Ellyana's POV
Nagising ako nang may naramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Nang tignan ko ito ay nakita ko si Eureka.
Eureka?
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at nakita ko nga si Eureka na nakahiga rin sa sahig. Katabi naman niya si Crystal.
Nang ilibot ko ang aking paningin ay doon ko lang nakita ang iba ko pang kaibigan. Doon ko rin napagtanto na nasa loob kami ng isang classroom.
Sa dulo nakahiga ang walang malay na si Fatima. Sa tabi niya si Matthew. Sa kabila naman ay si Vanz na nakasandal sa ang likod sa pader at naka-upo, wala ring malay. Sa hita niya nakahiga si Tyler.
Napatingin ako sa gitna nang may makitang isang lamesa, nakapatong doon ang isang kahon.
Nang lumingon ako sa kabilang tabi ko ay nakita ko si Zetrix, walang malay na nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader ang ulo.
Nakita ko din si Breanna na nakahiga sa tabi ni Crystal.
Mukhang ako palang ang gising.
Pero sandali, parang may kulang?
Si Steeven.
Nasaan si Steeven?
Napalunok ako sa naisip.
No, hindi pa patay si Steeven.
Paulit-ulit akong umiling. Ayoko. Ayokong may mamatay ulit na isa sa kaibigan ko.
"Yana."
Napalingon ako sa tumawag.
Gising na siya, tamang-tama.
Agad ko siyang nilapitan niyakap. Isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib na mas lalong nagpa-komportable sa akin.
Naramdaman ko ang pagkagulat niya sa ginawa ko.
Doon na ako tuluyang naiyak. I felt him caresses my hair.
"Hush, stop crying, baby."
"P-patay na si Steeven," pumiyok na saad ko.
Hindi ko siya narinig na nagsalita. Pinabayaan niya lang ako na umiyak sa dibdib niya.
He's always like that. I miss how he always comforts me whenever I'm sad or upset. When I need someone to lean on, he is always there. Tuwing umiiyak ako, nahahanap ko ang sarili kong umiiyak sa dibdib niya. I really miss the old us.
Maya-maya pa ay humupa na ang lungkot na nararamdaman ko. Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko rin na basa na ang bahagi ng damit niya kung saan ako sumbsob. Nahiya tuloy ako.
"Are you alright?" he asked.
I nod my head while wiping my tears.
"Thank you, Zet..." Ngumiti ko.
"I'll always do that for you."
Umiwas ako ng tingin nang tumitig siya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga salitang 'yon.
"Look."
Napatingin ulit ako sa kanya, nakatingin na siya sa board na nasa unahan.
Nang bumaling din ako sa tinitignan niay ay doon ko lang nalaman na may nakadikit pala sa board. Nilapitan ko 'yon at pinagmasdan.
Ang mga picture naming lahat ay nandoon, buong section, magkakasama. Napakunot ang noo ko sandali.
Paano nila nakuha ang class picture namin?
BINABASA MO ANG
Danger Zone (Zone Series #2)
Mystery / ThrillerDanger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang rules kung hindi lumaban, maglaro para mabuhay. Iba't-ibang levels. Iba't-ibang modes: Easy, Hard...