The Start

625 17 3
                                    

"Alam mo ba ang nangyari dito?"

Lumapit sa akin naka-unipormeng pulis matapos makipag-usap sa isa pa niyang kasama.

"Ikaw si Luna Del Vierra, 'di ba?"

I simply nod my head before roaming my eyes around the campus. Pinagmasdan ko ang mga nagkalat na bangkay sa loob ng aming paaralan. Lihim akong napangisi nang matanaw ang mga duguang katawan.

"Kaklase ka ng mga biktima, hindi ba?" tanong niya ulit sa akin sabay tingin sa papel na dala niya.

Kumamot siya sa ulo matapos tignan ang mga walang buhay na katawan ng aking mga kaklase.

Lumapit sa kanya ang isang naka-unipormeng lalaki na nasa 20s. Tinanggal nito ang nitrile gloves na suot niya at nakipagkamay sa lalaking nasa harapan ko.

"Zerone Javier," pakilala niya sa pulis.

Tinanggap ng pulis ang kamay ng lalaki. "Ah! Ikaw yung detective na pinadala ng CSI agency hindi ba?"

Tumango ang nagpakilalang si Zerone bago iikot ang paningin sa loob ng campus.

"Limang araw na silang nawawala matapos huling makita dito sa Franchestar University. Nakakagulat nga at nakita rin sila dito na mga bangkay nalang."

Napa-iling ang pulis bago sulyapan ang mga nagwawalang magulang ng mga estdyante na nagpupumilit na pumasok sa loob ng paaralan.

"They've been tortured."

Tumaas ang kaliwang kilay ko dahil sa sinabi ng lalaki.

"Tortured?" Kumunot ang noo ng pulis.

"We found out that some of the bodies were dead for two to three days. Ang ilan ay nabubulok na dahil sa tagal nang pagkaka-expose. But the worse thing we saw, three of the students' heads were missing."

Napamura ang pulis dahil sa narinig. "Hindi kaya may kinalaman ang paaralan sa nangyari sa kanila?"

I smirked while watching them.

Zerone shook his head. "There's no sign na dito ginawa ang pagpatay. Wala rin kaming nahanap na mga weapon o bagay na pwedeng gamitin para magawa 'yon sa kanila."

"Ser!" Patakbong lumapit ang isang pulis sa direksyon namin. "Nakausap namin 'yung guard na unang nakakita sa mga bangkay."

"Oh, anong sabe?"

"Wala raw siyang ibang nakita kung 'di 'yung mga bangkay lang, siya lang rin daw ang unang pumasok dito dahil nasa kanya ang susi ng gate kaya sigurado siyang walang taong nakapasok bago siya dumating."

The police tsked. Biglang tumunog ang cellphone ng pulis.

"Anong balita?" bungad niya matapos sagutin ang tawag.

He scratched his head. "Oh? 'yun lang? Tumawag ka 'pag may update... Sige."

Pinagkrus ni Zerone ang braso niya. Nanatili lang akong walang galawa sa puwesto ko.

"Wala raw alam ang paaralan sa nangyari. Hindi kaya may tinatago sila?" problemadong saad ng pulis.

Bigla niya akong hinarap. "Nag-away daw kayo ng isa sa mga biktima bago sila mawala, totoo ba 'yon?"

Pinagmasdan ko siya gamit ang mala-pusang kong mga mata. "Totoo po."

Tumabingi ang ulo niya. Naramadaman ko naman ang mga mata ng lalaki na nakatutok sa akin.

"Anong pinag-awayan niyo?"

Hindi ako nagbigay ng reaksyon at pinagmasdan ang mapanuring mga mata nila kasabay nang pag-alala ko sa mga nagdaang araw bago ito mangyari.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon