AVA's POV
Nakatitig ako sa mukha ng batang natutulog sa tabi ko. Hindi pala talaga sya umuwi. Pasaway talaga.
Inangat ko ang kamay ko at hahawakan sana sya ng biglang magbago ang pwesto nya at sa kabila na humarap.
Tinignan ko ang orasan sa bedside table ko at nakitang malapit ng mag ala sais ng umaga kaya naman bumaba nako sa kama at nilipat sa kanya ang kumot ko.
Pumasok ako sa banyo para maligo.
Hindi na muna ako papasok ng opisina dahil medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa alak na nainom ko kagabi.
At saka kailangan ko pang puntahan si Josh at kuhanin ang naiwan kong gamit sa kanya pati nadin ang kotse ko.After ko magbihis sa walk in closet ko ng casual attire tinuyo kona man ang buhok ko at nilagyan ng konting ayos ang mukha ko.
Nilingon ko ang kama ko and this time nagsalubong na talaga ang kilay ko ng makitang ang himbing ng tulog nya.
Sino bang lasing samin kagabi? Sya ba?
Lalapitan ko sana ulit sya pero ng maalala ko na tinanong nga pala nya kagabi kung papayag ako na maging gf nya biglang umatras ang mga paa ko.
Tumalikod ako at dali daling lumabas ng kwarto.
Tinungo ko ang kusina at tinignan ang ref."Should I cook something for her?"
"Kahit wag na"
"Oh freak!"- impit na sigaw ko ng bigla kong marinig ang boses nya sa likuran ko.
Nakaayos na ang itsura nya. Hindi na mukhang bagong gising. Kaya lang ang sama naman ng tingin nya sakin.
"Aalis ka pala sana ginising mo din ako"
Sinarado ko ang ref at pinakalma ang sarili ko.
"Mukha kasing ang himbing ng tulog mo"
"Tss.. ayaw mo lang talaga"- nakanguso nyang sabi.
Pinigilan kona man ang sarili ko na mapangiti dahil para syang bata na naagawan ng candy.
"Idadaan nalang kita sa pupuntahan mo , halika na"
"Wag na!"
Kunot noo naman nya akong tinitigan kaya napalunok ako sa kaba.
Adeline since when did you become afraid infront of this kid?
"Iniiwasan mo ako"- she said matter of fact
Natawa naman ako at nilapitan sya.
"Of course not. Let's go?"- sabi kona lang at nauna ng lumabas.
Huminto kami sa harap ng bahay ni Josh at tinanggal kona ang seatbelt.
"Ava about last night---"
"Can we please not talk about that?"-putol ko sa mga sasabihin nya dahil hindi pa ako ready. Madami pakong kailangan ayusin.
Natigilan naman sya at saglit akong tinignan bago tumango.
"Okay"
Himala ang bilis nyang sumang ayon akala ko kasi makikipagtalo nanaman sya.
"Sige salamat"- sabi ko at bumaba na.
Pagkasarado ko ng pinto pinaandar na nya ang kotse at umalis na. Napabuntong hininga nalang ako at lumingon sa bahay ni Josh.
Nandito sa labas ang kotse ko at isa lang ang ibig sabihin nun hindi sya lasing na umuwi kagabi.
Kakatok palang sana ako sa pinto ng may humatak na sakin bigla papasok.
"Nakita ko yon!"- sabi nya sabay hampas sakin.
"Ano ba!"
"Sabihin mo nga sakin , nakailan kayo?"
Sya naman ang hinampas ko at iniwan sa tapat ng pinto.
"Hoy babaita sagutin mo ako!"- habol nya sakin.
"Nothing happened okay?, nasan na ang gamit ko at aalis din ako kaagad"
"Hmp! napakadamot mo sa information."
Naupo ako sa couch at napahawak sa sentido ko.
"Hang over?"
"Nasan kaba kagabi?, muntik nakong madala nung lalaki"
"Aba ikaw nga ang hinahanap ko e. Pero nung nakita kona sya ang may dala sayo palabas hinayaan kona lang at umuwi nako dala ang gamit mo"
Naglapag sya sa harapan ko ng mainit na kape at nilapag naman nya sa tabi ko at jacket ang pouch ko.
"Anong nangyari kagabi?, don't tell me walang kaganapan?!"
Hawak ang sentido naiinis ko syang binalingan.
"Sinabi ng wala nga"
"E bakit parang disappointed ka?"
Sinamaan kona man sya ng tingin dahilan para humagalpak sya ng tawa.
"Nagbibiro lang ako bakla. Masyado kang highblood"
Humigop ako ng kape at huminga ng malalim.
"Last night..."- panimula ko at gusto kong matawa sa asal nya dahil sa mukha nyang atat sa balita.
"Ano? wag kang pabitin dyan!"
"She asked me if I'm willing to be her gf"
"What did you say?"
"I walk away and I sleep?"
Binato naman nya ako ng unan.
"Alam mo? Ewan ko sayo! Chance mona yun cyst! Akala ko ba mahal mo?"
"Alam mona man na may problema pa ako diba?"
Paalala ko sa kanya kaya naman natahimik din sya.
"Hindi kona alam ang gagawin ko Josh"
"Try mo din kasing sumuway sa magulang no?"
"I love them"
"Pero mahal mo din ang batang yun. Tutal naman ginulo mo ulit ang sistema nya aba panindigan mona lang"
"But I need to ---"
"Sshhh.. kumalma ka lalong sasakit ang ulo mo e"
After kong makapagpahinga ng kaunting oras sa bahay ni Josh umalis nako at nagtungo sa isang supermarket para bumili ng prutas.
Habang palabas naman ako nakatanggap ako ng unknown text.
"I'm watching you"
Kunot noo kona man nilingon ang tingin ko sa empty parking lot na kinatatayuan ko.
Nilagay kona sa loob ng kotse ang binili ko at sasakay na sana ako ng maramdaman kong parang may tao sa likod ko.
Nakaramdam ako ng matalim na bagay sa likuran ko kaya mas kinabahan ako.
Puro kotse ang nasa paligid ko at wala masyadong tao kaya naman hindi ako makapagsalita.
"Everything will be fine. Basta wag kang sisigaw"- the deep baritone voice said behind me.
Nanlaki naman ang mga mata ko.
I know that voice."D-david?"- kinakabahan na sabi ko .
Ramdam kona man ang pag ngiti nya.
"Bingo"
After saying that tinakpan na nya ang bibig at ilong ko ng puting tela.
Huli na ng ma realized kona sana hindi ako huminga dahil nalanghap kona ang gamot na pampatulog.
Naramdaman kona lamang na bumigat ang katawan ko at dumilim na ang buong paligid ko.
BINABASA MO ANG
My Tutor was my Bully
Romance"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay... I love you anyway" Billie Dela Vega once a victim of bullying nuong sophomore year nya. But what w...