Level 015

174 14 0
                                    

Eureka's POV

Aww! Ang sakit ng ulo ko!

Minulat ko ang mga mata ko. Hindi ako nakakita dahil medyo blurred pa at malabo ang paningin ko nung una. Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit ulit 'yon.

Pagkatapos ay nilibot ko ang paningin ko. We're still in our room. Naka-upo pa rin ako sa upuan ko habang nakaubob naman ang mga kaklase pati ang mga kaibigan ko sa desk ng table nila.

Pero isa lang ang pinagtataka ko, kulang-kulang kami. Where are the others?

Kalahati sa amin ang wala. Bakante ang mga upuan nila. Napansin ko ring wala si Fatima sa tabi ko. Bakante rin ang upuan nila Luke, Denrick at Steeven. Napatingin ako kay Ellyana, wala si Crystal sa tabi niya. Where are they?

Biglang umungol si Tyler. Gumalaw ang ulo niya. He's waking up!

"Hoy! Gising!" sigaw ko.

Tumigil ito sa paggalaw.

"Psst!"

"Hoy, panget!" sigaw ko pa.

Kinuha ko ang notebook ko na nakapatong sa table ko at binato iyon sa kanya. Sapul! 

Saktong tumama 'yon sa ulo niya. Napakamot ang dalawang kamay niya sa buhok bago tumingala. Sabog talaga.

"What the fuck!" aniya pagkatapos ilibot ang paningin.

"Asan sila?" tanong niya.

"Hindi ko din alam. Gisingin mo sila Matt," utos ko.

Kinusot muna niya ang mga mata niya bago tapikin ang ulo ni Matthew na nasa tabi niya. Tumayo ako at ginising din ang iba.

"Yana!"

Inalog-alog ko ang balikat nito para magising ngunit mahimbing pa rin itong natutulog.

"Hoy, mga kupal!" sigaw ng kapatid ko sa mga tulog.

Napahawak ito sa ulo nang walang gumalaw.

"Magsigising nga kayo!"

Kinuha ko ang upuan ni Crystal upang binuhat 'yon at padabog na binaba 'yon. Gumana naman ang brillant idea ko dahil mukhang nagigising na sila.

"Eureka?"

Napatingin agad ako kay Ellyana.

"Sa wakas! Gising na din!" usal ni Tyler nang makita si Ellyana.

Inilibot niya ang kaniyang paningin at nang makita ang kalagayan namin ay napakunot ang noo niya.

"Nasaan sila?" pagtukoy niya sa mga wala.

I shrugged my shoulder. "Nung magising ako, wala na sila."

"Ah ah! Yanong ingay nama-"

Napatingin kami kay Matthew na gising na. Natigilan ito sa nakita.

"Ahh hehe..." awkward na tawa niya.

Napa-iling ako.

"What happened?" Jenilyn asked.

Gising na ng lahat at tila naguguluhan sa nangyayari. Nagtataka kung bakit wala ang iba, natatakot at kinakabahan. Nilapitan ni Gavin ang pinto at sinubukang buksan ngunit hindi 'yon nangyari.

"Locked," aniya at napa-iling.

"What?!" nagpa-panick na saad ni Breanna.

Nakasarado ang mga bintana ng room namin at mayroon pang mga nakadikit na itim na tape kaya hindi namin makita kung ano ang meron sa labas.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon