Kaagad akong lumabas ng kotse ko ng makita ko ang kotse nyang tumigil halos malapit lamang sa poste. Tumakbo ako palapit sa sasakyan nya na hindi alintana ang malakas na buhos ng ulan.
Kinalampag ko ang bintana nya at ng buksan nya ang pinto ay hinigit ko sya palabas at isinandal sa gilid ng kotse."MAGPAPAKAMATAY KABA?! BAKIT BA ANG BILIS NG TAKBO MO?!"- galit na sigaw ko sa kanya.
Akala ko ay magsasalita sya dahil umangat ang mukha nya pero imbes na sagutin ako ay walang gana lang nya akong tinignan. Hindi alintana ang mga patak ng ulan.
Sa sobrang kaba ko napabuntong hininga ako at niyakap na lamang sya. Yakap na hindi nya ginantihan.
"Bumalik na tayo"- sabi ko at ako na ang kumuha sa bag nya sa loob.
Hinawakan ko sya sa braso at hinila. Walang imik lang sya na sumunod sakin.
Pagkapasok ng kotse pinatay ko ang aircon at sinarado ang lahat ng bintana.
Tinignan ko sya saglit. Nakatulala lang sya sa labas kaya naman binuhay kona ang makina at inikot pabalik ang kotse.
"Sabihin mo sakin anong problema?"- basag ko sa katahimikan
Hindi parin nya ako sinagot kaya nilingon ko sya saglit.
"Ava talk to me"- sabi ko
"Will you please shut up and just drive?"- she coldly said.
Napaismid ako at napailing.
"I'm just trying to be nice in here. You made me worried, paano nalang kung sumalpok ka sa poste?"
Hindi nanaman nya ako sinagot . Nakayakap lamang sya sa sarili nya habang nakatingin sa labas.
"Kung ayaw mong makipag usap edi wag. Saan nalang kita ihahatid?"
"Sa condo"- mas malamig na sabi nya.
Nagdrive nalang ako hanggang sa makabalik kami ng syudad at makarating sa condominium.
Pagkahinto ko , mabilis nyang kinalas ang seatbelt. Kinuha nya ang bag nya at walang paalam na lumabas.
Nakatanaw lang ako sa papalayo nyang bulto. Medyo umaambon pa sa labas pero mabilis lang ang hakbang nya na parang hindi nakatakong sa bilis ng paglakad.
Umalis nako at umuwi sa bahay.
Pagkatapos ko maligo ay nagdesisyon nakong maghanda ng pagkain.Habang kumakain hindi ko maiwasan na hindi maalala ang mukha nya nuong makita nya na kayakap ko si Jasmine sa garden nila.
Her brown eyes. I know she has something going on with her mind.
"Sino bang iniisip mo?"- nagitla ako sa boses ni mama.
"Wala po"
"Kamusta na kayo ni Jasmine?"
Nagsalubong naman ang kilay ko
"Walang kami mama"- sagot ko
"I can sense that she likes you so much"
"But I don't like her the way she likes me"
"You like someone else anak?"
Natahimik naman ako at mas pinili na lamang na hindi magsalita.
Kinabukasan pumasok ako ng trabaho na parang normal lang.
"Good morning!"
"Morning"
"Hi Billie!"
"Hello"
BINABASA MO ANG
My Tutor was my Bully
Romance"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay... I love you anyway" Billie Dela Vega once a victim of bullying nuong sophomore year nya. But what w...