Chapter16

4.8K 187 5
                                    


Chapter 16
Taki Suarez's POV;
"Kaya pala Porter din apilyido niya...pinsan mo pala." Ani ko habang nakadapa sa kama na kinatigil ni Jiro sa pagsusuklay sa buhok gamit ang daliri niya.

"Anong problema?" Tanong ko bago bahagyang umupo at takpan ang katawan ko.

"Basta layuan mo siya." Sagot niya bago umayos ng higa at tumingin sa kisame.

"Jir---."

"Matulog na tayo." Putol ni Jiro bago ako hilahin palapit sakanya at yakapin.

"Lahat ng gustuhin niya binibigay ko Taki kaya natatakot ako sa magagawa ko pag ikaw na ang hiningi niya sakin." Ani ni Jiro na kinatigil ko titingilain ko siya ng isubsob niya ang mukha ko sa dibdib niya at marahang suklayan ang buhok ko gamit ang daliri niya na palagi niyang ginagawa.

'Ibibigay?'

---
"Oy Taki mahulog ka." Ani ni Jun habang nilalagyan ko ng design yung bubungan ng booth.

"Pakiabot na lang sakin yung mga design." Ani ko sa mga kaklase kong nasa baba kasama si Jun na nilalabas sa mga box yung mga gamit.

"Whoa! Ang galing mo pala mag organize ang ganda." Komento ni Jun ng makita ang ginagawa ko.

Photo booth kasi ang pinili namin kailangan talaga organize para sa back ground.

"Taki! Taki!" Napatingin ako kay Jun ng makita ko siyang may hila hilang upuan.

"Baba diyan baka mahulog ka." Ani ni Jun na kinababa ko sa kinatutung tungan kong lalagyan na kahoy.

"Pinabibigay ni Jiro." Bulong ni Jun ng kukunin ko yung upuan.

Hindi ko maiwasang mapangiti at pasimpleng tingnan si Jiro na binubuksan ang mga kahon nila.

"Salamat ah." Ani ko bago hilahin ang upuan sa pwesto ko at tungtungan.

3rd Person's POV;
"Malapit na tayo matapos." Tuwang tuwa na anunsyo ni Jun ng makaupo siya sa table kasama ang mga kagrupo niya at si Taki.

"Taki konti lang yang pagkain mo ah." Komento ni Jun ng makitang sandwitch at juice lang ang kinakain ng binata.

"Hindi ako pwedeng kumain masyado nalulula kasi agad ako sa matataas na lugar at worst baka masuka lang ako di pa tapos yung booth natin." Sagot ni Taki.

"Ako na lang magtutuloy nun." Ani ng isa sa mga kagrupo nilang lalaki.

"Wag ka ngang pabibo Caligran feeling organize ka ni hindi mo nga maayos yang pagkakalagay ng kutsara mo." Sabat ng kaklase nilang babae na kinatawa ng grupo.

'Ohmy!ang White Fang!

'Lunch break na din nila!'

Napuno ng ingay ang cafeteria ng pumasok ang grupo ng White Fang na pinangungunahan ng founder at leader na si Loki Porter at Yuan Acuera.

Habang nagkakagulo ang mga estudyanteng babae at ang mga lalaki naman ay nakatingin sa grupuhan ng White Fang tahimik namang kumakain si Jun at Taki ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang grupuhan.

"Yung Transferee." Bulong ng isa sa miyembro ng White Fang na kinatingin nina Yuan at Loki.

"Tsk mga hindi man lang tumingin." Komento ni Loki na tila naiinis ito bago umupo sa kabilang table na katabi ng table ng grupo nina Taki.

Taki Suarez's POV;
Halos hindi ko malunok ang kinakain ko ng maramdaman kong may mga nakatingin samin putangina.

'Ang Chasers!'

Nabitawan ko yung hawak kong sandwitch ng marinig ko yung Chasers pucha.

"Taki ayos ka lang bat ka namumutla?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko.

