C-18

8.3K 374 98
                                    


Pagbalik ko ng sales department nagtaka ako dahil lahat ay nagbubulungan. Lahat din ay napalingon sakin.

Salubong ang kilay ko na nilagpasan ang mga cubicles sa loob at tinungo ang cubicle ko.

Sinalubong naman ako ni Alarson.

"You didn't tell me you're friends with the second borne Ambrosio "- bulong nya sakin .

"Ano? Gutom nako kung ano ano pa sinasabi mo"- mahina ko din na sabi.

Natigil ako sa paglalakad ng lumabas sa cubicle ko si JASMINE?!!

"Jasmine? "- tawag ko.

She glance at my way and smiled.

Nilapitan nya ako at tinitigan mula ulo hanggang paa.

"You look pretty on your attire. "- she said.

Alarson nudge me kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Ma'am. You need anything po ba? "- he asked.

"I need Billie. Can I borrow her for a while? Saka sabi mo hindi pa sya nakain"- she said.

"Hindi ko po alam kay Ma'am--"

"If you're worrying about my sister don't worry I can handle her. You're safe"- she said.

Nahihiya naman na nagkamot ng batok si Alarson marahil ay kinakabahan kung sino ba ang susundin nya at sino ang hindi.

Hinawakan nako ni Jasmine sa braso.

"If my sister ask you where is the newbie. Tell her I'm with her. Papakainin ko kamo"- she said as she drag me away.

Dumating kami sa cafeteria sa first floor. Binabati sya ng bawat taong nanduon.

May iilan na nakain pa. Pero konti nalang naman.

Sa gitna kami nakaupo ni Jasmine.

"Bakit hindi ka kumain? "

"I'm just busy"

"Busy? Sana kahit snacks man lang"

"Sorry. Kailangan ko kasing maipasa agad yung pinapagawa sakin e. "

"Eat all of that. I don't want you starving"- she said.

"E kung tinutulungan moko? Andami mong kinuha tapos sakin lahat bagsak "- maktol ko.

"Oo na nga. But half of it are all yours. You need some energy. My sister won't go easy on you"- she said but she whispered the last few words.

"You're whispering something? "- I asked.

She shook her head and smile.

After kumain nagdesisyon nakong bumalik sa floor ko. Nakakahiya naman. Baka isipin nila may special treatment pako.

Iniintay namin na bumukas ang elevator. Si Jasmine kasi ang kulit. Hindi daw sya aalis hanggat hindi nya nakikita na nakaakyat nako.

"Kaya ako nandito kasi I want to see you on your first day. Masanay kana. Kapag una talaga medyo mahirap. In that way kasi matetrain ang patience mo sa mga bagay bagay"

I chuckled and shook my head.

"I'm so near in exploding earlier"-  I said.

I felt her hand on my back kaya naman napalingon ako sa kanya.

"Thank you for not feeling any awkwardness in me"- she said while smiling.

Naalala kona naman yung gabing hinalikan nya ako.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon