Chapter 33

3.5K 154 1
                                    


Chapter 33
3rd Person's POV;
"Mictest! Mic---screechhhhh."

"Crossford!puta ang sakit sa tenga!" Mura ni Mathias na inaayos yung speaker sa gilid kung nasan nakakabit ang electric guitar niya.

'Kyaaah! Ang Black Chasers!'

'Ohmy si Jairus'

'Jiro!!'

"Hindi talaga magandang idea na puro babae kinuha natin." Komento ni Jun habang nilalabas yung mga gamit sa box.

*blaag*

"Wag ka ngang patanga tanga!" Napatingin si Taki at napatayo ng makita ang dalawa sa kaklase niyang lalaki na kunukwelyuhan ang isang estudyanteng mukhang 4th year student dahil sa uniform nitong suot.

Taki Suarez's POV;
"Dre tigilan niyo yan." Saway ko kina Henry na kinatingin ng mga ito sakin ng damputin ko yung mga gamit nung nerd.

"Suarez wag ka na ngang mangiala---."

"Titigilan niyo yan o gusto niyong ipadala ko kayong lahat sa detention room." Biglang sulpot ni Jun na kinagusot ng mukha ng dalawang estudyante.

"Ayos ka lang?" Tanong ko bago tulungang tumayo yung nerd at iabot ang gamit niya.

Hindi ko alam kung ako lang o iba talaga ang ngiti at kislap ng mata niya.

"A-Ah s-salamat." Ani niya bago dali daling umalis.

'Kyaaah! Kakanta si Jairus!'

'Ohmy si Jairus!'

"Si Jiro kakanta?" Ani ko bago lingunin si Jun na mukhang panonoorin din ang kuyahin.

"Hindi ko alam." Sagot ni Jun habang nakanguso.

"Mictest." Napatigil ako ng hawakan ni Jiro ang mic na kinalunok ko dahil sa angas nito habang nasa stage.

Nakasando lang kasi ito habang ang puti nitong longsleeve nakatali sa bewang niya.

" Mayday! Mayday! The ship is slowly sinking They think I'm crazy but they don't know the feeling." Nagulat ako ng magsimula ng tumugtog sina Titus at si Jiro na kumakanta habang 2nd vocalist naman si Jairus na nakangito habang pinanonood ang kakambal.

"Whoa! Ang angas ng boses ni kuya." Komento ni Jun ng marinig ang boses ni Jiro na tumatama sa tono ng kanta.

"They're all around me, Circling like vultures They wanna break me and wash away my colors Wash away my colors Take me high and I'll sing Oh you make everything okay (okay, okay)."

'Kyaaah!!Jairus!'

Napapoker face ako sa sigaw ng mga babae dito mga panira eh si Jiro ko kaya yan.

"We are one in the same Oh you take all of the pain away (away, away) Save me if I become My demons I cannot stop this sickness taking over It takes control and drags me into nowhere"

"Teka teka!" Sigaw ni Jun na kinatingin ng Black Chasers.

"Guys pang christmas occasion ang theme natin." Paalala ni Jun na kinatawa ko.

"Guys A Capella ayaw niyo subukan?" Tanong ko na kinagusot ng mukha nila maliban kay Jiro at Devin.

"Gusto k---.

"No way!"

Sabay sabay na sagot ng lima na kinatawa ko dahil nagbibiro lang naman ako.

Buong maghapon wala yata kaming ginawa ni Jun kung hindi ayusin at planuhin kung anong gagawin para sa christmast eve.

"Damn." Mura ko ng makapasok ako sa locker room at magpadaos dus paupo sa gilid ng likod ng pinto.

"Ang sakit na ng batok ko." Bulong ko habang hinihilot ang batok ko ng---.

"Ayos ka lang?" Napaangat ako ng tingin ng bumukas yung pinto at niluwa nun si Jiro na basang basa ng pawis.

Wet look tangna.

"Napagod lang." Sagot ko bago umiwas ng tingin at sumandal sa pader.

"Ang ganda ng pagkakaorganize mo sa gymn." Komento ni Jiro na kinangiti ko ng umupo siya sa harap ko at tapikin ng mahina ang ulo ko.

"Nauubos energy ko kasasaway sa mga fans niyo na imbis gumalaw tinititigan kayo." Ani ko na kinailing niya bago ihilig ang ulo ko sa dibdib niya na kinapikit ko sandali kasunod ng pagkulong niya sakin sa mga bisig niya.

"Idlip ka muna kahit limang minuto gisingin na lang kita." Ani ni Master na agad kong sinunod dahil sa biglang paghila sakin ng antok.

----
Jiro Porter's POV;

"Wag mong pakatitigan si Taki maissue ka nanaman." Komento ni Jai na kinaismid ko.

"I can't help it." Walang ganang sagot ko habang nakayuko at pinagtutuunan na lang ng pansin ang hawak kong gitara.

"Lakas pa din ng tama mo kay Taki." Natatawang komento ni Jai na kinailing ko dahil nang aasar nanaman siya.

"Pano ko maiiwasan ang kaisa isang bagay na hinahanap hanap ng sistema ko." Ani ko bago sindihan ang hawak kong sigarilyo at hithitin yun.

'Jiro labas ka diyan gala tayo!'

'Jiro.'

'Jiro hi sayo.'

'Jirooo.'

"He was my addiction and i can't resist it.." Dagdag ko bago tingnan si Taki na nakangiting nakikipag usap sa mga kaschoolmate namin.

3rd Person's POV;
"Hindi ako makakapayag na agawin mo siya sakin." Madilim ang anyong sambit ng isang lalaki habang nakatingin sa mga litratong nakadikit sa pader.

"Akin lang siya!" Sigaw ng lalaki ng walang kaano anong ibaon ang hawak nitong kutsilyo sa litrato ng binatang walang kaemo emosyong na sa picture.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon