"Why are you being hard headed Billie?!"- umalingawngaw ang boses ni Ava sa office nya dito sa 25th floor.
"I told you to finish what tasked I've given to you pero wala ka manlang dala dito kahit isa?"- naiinis padin na tanong nya.
Napabuga ako ng hangin at hindi sya inimik. Actually nagawa kona man yung pinapagawa nya e . Kaya lang sinadya kong iwanan sa baba para inisin sya.
Tutal nung nakaraan na araw naman ako ang ininis nya ng bongga."Ano? Nakikinig kaba?"- sikmat nya sakin ng mapansin na nakatitig ako sa kanya.
"Bakit ngayon kolang napansin na maganda ka kapag galit?, dati kasi pure evil ang nakikita ko sayo"- sabi ko
Nagsalubong ang kilay nya sa sinabi ko.
"Are you still hitting on me ?"- may bahid ng inis na tanong nya.
I chuckled at her remarks. Naupo ako sa one seated sofa na nakaharap sa table nya.
"Of course not. Hindi na kita gusto" ... kasi mahal na kita sobra. Gusto ko sana idugtong iyon pero ayaw ko ng mareject ulit.
Nag iwas naman sya ng tingin at hinawi ang buhok nya.
"I need the papers now. Gawin mona ang pinapagawa ko"- she said na medyo kalmado na pero nanduon padin ang awtoridad ng boses nya.
Tumayo naman ako at ngumiti.
"If I bring you the papers pwede ba akong umuwi ng maaga?"- I asked
Salubong ang kilay na binalingan nya ako.
"And where are you going?"
"That's a secret"
Tinalikuran ko sya at lumakad nako palabas.
Pagbalik ko sa sales department mga nakatanaw nanaman sila sakin. I just give them a little smile at tumungo na sa mesa ko para kunin ang mga papel.
"Pinagalitan ka?"- biglang sulpot ni Alarson.
"Parang ganun na nga.Sige alis nako"- sabi ko at umalis na dala ang bag ko.
Pagbalik ko sa office nya nakita kona syang nakatayo at nakaharap sa bintana.
"Eto na"- sabi ko at nilapag ang mga papel sa table nya.
Humarap naman sya sakin.
"Are you really pissing me off?"
"Of course not.Pano mona man nasabi?"
"Kanina sabi mo wala kapang nagagawa and all of a sudden you have these with you ?, niloloko mo ba ako?"- masungit na tanong nya at umikot na sya papunta sakin.
Napalunok naman ako. I don't want to be near her. Baka masira ang plano ko na asarin sya.
Umatras ako palayo sa kanya na lalong ikinasalubong ng kilay nya.
"Why don't you just thank me dahil nandyan na ang mga kailangan mo?"- I asked.
"How can I say that?, you lied to me"
"Aalis nako"- paalam ko.
"I'm the boss . Ako ang magdedesisyon"
"And what makes you think na papakinggan ko ang desisyon mo?"
"You're unbelievable.Sa lahat ng employees ko ikaw lang ang ganito"
"And do I need to feel sorry about that?"- pang aasar na tanong ko sa kanya.
She stamp her feet on the floor bago ako tinalikuran at bumalik sa pwesto nya.
Napangiti naman ako at nagsimula ng umalis.
Dumiretso ako sa shop at tumulong kina mama. She even questioned me kung bakit ako maaga umuwi sabi ko nagpa excuse ako.
"Ma, ayaw mo bang sa bahay nalang?"
"Naku anak. Mababagot ako duon.Gusto ko may ginagawa ako."- sabi nya.
"Pero napapagod kayo. Gusto nyo bang ako nalang pumalit sa inyo?"
"Iiwan mo ang trabaho mo?"
"Pwede naman pagsabayin"
Pinalo naman nya ako sa braso.
"Yan ang wag mong gagawin.You can't serve two masters at once. Kailangan may piliin ka"
"Hugot bayan Ma?"
"Manahimik ka . Tumulong ka sa labas"- sabi at at hindi nako pinansin.
No choice ako kundi ang tulungan ang mga waiter at waitress sa mga ibang customers na nakain .
After working in the shop nakatanggap ako ng text kay Jasmine.
Magpunta daw ako sa kanila mamayang gabi. Wala naman akong gagawin kaya umOO nalang ako .
Pagkauwi ko sa bahay naligo ako at kumain ng dinner namin ni Mama.
Sabi nya magpahinga na daw ako pero I insisted to go to Ambrosio's residence.
Pagkadating ko sa bahay nila nagtaka pako dahil wala masyadong ilaw. Maliban nalang sa second floor na may konting sinag ng ilaw ang isang kwarto.
That must be Jasmine.
Pero paano ako papasok ? Mukhang nakasarado na ang baba.
Hindi ako spiderman pero sabi kasi ni Jasmine may importante syang sasabihin sakin.
Sinubukan kona man syang tawagan pero hindi nasagot.
Dahan dahan akong lumapit sa pader. Tutal nakapants at tshirt naman ako okay lang na umakyat ako .
Nagsimula akong mangapa ng hahawakan ko at umakyat nako.
After a few minutes naabot kona ang mini terrace ng kwartong may ilaw.
Inangat ko ang katawan ko at dahan dahan sanang bababa ng bigla akong ma out balance dahilan para bumagsak ako.
"Ang shunga naman!"- reklamo ko sa isip ko.
Tumayo ako pero natigilan ako ng may magbukas ng sliding door.
Nag angat ako ng tingin only to see Ava in her silk robe na above the knee lang nya ang haba.
"What the fudge!"- medyo gulat na sabi nya at tinuro ako . "What are you doing in here?"
"I thought si Jasmine ang nandito!"- bulalas ko.
Binaba naman nya ang kamay nya at tumaas ang kilay.
"Ginagapang mo ang kapatid ko? Gawain mo ba to ever since wala ako?"
Napatawa naman ako sa sinabi nya
"I'm not a rapist or some crazy thief. Padaan nalang ako"- sabi ko pero hinarang lang nya ang sarili nya.
"You go home early from work and now magpupuyat ka dito sa bahay?, What do you want from Jasmine?"
Hindi ko maiwasan na hindi ibaba ang tingin sa katawan nya. Her long slender legs are showing.
"I am asking you"
"It's only between us. I hope you don't mind pero padaan ako"- sabi ko .
Hindi naman nya ako pinakinggan kaya naman tinulak ko sya papasok at sinarado ang sliding door.
"What?"- takang tanong ko ng mapansin na nakatitig sya sakin.
"Do you like my sister?"- out of nowhere na tanong nya.
Nagulat man ako sinagot kopa din sya.
"Oo naman. Hindi sya mahirap magustuhan"- sabi kona lang para makaalis na.
Inayos nya ang pagkakaribon ng robe nya at pinag cross ang mga braso nya.
"She's in her room now"- sabi nya at umalis sa harapan ko para magtungo sa kama nya.
Naguguluhan man ako lumakad padin ako papunta ng pinto.
"OT ka bukas"- rinig kong sabi nya .
"Okay"- sagot kona lang at binuksan na ang pinto para makalabas.
Bago ko sinara ang pinto nakita ko syang tumingin sa direksyon ko. Seryoso at parang may gustong sabihin pero hinayaan na lamang na makaalis ako.
BINABASA MO ANG
My Tutor was my Bully
Romance"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay... I love you anyway" Billie Dela Vega once a victim of bullying nuong sophomore year nya. But what w...