Level 046

129 15 4
                                    

Matthew's POV

"One hour and thirty minutes remaining, players."

Napatigil muna ako saglit sa pagtakbo. Napahawak ako sa tuhod ko at hinabol muna ang aking hininga.

Kanina pa ako takbo ng takbo dahil sa nakita ko. Tinignan ko ang nanginginig kong kamay na may bahid ng dugo.

"It's game over for Player number Six, Gavin. His identity, citizen."

Napamura ako sa isip at saka ipinunas ang madugong kamay ko sa t-shirt na suot ko. Nabahiran tuloy ito ng dugo.

Kung may nakakita sa akin, siguradong paghihinalaan nila ako. Huwag naman sana.

Muling pumasok sa isip ko ang larawan ni Gavin. Nakadapa ito sa sahig at wala nang buhay. Tumutulo ang dugo mula sa kaniyang ulo na may tama ng baril.

Patay na siya. Pinatay siya.

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Lumiko sa kaliwa at lumiko naman sa kanan. Ganoon lang ang ginawa ko hanggang sa makasalubong ko si Eureka.

Napahawak pa ito sa dibdib niya dahil sa gulat.

"Matt!" she exclaimed. "Mabuti nalang nagkita tayo."

Nilapitan ko ito.

"Hindi mo sila nakita?" I asked.

Umiling lang ito.

Bumaba ang tingin niya sa damit ko.

"Bakit... may dugo yung damit mo?" mabagal na tanong niya.

Nakita ko ang bahagyang pag-atras niya.

"Nagkakamali ka ng iniisip, Eureka. Nakita ko si Gavin, patay na siya nung maabutan ko siya," paliwanag ko agad.

"Patay na si Gavin?" hindi makapaniwalang sambit niya at bahagyang natigilan.

Tumango lang ako.

Napatango rin ito. "Kaya pala, narinig ko sa speaker kanina."

"Pero sure kang hindi ikaw 'yon, ah?" Tumaas pa bahagya ang kaliwang kilay niya.

Tinignan ko siya gamit ang sinsirong mga mata ko. "Maniwala ka sa akin, Eureka."

"Okay. Tara, hanapin nalang ang iba," aya niya.

Tumango ako at sumunod sa kanya.

▬▬▬▬▬▬

Fatima's POV

"It's game over for Player number Six, Gavin. His identity, citizen"

Sabay kaming natigilan ni Vanz sa paglalakad at nagkatinginan.

Patay na ang inosenteng si Gavin.

"Nakapatay na agad siya."

Lumingon ako sa kanya.

"Sino ba yung tinutukoy mo, Vanz?" I asked.

Mas lalo tuloy akong na-curious kung sino ba talaga siya.

Tumingin ito sa akin.

"Si Ylona."

I felt relieved and shocked at the same time. Nakahinga ako ng maluwag dahil nalaman kong wala sa mga kaibigan namin ang tinutukoy niya.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon