit tumaya siguradong mananalo na ak---."
Susugudin ng butler ang matanda ng magtaas ng kamay ang lalaki at matamang titigan si Mr.Suarez na kinikilabutang nakatingin sa butler.
"Ibigay mo sakin si Taki then babayaran pa kita." Walang buhay na sambit ni Jiro na kinalaki ng mata ng butler at ng nagsisilbing attorney ng pamilya.
"A-Ano?" Hindi makapaniwalang sambit ng matanda.
---
"Inom pa!" Sigaw ni Devin habang sinisinok sinok at hawak ang isang beer."Lasing kana tama na yan." Ani ni Neon bago agawin ang hawak na bote ng kasintahan.
"*Hik* ang gwapo ng Neon ko ohh." Komento ng binata na kinailing ni Neon bago hapitin sa bewang ang kasintahan.
"Titus sabi ng bawas bawasan mo na yang paninigarilyo mo." Saway ni Gray bago kuhanin ang sigarilyong sinisindihan ni Titus.
"Isa na lan---."naputol ang sasabihin ng binata ng siilin siya ng halik ni Gray na kinasipol ng ilan sa White Fang na nag iinuman.
"Tangna talaga dapat nagdala din ako ng chix eh."reklamo ni Yuan na kinailing nina Loki na humihithit ng sigarilyo.
"Nilalamig ka?" Tanong ni Archer sa kasintahan bago umupo sa tabi Mathias.
"Lakas kasi ng mga siraulong yan sa field pa talaga nagyaya ng inuman." Sagot ni Mathias habang hinihipan ang mga palad niya ng---.
"Halika nga dito." Ani ni Archer bago hilahin bahagya si Mathias at kuhanin ang mga palad nito.
"Wag kang masyadong iinom." Bulong ni Archer habang hinihipan ang palad ng kasintahan na nakakulong sa mga palad niya.
"Jairus wag masyadong iinom." Paalala ni Jun habang nasa pagitan ng mga hita ng binata at yakap siya mula sa likod.
"Nah wala ako sa mood maglasing ngayong gabi." Sagot ng binata habang pinaiikot ikot sa isang kamay ang hawak na beer.
"Taki nasan si Jiro?" Tanong ni Loki ng makitang hinahaplos haplos ng binata ang magkabilang braso.
"May kukuhanin daw siya sandali." Sagot ni Taki habang may hawak na beer iinumin niya yun ng may umagaw nun at nagpulupot ng malaking tela sa katawan niya.
"Naka dalawang bote kana tama na." Bulong ni Jiro bago tumabi kay Taki at akbayan ito habang humihithit ng sigarilyo.
Taki Suarez's POV;
Sa araw ng pasko ding yun magkakasabay naming pinagdiwang ang pasko kasama ang buong grupo."Tangna mo Porter madaya ka!" Sigaw ni Loki na kinailing ko na lang dahil nagkakapikunan nanaman sila wala nanamang bago.
"Nilalamig ka pa?" Napatingin ako kay Jiro ng umupo ito sa harap ko at bahagyang ayusin ang pagkakabalot ko sa kumot.
"Lalamigin pa ba ako sa lagay na ito unan na lang kulang." Biro ko na kinailing niya bago haplusin ang pisngi ko.
"Jiro Porter! Tangna ka hindi pa tayo tapos dito mamaya kana humarot!"bulyaw ni Loki na kinatawa ko.
"Sige na maglaro kana ulit dun." Ani ko bago halikan siya sandali na kinaismid niya.
"Istorbo." Bulong niya bago tumayo at naglakad palayo.
Ilang buwan na din ang lumipas since ng makilala ko sila.
Imean magkita kita ulit pagkatapos ng ilang taon.
'Ang daming nangyari.' Ani ko bago tingnan ang kambal nakikipag suntukan kay Loki at Yuan.
Pero ni isa sa mga yun wala akong pinagsisihan kahit dumating sa point na kinuquestion ko na ang diyos sa mga nangyayari sakin...na hindi pinapansin ang existence ng taong buong buhay ko nasa tabi ko.
Regalo na binigay ng diyos para kapitan ko sa mga panahong ibibigay niya ang mga pagsubok na bubuwag sa pagkatao ko.
Napapikit ako ng madiin bago tumingin sa kalangitan.
Ito palang simula wala pa ako sa kalahati wala pa ito sa mga pagdadaanan ko alam ko pero---.
"Jiro Porter!"
'Pero hanggat andiyan si Jiro lahat makakaya ko.' Ani ko bago tingnan si Jiro na niwrewrestling si Loki.
Kasama ang mga kaibigan at buong grupo.
BINABASA MO ANG
The Mafia boss's Addiction
General FictionPrologue "I-Ikaw ba ang pinagkakautangan ng papa ko?" nauutal na tanong ng binata sa lalaking kasalukuyang nakatalikod sa pwesto niya. "I didn't expect na ipambabayad ka talaga niya?" Ani ng baritanong boses na nagbigay ng sobrang lamig sa katawan n...