C-12

9.1K 335 41
                                    


"Anak are you okay?"

Napabaling ako kay mama dahil sa tanong nya.

"Hindi mona nga kinakain yang cake na hiningi mo tapos ngingiti ngiti kapa dyan"

Nandito ako sa shop namin ngayon. Well I just disturbed my mom. Kanina tumulong ako magserve sa mga customer pero ngayon nandito ako sa office nya para magpahinga.

"Stop smiling like a crazy woman anak"- saway nya sakin.

Natigil naman ako at kinuha ang tinidor para kainin ang cake sa harapan ko.

"Ma..."

"Hmm? "- she asked while still busy scrolling down to her computer.

"Hindi kana man po magagalit if I like someone diba?"

Tumigil sya sa ginagawa at bahagyang natawa 

"At bakit naman ako magagalit? Normal lang naman yun sa edad mo, sino ba yang gusto mo?"

Hindi ko sya sinagot bagkus ay ngumiti lamang ako.

Sumubo ako ng cake at hindi ko maiwasan na hindi ma excite dahil makikita kona naman si Ava sa susunod.

I wonder what her reaction will be.

Nakikinig ako sa music sa iPod ko ng may humila ng earphones ko.

"Kanina pa kita hinahanap nandito kalang pala!"-Laila said.

"Pwede ba ayaw ko ng maingay ngayon"-sabi ko.

"Do you have a problem? "

"Wala. Bakit moba ako sinundan?  Nagtago na nga ako sayo e"

"You can't hide from me Billie. Everyone knows you already for punching Jay. Nakakatuwa dahil pati mga babae gustong malaman kung single ka"

"And what's funny about that? "

"Sabi ko kasi sa mga nagtanong sakin gf mo yung babaeng sumundo sayo sa cafeteria "

Pinatay ko ang music sa iPod ko at buong atensyon ko ay nasa kanya na.

"You what? "

"I told them that you and that girl is a thing"

"Seriously Laila?,  you shouldn't do that! "- sabi ko.

"It's so obvious naman na gusto ka nya. Tell me Billie nagkagusto kana ba sa iba kahit minsan lang?"

I do have crushes before. Pero simpleng crush lang iyon na nawala din naman kaagad. I can still remember my first boy crush who turned out to be a gay. It was Carl. Hindi kona alam kung nasan sya. Sayang at ang gwapo pa man din nya.

Pero kung icocompared ang nararamdaman ko kay Ava this feeling is deep. It's not just a simple like.

"You like someone right now"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"You can't lie to me. Your eyes are sparkling Billie. So tell me who is that person"

Umiling ako at tumayo.

"Ang daya. Sabihin mona! "- she grunted.

Naiiling na natatawa ako sa itsura nya. Instead of answering her lumakad nalang ako palayo at hinabol naman nya ako.

Araw ngayon ng tutoring class ko kay Ava but to my surprise ibang tutor ang nakita ko sa bahay.

"Hello Billie it's nice to meet you. I'm Ms. Collins your new tutor."

"My new tutor? "- I asked disbelief. Bakit hindi ako nasabihan?

"Yes. Hindi ba nasabi sayo? According to your mother your old tutor resigned yesterday for some reason kaya ako na ang pinalit"

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon