Chapter 43

3.3K 143 0
                                    


Chapter 43
3rd Person's POV;
"Hoy Taki ayos kana ba? May mas---."

Naputol ang sasabihin ni Gray Crossford ng hahawakan nito sa ulo si Taki napahawak ito kay Jiro na parang takot na takot.

"Hey." Ani ni Titus bago hawakan ang kamay ng kasintahan ng mukhang nabigla ito sa reaction ng kaibigan.

"Taki." Napapitlag ang binata ng may tumapik sakanya mula sa likod na kinaatras ni Jun dahil sa reaction ng binata.

"Taki kami lang toh." Bulong ni Devin habang yakap ang braso ni Neon.

"S-Sorry." Nanginginig na bulong ni Taki.

---
"Yo." Bati ni Loki na kinatingin ng buong Black Chasers.

"Anong nangyari? Nadagdagan na ba ng isang taon ang pagstay niyo ulit dito?" Biro ni Loki na kinakunot noo din agad nito ng makita ang maiitim na Black aura sa paligid ng grupo.

"Sana yun na nga lang nangyari." Bagsak ang balikat na sagot ni Devin habang kinakagat kagat ang chocolate nito na may plastic pa na agad inagaw ni Neon at binuksan.

"Ano bang nangyari?" Tanong ni Yuan bago umupo sa isa sa mga upuang malapit sa stage.

"Takot na samin si Taki." Sagot ni Jun.

"I see hindi na nakakapagtaka yun." Sagot ni Loki bago magsindi ng sigarilyo at umupo sa isa sa mga lamesang nakakalat sa loob ng gymn.

"Tangna parang gusto ko ulit hukayin ang kabaong ng putanginang yun para madurog ko lahat ng buto niya." Nanggigigil na sambit ni Devin.

"G-Guys." Napatingin ang lahat sa dalawang lalaking lumapit sakanila.

"I-I didnt mean n-na iwas---."

"Kuya Taki payakap kami."

Halos sabay na sambit ni Jun at Devin na kinangiti ng konti Taki bago bahagyang bumitaw sa kasintahan at ibuka ang mga braso nito na agad sinunggaban ng yakap ang mga tinuturing na kapatid at the same time bestfriends.

"Pasensya na sa inasal ko kaninang umaga kas---."

"Hindi mo naman kailangan mag explain ang mahalaga okay kana." Nakangiting sambit ni Jun.

"Wag kana ulit gaganun samin ah lagi na kitang bibigyan ng chocolate promise pero konti lang ah hihi gawa kasi ni Neon yun." Ani ni Devin na kinangiti ni Taki.

"Hindi naman ako mahilig sa sweets hindi naman din ako laging gutom pinagluluto ako lagi ni Master." Sakay ni Taki na kinanguso ni Devin.

"Hoy Neon pagluto mo din ako palagi ah." Ani ni Devin habang nakangusong nilingon ang kasintahan na nag ok sign lang.

"Sira ulo ka talaga Roswell iniuunder mo na si Maximus." React ni Jun na kinatawa ni Taki ng belatan siya Devin.

"Ikaw kasi hindi mo mautusan si Kuya Jai."pang aasar ni Devin na kinibit balikat ni Jun.

"Hindi na kailangan kahit hindi ko naman sabihin ginagawa niya na." Sagot ni Jun na kinailing ng mga Black Chasers at White Fangs sa usapan ng tatlo.

"Tatlong araw kang hindi nagpakita Jiro." Ani Jairus ng lumapit sakanya ang kakambal at hablutin ang hawak nitong beer.

"Binantayan ko si Taki." Sagot ni Jiro na kinatingin ni Gray.

"Mukha hindi maganda pinagdadaanan ngayon ni Taki halata sa mukha niya at sayo." Ani ni Gray habang nakatingin kay Jiro na nagsisindi ng sigarilyo.

"Malaking trauma kay Taki ang nangyari nakita niyo naman reaction niya kaninang umaga." Ani ni Jiro habang sapo ang noo niya.

"Madalas siyang binabangungot pag nagigising iyak ng iyak hindi ko din malapitan ng ilang minuto dahil hindi ako nakikilala." Dagdag ni Jiro.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon