C-34

8.8K 356 26
                                    

After cleaning myself lumabas na ako ng banyo only to find out na wala si Ava sa room nya. Sinuklay ko ang buhok ko at nagdesisyon na lumabas ng kwarto nya.

I'm wearing a loose sweatshirt tuck infront of my denim shorts. Naka tsinelas lang din ako. Tsinelas na hinanda samin dalawa.

Habang naglalakad ako pababa hindi ko maiwasan na hindi lingunin ang bawat paligid. Most of the designs on the walls are paintings. Kung hindi mga tao mga natures naman.

Nakababa na ako sa hagdan at inikot ko pa ang paningin ko para makita kung saan ba ako talaga pupunta.
Nakarinig naman ako ng tawanan sa kabilang pasilyo kaya naman nagpunta ako duon.

Dahan dahan lamang ang lakad ko. Ang dining area pala ang patutunguhan ko. Hindi muna ako pumasok pinagmasdan ko muna ang designs ng sliding door papunta sa loob nito. Para iyong mga basag basag na crystal na idinikit sa pinto para magmukha itong makintab at kung tititig kang maigi makikita mo ang nasa loob.

"Kamusta ang manliligaw mo nuon hija?"- boses ng isang matandang babae ang narinig ko.

Napatigil naman ako sa paghakbang ko sana papasok kaya naman nagtago na muna ako.

"Sino po ang tinutukoy nyo Nay?"- I heard Ava

"Nakalimutan mona ba? Sa bagay halata naman na madami kang manliligaw e."

"Si nanay talaga hanggang ngayon binobola ako"

"Totoo naman iyon. Ang tinutukoy ko ay yung sinama mo dito nuon. Napakagwapong bata niyon. Naging kayo ba?"

I heard Ava chuckled . Bakit parang tuwang tuwa yata syang pag usapan ang manliligaw nya dati?

Hindi ako nagseselos ha. (defensive much)

"Sadly to say po I turned him down nuong pag alis namin"

"Bakit naman?"

"He's so demanding po kasi. Hindi pa kami pero gusto nya lahat ng oras ko nasa kanya na at saka masyado po syang seloso which is I hate the most"

Buti nalang hindi ako ganun. Natatawang sabi ko sa isip ko.

"Anong ginagawa mo dyan?"

"Anak ka ng kabayo!"- gulat na sabi ko at lumingon sa nasa likod ko.

"Hindi ako galing sa kabayo. Anak ako ng nanay ko"- natatawang sabi ni Jonathan.

"Wag ka ngang manggugulat dyan. Nakakainis tong bata nato"- sabi ko at pinandilatan sya ng mata na ikinatawa naman nya.

"Pumasok kana. Marahil ay nagluluto ang nanay at si Ma'am Adeline."

Pinigilan kona man sya sa akmang uunahan nya ako pumasok.

"Lolo at lola mo sila diba? Bakit nanay at tatay ang tawag mo?"- tanong ko na ikinangiti nanaman nya.

Masyado naman tong masayahin

"Sila na kasi ang kasama ko simula bata ako"- malumanay na sabi nya na ikinatango kona lamang.

Nauna na syang pumasok at hindi ko manlang napansin na may dala pala syang basket na may laman na saging.

Sumunod na lamang ako sa loob.
Napalingon naman sakin ang dalawang babae at ngumiti lang ako ng awkward sa kanila.

"Nay Amelia sya po si Billie"- pakilala sakin ni Ava.

Tinitigan naman ako ng matanda kaya hindi ko maiwasan na hindi mapangiwi.

"Billie sya si Nanay Amelia. Asawa ni Tatay Karding"- dagdag pa ni Ava.

Yumuko ako ng kaunti at ngumiti.

"Magandang araw po"- bati ko.

"Mas bata ka kesa kay Ma'am Adeline ano hija?"- tanong ng matanda.

My Tutor was my BullyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon