C-24

8.4K 376 47
                                    

Habang nagluluto ako natanaw kona man sya sa sala na nakaupo sa couch pero nakatingin sa laptop nya.

Iniwan ko muna ang niluluto at mabilis na nilapitan ang kinaroroonan nya.
Sinarado ko ang laptop nya dahilan para mapatingin sya sakin

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Dapat hindi ka muna nag gaganito lalong sasakit ang ulo mo"

"Sino bang nagsabi na masakit ang ulo ko?"

Naiinis na naupo ako sa tabi nya at hinawakan ang braso nya.

"Napakainit mo tapos tinatanggi mo na may sakit ka?, nang iinis kaba Ava? kasi kung Oo grabe effective sya!"- gigil na sabi ko sa kanya at binitawan sya.

Bumalik ako sa kusina para patayin ang apoy ng niluluto.
Sumandok ako ng ginawa kong soup para sa kanya at nilagay yun sa tray kasama ang tubig pagkatapos ay bumalik nako sa sala.

Naabutan ko syang nakasimangot sakin. Medyo pula nadin ang mga mata nya at malamlam nadin ito.

"Kumain kana para makainom ka ng gamot"

"I can take care of myself , umuwi kana---"

Nanlaki naman ang mga mata nya at naitikom nya ang bibig nya ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya.

"I said eat. I know you can take care of yourself pero gusto padin kitang alagaan. Wag ka ng pasaway"- mahina pero dahan dahan kong sabi sa kanya.

Sinunod naman nya ako. Kinuha nya ang mangko ng soup at kinain iyon.

"Inumin mo itong gamot at magpahinga kana"

Nilapag nya ang magko na hawak nya at pinakatitigan ako.

"Stop being nice!, magalit kana lang!"- naiinis na sabi nya sakin

Seryoso ko din syang tinitigan. Walang gana akong ngumiti.

"You wouldn't like me when I'm mad Ava"- sabi ko at sumandal sa couch

Narinig kona lang na binuksan nya ang gamot at ininom iyon pagkatapos ay walang imik na tumayo at iniwan ako sa sala. Niligpit kona lamang ang naiwan nyang lalagyan.

After a minutes nagdesisyon akong kumatok sa kwarto nya pero walang sumagot. Sinubukan kong buksan ang doorknob at napangiti ako ng hindi iyon nakalock. Pumasok ako at tinanaw syang nakahiga sa kama nya at nakakumot.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Dali dali kona man hinanap ang remote ng aircon at pinatay ito. She's shaking because of coldness. Nilapat ko ang kamay ko sa nuo nya at inagaw naman nya iyon at niyakap.

"N-nilalamig a-ako"- she said habang habol ang hininga.

"Kukuha ako ng bimpo--"

"D-dito kalang.."- she said as she slowly open her eyes.

Huminga ako ng malalim at inangat ang kumot nya. I get on the bed and slip inside the blanket. Nagtataka naman nya akong tinignan. Inunat ko ang isa kong braso at nilagay duon ang ulo nya.

"Sleep Ava"- I said as I caress her hair.

Natigil naman ako at halos mahigit ko ang hininga ko ng yumakap ang isa nyang braso sa bewan ko at sumiksik pa sya lalo sakin. She hide her face on the crook of my neck. Ramdam ko ang sobrang init nya.

"Hindi kaba mahahawa?"- mahinang tanong nya. Hindi ko maiwasan na hindi makiliti ng tumama ang mainit nyang hininga sa leeg ko.

"Its..its fine, don't worry"- sagot ko at pinikit nadin ang mga mata ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakabantay sa kanya para kumalma sya.

Nagising ako ng makaramdam ako ng hangin. Minulat ko ang mga mata ko at ang unang tinignan ko ay ang tabi ko pero wala ng tao duon.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon