Level 058

122 15 5
                                    

Remaining Time:

00:29:34

▬▬▬▬▬▬

Live Comments

Chesca Friaz
-si Crystal??

Quin Quirino
-omg I knew it!

Francine Lopez
-pansin ko lang ha, Tyler's acting strange, parang hindi siya nagsasabi ng totoo

Khloe Tan
-what if it's not Crystal, what if si Tyler talaga?

Oprah Manalo
-si Crystal nga daw, may nakakita rin sa kanya sa camera na malapit sa main building kung nasaan sila Breanna diba?

Lyka Perez
-ang galing naman umarte ni Crystal

William Hernandez
-nagulat ako nung sabihin ni Tyler na si Crystal akala ko talaga si Eureka eh

June Padilla
-I think he's not telling the truth

Kriztel Sia
-bakit naman?

Ryan Fernandez
-feeling ko din

June Padillo
-what if si Eureka talaga?

▬▬▬▬▬▬

Ellyana's POV

Thirty minutes earlier.

Malabo ang paningin ko nang imulat ko ang mga mata ko.

What happened?

Inilibot ko ang paningin ko. Hindi ko alam kung nasaan ako. Hindi ko nga alam kung nasa Franchestar pa rin ako.

Madilim at tahimik. Para akong nasa isang bodega. May mga nakita akong kahon na magkakapatong sa sulok. May lamesa sa tabi na may mga nakapatong na bagay na hindi ko masyadong maaninag. 

May nakita din akong isang pinto sa tabi, may mga liwanag na tumatakas dito, mukhang may tao sa loob. May isa pa akong nakitang daan tungo sa kwartong madilim pero walang pinto.

Napatingin ako sa malaking flat screen TV na nakadikit sa pader.

Naka-upo ako sa isang mono-block chair at nakatali ang dalawang kamay sa lubid na nakasabit sa itaas. Doon ko lang din napansin na naka suot na pala ako ng dress at sa manipis na kahoy nakapatong ang inuupuan ko.

May narinig pa akong parang kumukulong tubig sa ilalim. Napalunok ako sa naisip.

May nakita akong camera sa ilalim ng malaking screen at nakatapat iyon sa akin.

May nanonood sa akin.

Biglang bumukas yung malaking TV. May nakita akong mga numero sa screen.

00:58:23

Countdown?

Napalingon ako nang may marinig akong yabag na papapalapit. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Crystal na lumabas sa kwartong walang pinto pero mukhang hindi 'yon pinto. It's like a tunnel?

"Crystal!" I exclaimed.

She's wearing a long mixed black and purple long sleeve net dress. Nakalugay ang itim niyang buhok.

"Yana." Tinignan niya ako mula sa baba.

"Help me," I said.

"I'm sorry but I can't." Umiling siya at umupo sa isang bangko na nakalagay sa tabi.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon