Kissing Ava was a mistake. I'm mad and I shouldn't do that in the first place.
Habang nasa byahe kami nilingon ko sya.
She just silently staring at the busy street. From her side view profile bumaba ang tingin ko sa katawan nya. Bumalik lalo ang inis ko.
Paanong hindi sya mababastos? She's wearing a black fitted dress na above the knee nya at litaw na litaw pa ang leeg nya at konting itaas ng dibdib nya.
I grip the steering wheel and gritted my teeth in annoyance sa tuwing bumabalik sa isip ko kung pano sya hawakan ng lalaki duon sa bar.
"What do you think you're doing Ava?"- I asked.
"What do you mean?"
"Dancing like a wild girl inside that bar?, hinayaan lang kita ng konting panahon tapos ganyan kana?!"
"Mali ang iniisip mo"
"And you're wearing that kind of clothes. Kaya ka bastusin e"
"You don't know anything--- teka saan mo ba ako dadalahin?!"- sigaw nya ng makitang ibang daan ang binabagtas ko.
"Mag uusap tayo"
"Ihinto mo ang kotse. Gusto ko ng umuwi"
I glance at her way. Malamig lamang ang tingin nya sakin. Hindi nako tatablan nyan.
"Iuuwi kita once I'm done with you"- seryoso kong sabi at mas binilisan ang pagdadrive.
Nakadating kami sa isang open field. Inihinto ko ang kotse at lumabas ako. Huminga ako ng malalim bago umikot sa tapat nya at hinila sya palabas.
"Ano ba nasasaktan ako--"
"Bakit ka naglalasing and worst bakit ka nakikipagsayaw sa manyak na iyon?!"- galit na sabi ko dahilan para magitla sya.
"Pwede ba? I've been doing that kind of things kahit nuong nasa States pa ako. Sana hindi kana lang nakialam dahil kaya kona man ang sarili ko--"
"Kaya mo?, bakit? Ilang lalaki naba ang nakakuha sayo?"
Hindi ko inaasahan ang nangyari dahil lumipad sa pisnge ko ang kamay nya.
"How dare you judge me like that?!, I maybe an evil woman in your eyes but I'm not that easy to bed with!"- nang gagalaiti nyang sigaw sakin. Galit na galit ang mga mata nya na ngayon ay may namumuo ng luha.
Para naman akong natauhan sa mga sinabi ko sa kanya.
"I..Look I didn't mean it.. I'm sorry"
Umihip ang hangin at pansin ko ang pagyakap nya sa sarili nya. Hinawakan ko saglit ang pisnge ko bago hinubad ang jacket ko at ipinatong ito sa mga balikat nya.
Sinubukan nyang tanggalin iyon pero pinigilan ko ang mga kamay nya.
"Now what?!, kanina galit ka tapos ngayon mabait kana?"- sarcastic na tanong nya sakin.
"Ayaw kong magpupunta ka ulit sa lugar na ganun na ganyan ang suot at makikipagsayaw kapa"
"I told you I've been going into a bar since I don't know when, madami ng nambastos sakin at lahat ng iyon may kinalagyan sakin. Sana kasi hindi kana lang nakialam ! pano kung may nakakilala sakin duon? Edi problema nanaman!"
Nahampas ko ang bubong ng kotse sa inis ko sa kanya. I grip her arm and pull her close to me.
"Why can't you just say thank you?"
Tinabig naman nya ang kamay ko
"Why would I?, sinabi ko bang tulungan mo ako?"
"Alam mo ang pilosopo mo. Wala akong makukuhang matinong sagot sayo. Ikaw na nga ang tinulungan ang sungit mo pa!"
BINABASA MO ANG
My Tutor was my Bully
Romance"You caused me pain and fear before.." - Billie whispered to the girl in front of her. "I-Im sorry.. I'm so sorry Billie"- she replied "It's okay... I love you anyway" Billie Dela Vega once a victim of bullying nuong sophomore year nya. But what w...