C-1

13.6K 477 25
                                    

"Billie!!"- I heard someone shouted from the crowd.

Nagpatuloy ako sa paglakad palayo. Ang dami ng tao and it's suffocating me.
Lumiko ako sa hallway at mahigpit ang hawak sa bag ko kasi pakiramdam ko hinihingal ako.

"HEY BILL---"

"Oh my gosh what the freak?! "- sigaw ko dahilan para magulat ang lahat.

"Hey I'm sorry. Kanina pa kasi kita tinatawag"- sabi ng babaeng humawak sakin na sa pagkakatanda ko ay isa sa mga kaklase ko sa Math subject.

I cleared my throat and compose myself. Nawala nadin ang atensyon ng iba samin.

"I'm just too preoccupied. Bakit? Ano bang sasabihin mo? "- I asked and I exhale calmly.

"Pinapatawag ka ni Prof. Lopez sa faculty room, kakausapin ka daw "- sabi nya.

"Okay. Thanks"- sabi ko at mabilis ang hakbang na lumakad palayo.

Nakarating ako sa faculty. Kumatok muna ako baka kasi maistorbo ko yung ibang teacher. When they allowed me to go in dumiretso nako sa table ni Prof. Lopez.

"Ma'am you called for me? "- I asked.

"Oh yes Ms. Dela Vega, have a sit first"- she replied.

Naupo naman ako sa harapan nya. She took off her sunglasses at tumingin sakin. She's in her mids 50's I guess.

"I called you because I need to talk to you about your performance in class. "- she said.

Nakaramdam naman ako ng kaba.

"May problema po ba ako?"- I asked.

"That's the question hija. May problema ka nga ba? Kasi your performance in my class is getting low.  You're being inactive".

"That's impossible. Lagi po akong napasok ma'am"

She massage her temple.

"Yes you are always present and yet always mentally absent. Napapansin ko sayo madalas kang tulala. Hindi ka din masyado nakaka focus sa mga lesson's natin and I'm afraid na kung magpapatuloy iyan you have a tendency to be remove at the dean's lister hija. I know you don't want that right? "

Natahimik ako. It's because of that nightmare!!!

"I already talk to your mother. And she said she will provide a tutor for you para mas maging active ka sa klase ko"

"I'm sorry ma'am." - ang tangi kong nasabi.

After ng pag uusap nayun lumabas nako. I walk on the empty hallway.

Nagulantang ako sa tunog ng bell,  maya maya ay unti unti ng napupuno ang hallway ng mga estudyante kaya dali dali ang paglakad ko paalis para makalayo.

Pagdating sa parking lot napabuga ako ng hangin. Napahawak ako sa nuo ko.

Why can't these feelings leave me alone?!
For Pete sake! College nako pero heto para padin akong high school na laging takot!

Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at sumakay na ako.
After debating with myself napagdesisyunan kona na magdrive pauwi.

Dumating ako sa bahay. We're not that rich actually but I can say na may sinabi naman kami sa buhay. My father is dead two years ago due to heart attack. Kaya naman si mama na ang nagpatuloy sa business na naiwan ni papa w/c is a cake&coffee shop na hanggang ngayon ay pinipilahan ng mga tao dahil sa masarap na lasa.
I'm an only child kaya hindi masyado nahihirapan si mama mag provide sakin.

Nagluto ako ng dinner after ko magbihis ng pambahay para pagdating ni mama kakain nalang sya.
Hindi naman kalaunan ay dumating na sya at sabay na kaming kumain.

"Billie anak I already got you a tutor"

Natigil ako sa pagnguya at nilingon sya.

"Okay lang po Ma"- sabi ko at nilunok ang pagkain na nasa bibig ko.

"Hindi kaba magtatanong? "

"Ma if you're afraid that I would be rude to whoever that tutor of mine, kalma I have my medicine to control myself alright? "

Alam ni mama na may behavior problem ako, alam nya na ayaw ko kapag may hindi ako kakilalang tao na kakausap sakin but she don't know what's behind of that attitude of mine. Never kong sinabi kay mama na I was bullied.

"Okay bukas you will meet her. "

Hindi nako umimik at tinapos nalang ang pagkain. Ako nadin ang naghugas. Actually pwede naman kami kumuha ng katulong but I insisted na huwag nalang para mas makaipon. At bukod duon ayaw ko ng may ibang tao sa bahay.

Nag check ako ng ilang notes at ng makaramdam ako ng pagkabored tinago ko na ang mga iyon at nahiga nako para matulog.

Bumuhos sa buong katawan ko ang malamig na tubig. Ang ibang maliliit na yelo ay nahulog sa sahig sa may paanan ko.
Nanginig ang katawan ko sa lamig. I fisted my hands on my side. Rinig na rinig ko ang mga tawa ng taong nakakakita samin.

"Now you don't look bloody Billie. Mukha ka nga lang basang sisiw"- she mocked at binitawan nalang basta yung timba na hawak nya.

I want to fight but I know pagtutulungan lang nila ako.

Naramdaman ko ang daliri nya sa baba ko. Inangat nya ang mukha ko para matignan ko sya.

"Are you happy? "- I managed to asked kahit na nanginginig na ang labi ko.

There's an emotion that cross in her eyes pero agad din itong napalitan ng tingin na puno ng pang iinsulto.

"Of course I'm happy because they are all happy. Look around you Billie.. you're making them happy. So very very happy"- she said the last words almost a whisper.

She slap my face in a boring way. It's not that hurt dahil narin siguro sa lamig na nararamdaman ko kaya hindi kona naramdaman.

"Clean up. You look like a mess"- she said bago ako tinalikuran.

I open my eyes slowly. Ang bigat ng pakiramdam ko. Bumangon ako at tinignan ang orasan sa tabi ko. Alas otso na. Bumangon ako sa kama at hindi muna bumaba. I just bow down my head and grip my hair.
Freaking nightmare!! Bakit ba hindi iyon mawala wala sa isip ko?!

After kong maligo ay bumaba na ako. Naabutan ko si mama na naghahanda ng umagahan.

"Good morning. How's your sleep? "

"Ayos lang po"

"Still having a bad dreams? "

Umiling ako at ngumiti. Naupo nako at kumain na kami ni mama. Hindi ko sinabi. I don't want her to worry about me.

Hindi pako tapos kumain ng makarinig kami ng nag do doorbell. Since tapos na si mama sya na ang lumabas para magbukas.
I am busy chewing my food ng marinig ko ang boses ni mama . Pumasok sya sa kusina at kumuha ng tubig 

"Finish your food. Your tutor is already here"

Sa hindi malaman na kadahilanan nakaramdam ako ng kaba pero isinantabi ko ito, inubos kona ang pagkain ko at hinugasan ang pinagkainan namin.

Lumabas ako ng kusina.

"Oh she's here"- sabi ni mama.

Lumingon ang babaeng nakaupo sa sofa namin at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko ang mukha nya.

My knees tremble as well as my hands.

That pretty face.

"Billie meet your tutor---"

I didn't hear what's my mom saying dahil unti unting nanlabo ang paningin ko.
I can't breath and then suddenly everything went black.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon