C-39

8.5K 365 45
                                    

I'm standing on the balcony of our house while holding a cup of hot chocolate.

It's been one year already.

Sobrang madami ng nagbago. Nadagdagan ang branch ng business ni mama at ako minsan ang nangangasiwa. Napa renovate nadin namin ang buong bahay namin. Iba na nga din ang kotse ko e pero alam ko sa sarili ko na may kulang padin sakin. Sa isip at sa puso ko may kulang talaga sakin.

Nakakalungkot man isipin pero isang taon na akong nag iintay sa kanya.

Jasmine told me a couple of months ago na Ava got into an accident while trying to get away from being locked up inside their mansion.

Sobra ang iyak ko nuon nung kinukwento nya iyon sakin kaya naman nag ipon ako para makaalis ako ng bansa at mapuntahan sya.

Pero ng dumating ako duon sa kanila sabi ni Jasmine sakin mas mabuti na muna na wag kong makita si Ava.

Hindi ko alam kung gising na sya. Isang taon na ang lumipas at ang huling balita ko sa kanya comatose pa sya. I even have her picture laying on the hospital bed na sinend sakin ni Jasmine para daw makita ko ang kalagayan ni Ava.

Pero matagal na yun. Hindi kona alam kung kamusta silang dalawa.

"Anak. May bisita ka sa baba"- rinig kong sabi ni mama .

Inubos ko ang iniinom ko at pumanhik nako sa loob.

Pagkababa ko natigilan pa ako at napairap dahil isang nakangiting mukha ni Laila ang nakita ko.

"Tita ! your daughter was so mean!"- maktol nya kay mama na kasunod ko.

Mama just chuckled at her childishness.

"Anong kailangan mo?"- tanong ko at naupo sa couch.

"Nandito ako para pasayahin ka"- sabi nya at naupo sa tabi ko.

"Tsk I don't need someone to warm my bed Laila-- Aray!"

Napahawak ako sa ulo ko ng batukan nya ako.

"Ang kapal mo. Yayayain lang naman kitang gumala. Aba girl isang taon na lumipas pero parang patay kapa din"

Napabuntong hininga ako at nanahimik

"Sumama ka sakin. Mag saya naman tayo"

"Isang tao lang ang magpapasaya sakin"

"Yun na nga e. Hanggang kailan ka mag iintay sa pagbabalik nya? , or babalik paba sya?"

Nilingon ko sya at pinakatitigan.

"I can feel it. Babalik si Ava"- determinadong sabi ko kahit may isang parte sa isip kona nagsasabi na wag nakong umasa.

"I'm sorry. Halika na. Sumama kana sakin"- she said at pinunasan ang luha sa pisnge ko.

Napahawak naman ako sa mukha ko. Again I cried without knowing about it.

Naging manhid na yata talaga ako sa tuwing umiiyak ako kapag iniisip ko sya.

Hinila nya ako patayo at narinig kong nagpaalam sya kay mama.

"Hoy ! Ngumiti kana man . Ipagdadrive na nga kita o!"- sita nya sakin ng nasa loob na kami ng kotse nya.

"Magdrive kana lang"- simpleng sagot ko at tumingin sa labas.

"Tsk.. inlove talaga"- rinig kong bulong nya.

Umusad na ang sasakyan.

Iginala nya muna ako sa overlooking. Nakatayo kami ngayon sa ibabaw ng bangin kung saan tanaw mo ang buong syudad at sa ibaba nito ay puro puno at damo.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon