Level 048

134 16 9
                                    

Ellyana's POV

"Zet."

Nang marinig niya 'yon ay kaagad siyang humarap sa akin.

"Baby," I saw him mouth that word.

Natigilan ako kasabay ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I want to hug him but I know he's still mad at me. I just... really miss him.

Humakbang ito palapit sa akin kaya napalunok ako.

"Are you alright?" He sounds worried.

Hindi ko alam kung paano ako magsasalita dahil parang umurong na ang dila ko. Tumango nalang ako bilang pagsagot.

Nakita ko kung paano niya itago ang dala niyang baril sa likod.

"It's okay. I'm not gonna hurt you," malambing niyang saad. Nakita niya siguro ang reaksyon ko nang makita ko ang baril na hawak niya.

Tumango ako at ipinaglapat ang aking labi.

"Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at marahan akong hinila.

"Teka, saan tayo pupunta?" naguguluhang tanong ko.

"I saw the exit." I heard him.

Kumanan kami tapos isa pang kanan. Pagkadaan namin sa kaliwa ay bumungad sa amin ang pinto ng gym.

I saw him shake his head. "Locked."

Napatingin ako sa door knob. Nakakandado nga ito.

Biglang namang may sumulpot na isang lalaking naka-maskara. May hawak itong susi na posibleng susi sa pinto.

Naramdaman ko ang paghawak ni Zetrix sa braso ko at marahan akong hinila papunta sa likod niya.

"Congratulations, Player Three and Player Seventeen!" bati muna niya.

Pinagmasdan kong mabuti ang lalaking kaharap namin ngayon. Magkasing-tangkad lang sila ni Zetrix at base sa boses niya ay parang kasing edad lang namin ito.

Pamilyar ang boses niya. Parang narinig ko na 'to. Kilala ba namin siya?

"Bago ko ibigay ang susi sa inyo, kailangan niyo munang sagutin ang riddle na ibibigay ko," saad niya.

Nagkatinginan kami ni Zetrix.

"I have keys but no locks and space, and no rooms. You can enter, but you can't go outside. What am I?"

Matapos niyang sabihin ang riddle ay napa-isip ako ng malalim. Kumunot ang noo ko habang pinapaulit-ulit ang riddle na 'yon.

"Keyboard."

Napatingin ako sa lalaking katabi ko.

Narinig ko ang matunog na pagngisi ng lalaking naka-maskara bago niya ibigay ang susi kay Zetrix.

Nahulaan niya agad?

"Magaling ka talaga, Zet."

Mabilis akong napatingin sa lalaki. Nilingon niya muna ako bago tuluyang nawala sa harapan namin.

Tama ba ang narinig ko?

Sinabi niya ang pangalan ni Zetrix?

Napatingin si Zetrix sa akin at mukhang nagtataka din. Binalikan niya ang tingin sa pinto at sinusian 'yon.

Hinawakan niya ang doorknob at nabuksan 'yon.

"Paano ang mga kaibigan natin?" I asked worriedly.

"Mahahanap din nila 'to," sambit niya.

"Pero paano pag..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Napalingon ako sa likod ko.

Gusto ko silang balikan pero hindi ko naman alam kung paano ako makakabalik dito. Baka maligaw lang ako pero... gusto ko silang tulungan.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon