Huminto ako sa pagtakbo ko sa kalsada at huminga ng malalim. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa noo at likod ko.
I had a bad dream last night. Ava left me and she didn't comeback anymore. Kaya naman maaga akong nagising para aliwin ang sarili ko sa pagtingin tingin sa paligid.
Pinatay ko ang music sa airpod ko at nagdesisyon na lumakad na lamang dahil malapit naman na ako sa bahay.
Pagliko ko sa amin napahinto naman ako ng makita ang dalawang kotse na itim na nakaparada sa harapan ng bahay namin. May mga men in black suit din na nakatayo sa labas.
Napansin kona man ang driver ni Ava at ngumiti ito sa akin.
"Magandang umaga po Ms. , nasa loob po si Ma'am Adeline"- imporma nito sa akin na ikinatango ko na lamang kahit naguguluhan ako kung bakit sya nandito.
Pumasok ako sa loob ng gate at nagtungo na sa bahay.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko na nakayuko si Ava habang nakatulala naman si mama sa kanya.
"What's happening in here?"- basag ko sa katahimikan nila.
Napalingon naman silang dalawa sa akin at parang nagulat pa dahil nandito ako.
"Ma.."- tawag ko at itinaas ang isang kilay ko para sabihin nya sa akin ang nangyayari.
"Totoo bang sya ang dahilan ng anxiety mo anak?"- malamig na tanong ni mama kaya naman kinabahan ako.
Tumingin ako kay Ava na ngayon ay blangko ang ekspresyon na nakatingin sa akin.
"Sumagot ka Billie"- mas malamig na sabi ni mama. Seryoso talaga sya.
Gusto kong lumapit kay Ava pero pawisan pa ako. Samantalang sya ay napaka fresh ng itsura habang suot ang isang puting bestida na hanggang tuhod ang haba.
Yung mainit kong pawis kanina napalitan ng panlalamig.
"Ma nakaraan na yun. Magaling na ako oh"- sabi ko at lumapit ng kaunti sa kanila.
Umismid naman si mama at bumaling ulit kay Ava bago binalik ang tingin sakin
"Totoo din ba na kayo na?"
"P-po?!"- gulat na sabi ko
"Andami mo talagang nililihim sakin na bata ka"- sabi ni mama at tumayo.
"Ano bang sinasabi nyo?" - tanong ko at tumingin kay Ava na ngayon ay may multo na ng ngiti sa mga labi. "What did you say?"- I mouthed to her pero hindi naman nya ako sinagot.
"Aray!"- sigaw ko dahil kinurot ako ni mama sa tagiliran.
"Kung hindi pa sya nagpunta dito hindi ko pa malalaman lahat. Hala sige magbihis ka at lumayas kana"
"Ma! seryoso ka?!"
"Bakit? ayaw mong sumama sa villa nila?"
"Nagpunta ka dito para magpaalam?"- takang tanong ko kay Ava.
Tumango lang naman sya sakin.
"Ma hindi ka galit?"
"Kung kayo ay naka move on na dapat ganun din ako diba?, pero masaya ako dahil naging matapat si Adeline sa akin."- nakangiting sabi ni mama.
Yayakapin ko sana si mama pero umatras ito.
"Amoy pawis ka. Aalis na ako pupunta pako ng shop. Ilock mona lang ang bahay pag alis nyo"- tumingin naman sya kay Ava "Mauna nako Adeline"
"Mag iingat po kayo"- nakangiti nitong sagot kay mama.
Nang kami na lamang dalawa ang nasa sala pinanliitan ko sya ng mata.
"May pa serious expression kapa kanina , akala ko galit talaga si mama!"- naiinis na sabi ko sa kanya.
Sumandal lamang sya sa couch at pinag cross ang mga hita nya. Nilabas ang phone nya at duon na tumitig.
"Ava.."
"I'm giving you 15 minutes to take a bath and to pack some clothes"
"Ano bang--"
"Start now"- she commanded.
Iniwan kona lamang sya duon at umakyat na ako sa taas to fix myself.
"Freak!!"- gulat na sabi ko ng paglabas ko ng banyo nakita ko syang nakahiga sa kama ko.
Buti nalang nakapagbihis na ako sa loob at hindi ko naisipan na magtapis palabas.
Naupo naman sya sa kama at nakapangalumbaba na tinignan ako. Inayos nya ang medyo nagulo nyang buhok. White sheet with white dress para syang model sa kama este model na nasa kama.
"Bakit kaba nandito?"
"I'm bored downstairs. Okay naba? Kasi tara na"- she said at bumaba na ng kama.
"Inuna ko ang pagimpake ng damit. Ilang araw ba tayo duon?"- tanong ko habang nagpapatuyo ng buhok.
"3 days"- maikling sagot nya
"Tayo lang?,How about Jasmine---"
She arch her perfectly shaped eyebrow kaya naman napatigil ako.
"Sabi ko nga tayo lang"- awkward na sabi ko at ngumiti.
Kinuha ko ang bag ko at inaya na syang lumabas ng kwarto ko.
"Ang pangit ng memory natin sa kwarto ko"- bigla kong sabi habang sinasarado ang front door.
"Its because you were mad at me that time"- she said habang nakatingin sa akin.
After locking the door lumabas na kami ng gate at sinarado ko din iyon.
Kinuha ng driver ang bag ko at nilagay iyon sa compartment ng kotse.
The other bodyguard open the door of the car for us.
Magkatabi kami ni Ava sa likod at yung driver lang ang kasama namin.
The five bodyguards was on the other car.
"Seriously where are we going at bakit kasama sila?"
Sumenyas lamang sya na manahimik ako at pinikit na nya ang mga mata nya.
I mentally argue with myself. Tsk. Nakakainis. Pwede naman sagutin nya ako may pagtulog pa na nalalaman.
Sa driver naman ako tumingin at ito ang kinausap ko.
"Malayo ba ang pupuntahan natin?"- tanong ko dito.
"Opo Ms., Mas mainam po na matulog din muna kayo"- sabi nito at saglit na sumulyap sa akin.
Sumandal ako sa upuan ko at nilabas na lamang ang phone ko.
Nilingon ko saglit ang babae sa tabi ko na ngayon ay tulog na yata at medyo nakabaling sa kabilang side ang ulo.Her hair was just hanging beside her neck.
Wearing her sunglass , she looks comfortably sleeping right now.Inangat ko ang phone ko at pinicturan sya.
I smile dahil naka ilang shots din ako.Binalik ko sa bulsa ko ang phone ko at tumingin na lamang sa labas.
Habang tumatagal nakakaramdam ako ng antok.
Gustuhin ko man pagmasdan ang paligid napapikit na lamang ako.Pero bago ako tuluyang na mawalan ng malay ay may humawak sa kamay ko kaya napamulat ulit ako.
Nilingon ko si Ava na ngayon ay nakatingin nadin sa akin.
"Are you sleepy?"
"Medyo"- sagot ko na ikinatango naman nya
"Then sleep for now. I'm just gonna wake you up kapag alam kong malapit na tayo"- suhestiyon nya.
Gusto ko din hawakan pabalik ang kamay nya pero mas pinili kona lamang na alisin iyon.
Hindi pa naman kami e. Kaya wala padin akong karapatan maging sweet sa kanya saka may iba kaming tao na kasama baka kung ano pang isipin samin.
Pinikit kona lamang ng tuluyan ang mga mata ko at nagpadala sa antok na kanina pa kumakatok sa talukap ng mga mata ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/213656124-288-k886821.jpg)
BINABASA MO ANG
My Tutor was my Bully
Romance"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay... I love you anyway" Billie Dela Vega once a victim of bullying nuong sophomore year nya. But what w...