"A-Ano hindi lang maganda lagay ng tiyan ko." Pagsisinungaling ko.

"Nakalunch din langya gutom na gutom ako." Ang boses na yun.

Si Devin mukhang sa likuran kong table sila uupo.

'Tangna pano ako makakain nito kung may nakatitig sakin sama mo pa yung barkadahan na nakapalibot sa table namin.'

"Nasaan pala si Jiro?" Rinig kong tanong ni Gray.

"Nasa locker room ng gymn." Bulong ni Devin mula sa likuran ko na kinatigil ko habang si Jun naman sinisiko siko ako.

"A-Ano una na ako ah." Paalam ko sa mga kagrupo ko bago tumayo at kuhanin ang mga gamit ko.

"Maaga pa Taki ah mamaya pa t---."

"Maglalakad lakad lang ako." Sagot ko bago magpaalam sakanila at lumabas ng cafeteria.

---
Nang makita kong walang tao sa gymn tuloy tuloy akong lumapit sa locker room at ng pihitan ko yung door knob nagulat ako ng bigla na lang bumukas yun at hilahin ako papasok bago isandal sa gilid ng pinto fuck.

"Wtf!Master!" Sigaw ko habang hawak ang dibdib ko na kinangisi ni Jiro.

"Bakit bigla bigla kana lang nanghihila?!pano kung iba ang nahil---." Nanlaki ang mata ko ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Ang ingay mo talaga para kang babae." Bulong ni Jiro ng---.

"Bakit ang init mo?" Nag aalalang tanong ko ng maramdaman kong sobrang init ng hininga niya bago sapuin ang noo ni Jiro.

"Shit! Bakit hindi ka pumunta ng clinic?!" Nag aalalang tanong ko bago kapain ang switch ng ilaw at buksan.

"Nilalagnat ka."naiinis na sambit ko bago siya iupo sa sahig habang nakasubsob sa leeg ko.

"Tatawagan ko sina Dev---."

"N-No dito ka lang."nanghihinang sambit niya bago ako mas yakapin.

"Jiro makinig ka nga sakin kailangan mong bumalik sa dorm mo para makapag pahing---."

"Sa Dorm mo na lang."putol niya na kinangiwi ko.

"Hindi pwede Jiro pag nagpadala ka sa Dorm ko makikita ka ng mga estudyante kaya hindi pwede." Ani ko na kinatahimik niya.

"Haist pagkatapos naman ng klase pupunta ako sa Dorm mo ako mag aalaga sayo." Dagdag ko na kinatingin niya.

Namumungay ang mga mata niya at bahagyang namumula dahil siguro sa lagnat niya.

"Aantayin kita." Bulong ni Jiro bago sumiksik ulit sa leeg ko.

Marahan kong hinaplos ang buhok niya bago kuhanin ang phone niya sa kaliwang bahagi ng uniform niya na alam kong dun palagi niyang nilalagay.

"Dito muna tayo in 5 minutes maya maya pa naman simula ng time ko." Ani ko bago idial ang number ni Titus siya kasi nasa unahan ng caller.

"Oy Titus punta kayo dito after 5 minutes nilalagnat kasi si Jiro magpapunta na din kayo ng nurse sa dorm niya." Bungad ko.

"[Okay punta kami diyan Porter.]" Sagot ni Titus na mukhang nasa cafeteria kaya pinatay ko na yung tawag at binalik ang phone ni Jiro.

"Suutin mo toh." Bulong ko bago hubarin yung jacket ko at ipatong yun sa balikat ni Jiro bago siya mahigpit na niyakap.

"May sandwitch pa pala ako sa bag kumain ka muna kahit konti." Ani ko bago abutin yung bag ko at buksan.

"Ang taas ng lagnat mo." Nag aalalang komento ko ng hindi sinasadyang mapadikit sa braso ko ang leeg ni Jiro.

"Buka mo na lang ang bibig mo." Ani ko bago hinimay himay ng konti yung sandwitch at isubo yun kay master.

The Mafia boss's AddictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon