Chapter 26

3.7K 175 2
                                    


Chapter 26
Taki Suarez's POV;
"Taki papatayin talaga kami ni Kuya Jiro bakit ba gusto mong pumunta dito?" Kinakabahang tanong ni Jun ng pumunta kami sa mismong bulding ng White Fang.

Kumpara sa building ng Black Chasers mas maaliwalas ang kulay ng building nila.

Pinaghalong white and silver ang theme ng building.

"Taki naman eh bumalik na tayo." Yaya ni Devin habang hawak ang braso ko.

"Sandali lang naman tayo." Ani ko ng makarinig kami ng ingay mula kung saan sinundan ko ang ingay na yun at---.

*blaaag*

Walang kaano anong binuksan ko ang pinto at---.

"Shit!"

"Tangina!"

"Fuck!"

Nagkanya kanya silang mura ng makita ko silang may ginagawang milagro.

'Ohmy!'

'Si Suarez!'

Napapoker face ako ng nagkanya kanya silang dampot ng damit at yung mga babae hubo't hubad tumakbo palabas dala ang mga damit nila.

"Putangina mo Suarez ano bang ginagawa mo dito?!" Bulyaw ni Yuan habang nakatalikod at nagbibihis kasama ang iba pang White Fang na hindi alam kung pano magtatago sakin.

Seriously? -__- meron din ako niyan mga putangina niyo.

"Ano yung ginagawa niyo sex class?Sex group?" Tanong ni Jun habang nakangiwing tiningnan yung mga estudyanteng nanakbo pa pababa.

"Ano ba kasing ginagawa niyo dito?" Gusot ang mukhang tanong ni Loki na mukhang nabitin.

Gusto ko sanang asarin pero dahil wala ako sa mood at nagmamadali kami dahil baka dumating na si Jiro mabilis kong sinabi ang pakay ko.

"Gusto ko lang magthank you sa ginawa niyo para sakin at nalaman ko ding kayo din ang nagbigay ng gamot kay Jiro kaya salamat." Tuloy tuloy na sambit ko na kinatinginan ng White Fang habang si Loki naman ay halos umusok ang ilong at tenga sa inis.

"Binitin mo ako at inistorbo para lang magthank you!" Bulyaw nito na kinangisi ko.

"Sana naman kasi naglagay ka ng note sa labas ng classroom niyo na 'Don't Disturb.' Para walang nang iistorbo." Presko na sagot ko na kinatawa ko ng mahina ng malakas niyang isara ang pinto.

"Sumbong ko kaya yan kay kuya Jiro angas ah." Napipikon na sambit ni Jun na kinailing ko na lang bago tumalikod.

Iilang hakbang palang ako ng---.

"Your welcome Suarez!at sa susunod may bayad na yun!" Sigaw ni Loki na kinalingon ko.

Pero saktong paglingon ko din ang pagsara ng pinto na kinaismid ni Devin.

"Yayabang." Komento ni Devin na kinailing ko na lang habang naglalakad pababa.

Nang makarating kami sa first floor at palabas na ng building napatigil kaming tatlo ng---.

"Kuya Jair---."naputol ang sasabihin ni Devin ng---.

"Jiro!"sigaw ko ng walang kaano anong lumapit ito sakin at parang isang sakong bigas niya ako sinampa sa balikat niya.

"Ow si kuya Jiro yun patay na." Nakangiwing komento ni Devin dahilan para hampasin ko sa likod si Jiro tangna.

"Jiro! Ano ba?!ibaba mo ak---."

"Sinabi ko ng wag kang lalabas ng dorm mo diba?" Malamig na sambit ni Jiro na kinatigil ko.

Kahit nasusuka at naiinis ako nanahimik na lang ako.

Nang makarating kami sa field parang manika lang akong inikot ni Jiro at binuhat na pa bridal style na hinayaan ko na lang.

Ganun ba ako kagaan at kapayat para paikutin niya lang ako ng ganun seriously?

"Sabi sainyo kasama ni Taki yung dalawa." Rinig kong sambit ni Mathias.

Napatingin ako sa Black Chasers ng makita ko sila sa tapat ng cafeteria na hindi kalayuan samin.

"Saan naman kayo galing?" Tanong ni Jairus ng---.

"Mauna na ako sainyo ah punta lang ako ng office ko." Paalam ni Jun na kinatingin ko.

"May Lq kayo?" Tanong ni Devin.

Baba ako ng---.

"Una na din kami."paalam ni Jiro bago maglakad kung saan.

"Bye Taki!" Sigaw ni Devin na kinasilip ko sa pagitan ng mga braso ni Jiro.

"Byee!" Paalam ko bago kumaway.

Nang makalayo kami hinampas ko si Jiro na kinatingin niya.

"Hindi na ako bata!bitaw---."

"Lagi mo na lang ako pinag aalala." Walang buhay na putol ni Jiro na kinatahimik ko sandali.

"Pag naulit pa ulit ang nangyari sayo Taki hindi ko na alam ang magagawa ko." Walang emosyong dagdag niya na kinatingin ko.

"Pinalampas ko yung limang scholar dahil hindi maganda ang lagay mo at ayoko ng umisang taon pa dito dahil gusto na kitang makasama pero pag naulit pa yun sayo...hindi na ako mangangakong hindi na ako papatay." Ani niya na kinalamig ng katawan ko.

'Pinatay mo lang din naman ang buong angkan ng tauhan ni papa.'

Sa mga sinabing yun ni Jairus hindi na imposible ang binibitawang salita ngayon ni Jiro.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon