Level 038

141 15 3
                                    

Fatima's POV

"Gago ka, Kris!"

Gusto mang tumayo ni Gavin para sunggaban ng suntok si Kristoffer ay hindi niya magawa dahil sa nakataling mga bakal sa katawan niya.

"Hindi ba sabi mo si Patricia ang mafia?" nagtatakang tanong Breanna.

"Nagkamali ako?"

Mas lalong naasar si Gavin sa naging sagot ng lalaki.

"Ginagago mo ba kami?" seryosong tanong naman ni Ichiro.

"Dapat kasi hindi nalang natin siya pinakinggan," nagi-guilty'ng usal ni Urice.

"Namatay si Patricia ng dahil sayo," galit na wika ni Hazel.

"Namatay silang lahat ng dahil sayo," matigas na bato ni Kris sa babae.

"Galit ka, Hazel?" Sarkastikong tumawa si Ylone. "Eh, wala ka ngang nagawa para ipagtanggol ang kaibigan mo, binoto mo pa."

Natigilan ang babae dahil sa sinabi nito. Napa-iling nalang ako.

"Nagsasabi ka ba ng totoo, Kris? Ikaw ba talaga ang traydor?" tanong pa ni Matthew.

"Huwag kang magtanong sa traydor, hindi 'yan magsasabi ng totoo," biglang sabat ni Zetrix.

Natawa lang si Kristoffer.

"Bakit ba tayo naniwala sa kanya? Traydor nga pala siya." 

Natawa si Vanz dahil sa kabobohan namin. "Kakampi niya ang mga mafia."

Wala nang nagsalita. Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga tawa.

"Enough with the chit-chat players. The night has come."

Pagkatapos naming marinig 'yon ay kusang sumuot sa ulo namin ang helmet na nasa taas ng ulo namin.

"Remove the Doctor's helmet." Narinig namin ito.

"Doctor, please choose the player you want to save."

Wala na akong narinig pagkatapos.

"Thank you. Put back the doctor's helmet."

Maya-maya ay may nagsalita ulit.

"Remove the Mafias' helmets and all the chains connected to them."

May narinig akong ibang tunog. Mukhang dahil sa pagtanggal ng helmet ng mga mafia.

"Now, you must choose the player you want to kill. Use the weapons in the table."

Shoot! Sila nga ang papatay sa amin.

Narinig ko ang pagkalansing ng kung ano.

Mas lalo akong kinabahan.

Sinong papatayin nila?

▬▬▬▬▬▬

彡★UPDATE★彡
11:54 PM

•The two Mafias are now
choosing a player
they want to kill.

Remaning:
2 Mornings
1 Night

•We will quickly
shutdown all the
cameras activated to
protect the
Mafias' Identity.

The cameras will
be back right after.
Thank You!

Live Comments

Nite Villa
-ang daya naman!

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon