Level 060

150 16 2
                                    


Remaining Time:

00:19:04

▬▬▬▬▬▬

Fatima's POV

"Dito," ani Tyler.

Nandito kami ngayon sa tapat ng Office of the Principal, ang office ni Mr. Zerone Javier.

"Are you sure, Ty?" I asked.

Tumango ito. Naunang pumasok si Vanz, sumunod si Eureka bago si Matthew.

I was about to enter when Tyler held my hand to stop me. I raised my eyebrow. Nakita ko ang paglunok nito na parang kabado na natatakot na hindi ko alam. He's acting strange lately.

"What is it, Ty?" I asked seriously.

Sumulyap muna siya sa loob.

"Si Eureka."

Napakunot ang noo ko.

"Anong meron sa kambal mo?" nagtatakang tanong ko.

"Siya, siya ang totoong mafia."

▬▬▬▬▬▬

Crystal's POV

Pinunasan ko ang pisnge ko nang maramdamang namamasa na 'yon.

Napanood namin ang lahat ng nangyari sa likod ng patayan. Hindi na ako nagulat nang mapanood ko kung paano niya patayin ang kaibigan namin.

Nasaksihan ko 'yon at alam kong siya nga iyon.

Eureka, hindi ko alam na kaya mong gawin ang mga bagay na napanood namin.

Muli kong naalala ang nangyari noong nandoon kami sa loob ng maze. Naglalakad ako nang may marinig akong mga yabag kaya nagtago agad ako.

"Gavin." I heard a familiar voice.

Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Eureka 'yon.

"Eureka, mabuti at nakita kita." I heard Gavin. "Actually, ikaw palang ang nakikita ko." I heard him chuckled.

Tumawa rin si Eureka.

"Hanapin natin yung mga kaibigan ko," Eureka said.

"How about the mafia?" Gavin asked.

"Oo nga pala."

"Let's find our friends, first." Si Gavin.

Sumilip ako ng kaunti para makita sila at saktong pagkakita ko ay nakatutok na ang hawak ni Eureka'ng baril kay Gavin na ngayon ay nakatalikod naman sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko, gulat at hindi pa rin makapaniwala. Hindi ko inakalang kaya niyang gawin ito.

Isang putok ng baril ang narinig ko na umalingangaw sa loob. Nakita kong padapang natumba si Gavin.

Nagtago ulit ako nang lumingon-lingon si Eureka para makasigurong walang nakakita sa kanya. Pagkatapos ay umalis na siya at iniwan ang walang buhay na katawan ni Gavin.

Mabilis akong umalis doon at patuloy na naglakad hanggang sa mahanap ko ang exit. Lalapitan ko na sana 'yon nang maalala ko ang mga kaibigan ko.

Umatras ako at inalala ang daan bago umalis. Patuloy ako sa paglalakad nang may tumawag sa akin.

"Crystal?"

Nakita ko si Ellyana. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Mabuti nakita kita," sabi ko.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon