Level 059

129 14 1
                                    


Remaining Time:

00:25:35

▬▬▬▬▬▬

Tyler's POV

"Si Crystal ang mafia."

Nagulat silang tatlo sa sinabi ko.

Sorry, Crystal, kailangan ko munang gamitin ang pangalan mo.

"We really need to find them." Si Vanz.

Saglit kong sinulyapan ang kambal ko.

Hindi ko talaga inakalang siya ang magiging mafia. Muli kong inalala ang nangyari kanina bago kami mapunta dito.

"Ganito pala sa school pag gabi," basag ko sa katahimikan.

Kanina pa kasi tahimik 'tong kambal ko.

Nang makarating kami sa gym ay hinarap ko na siya.

"Kanina ka pa tahimik?"

"Ha? W-wala akong masabi, eh," dahilan niya.

Hindi ko nalang iyon pinansin at ipinagkibit-balikat ko nalang iyon bago mag simulang maghanap.

Something's wrong with her. Alam ko 'yon dahil kapatid ko siya.

Doon na ako nagsimulang maghinala.

"Oy, na-iihi ako." I heard her.

"Hindi ko hawak yung CR," panimilosopo ko.

"Tinanong ko ba kung hawak mo?" pamababara naman niya.

Napa-iling nalang ako.

"Iihi lang ako, dyan ka muna," paalam niya bago umalis.

Naghintay ako ng ilang segundo bago siya sundan.

Tahimik at maingat akong naglakad kasunod niya. Akala ko ay sa restroom malapit sa gym siya pupunta pero nagkamali ako. Lumiko siya palabas ng hallway. Tumigil siya saglit at nagtago nang may makitang tao, nagtago din ako.

Nakita ko si Crystal!

Naka itim itong dress. Para tuloy siyang black lady. Lumiko siya saglit at pumasok sa maliit na building katabi ng main, sa Office of the Principal.

Anong gagawin niya doon?

Lumabas si Eureka sa pinagtataguan niya at pumasok naman sa main building. Luminga-linga ito na parang may hinahanap.

Nasaan pala sila Vanz?

"Ellyana?" Umalingawngaw ang boses ni Breanna na mukhang nasa itaas.

Mabilis siyang tumaas. Sinundan ko ulit siya hanggang sa makarating kami sa third floor. Nagtago ako para hindi mahuli.

Nakita ko si Breanna, naglalakad. Naka-talikod siya kay Eureka kaya hindi siya nito makita. Nakita kong naglabas ng isang manipis at medyo mahabang kahoy ang kambal ko at sinundan si Breanna.

Fuck! Siya nga!

Nang makalapit siya ay malakas niyang pinalo ang likod ng ulo ni Breanna. Nang matumba ito ay hinila niya ito papasok sa isang room.

Tumakbo na ako pababa. Nagtago naman ako sa isang room nang makitang may papalapit.

Sila Matthew at Fatima pala!

"Vanz!" sigaw ni Matthew.

"Vanz?" Si Fatima naman.

Nag-usap sila, parang nag-aaway pa nga. Pagkatapos ay biglang niyakap ni Matthew si Fatima.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon