C-22

8.3K 338 29
                                    

Nakapangalumbaba ako habang nilalaro ang ballpen sa kamay ko.

It's passed lunch pero hindi parin ako nakain. Ilang araw na kasi ang lumipas nung naging akyat bahay ako kina Ava at hindi maalis sa isip ko ang mga sinabi sakin ni Jasmine.

"Malinaw naman na sayo na gusto kita diba?"- she asked habang nakaupo sa kama nya.

"Why me?"- hindi ko mapigilan na hindi itanong. Kasalukuyan akong nakaupo sa upuan na nasa dulo ng kama nya.

"I don't know. I just wake up the next day gustong gusto na kita. At ayaw kong nasasaktan ka lalo na ni ate"- nag iwas sya ng tingin after mabanggit ang word na ATE.

Napabuntong hininga ako at tumayo.

"Jas.."

Bumaba naman sya sa kama nya at nilapitan ako. She held my hands at tinignan ako sa mga mata.

"Please give me a chance Billie.. I've never been like this over to someone before.."

"I.." - gusto kong sabihin na ang ate nya ang gusto ko pero pinangunahan ako ng awa ng makita ko ang pag asa sa mga mata nya.

"Let me love you Billie"- she softly said as she pull me into a warm hug.

"Hey daydreamer!"- kumatok pa si Alarson kaya nawaglit sa isip ko ang inaalala ko.

"H-huh?"

"Pagkain mo. Binilihan na kita dahil mukhang wala kang balak bumaba"- he said kasabay ng paglapag ng lunch pack sa mesa ko

"Nakakahiya dapat hindi kana nag abala"- sabi ko pero umiling lang sya at ngumiti.

"I insist"- he said at umalis na.

Parang kusa naman kumulo ang tiyan ko ng mabuksan ko ang pagkain.

Dapat talaga kanina pako kumain e.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko biglang umilaw ang phone ko.

Jasmine is calling me. Dinampot kona lamang ang phone ko at sinagot.

"Hey.."- bati ko.

"Billie pwede bang puntahan mo si ate?, I badly needed her at home."- she said

"Bakit hindi mona lang tawagan?"

"She's not answering her phone. Please tell her to come home . Its a family matter"- she urgently said.

Nilunok ko ang pagkain ko at nagsimula ng magligpit.
Tinapon ko ang basura ko at umakyat nako.

Wala sya sa 20th floor kaya naman dumiretso ako sa 25th.
Sinubukan kong kumatok pero walang sumasagot.

Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang double door pagkatapos ay sinarado ko din.

Pagtingin ko sa table nya natigil ako. I saw her comfortably leaning back on her swivel chair at nakapikit ang mga mata. Unti unti akong lumapit at tumayo sa harap ng table nya. From her face my eyes goes down on her body. She's wearing a corporate attire. Umikot ako palapit sa kanya at duon ako sumandal upang pagmasdan sya, I even cross my arms while looking at her sleeping stage. Ito ang pangalawang beses kona makikita syang natutulog.

"How can you be so attractive even in sleep?"

Bigla kona man naalala ang pakay ko kaya umalis ako sa pagkakasandal. I lean down a little bit at niyugyog ang balikat nya.

"Wake up sleepyhead"- I said.

She slowly open her eyes.Matagal nya akong tinitigan kaya pakiramdam ko nag slowmo ang paligid.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon