Ellyana's POV
Dahil sa kaiisip ng mga nangyari sa amin dati, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng faculty room. Inayos ko ang sarili ko bago kumatok. Pagkatapos n'yon ay hinawakan ko ang doorknob at pinihit 'yon.
Malamig sa loob nang pumasok ako dahil sa lakas ng aircon dito. Hinanap ko and adviser namin at nang makita ay nilapitan ko agad siya.
May ilang teachers akong nakasalubong dahil recess ngayon at walang klase. Bago ko pa malapitan ang table ni Miss Alya ay nakita ko ang pagngisi ni Miss Del Vierra nang magtama ang paningin namin.
What's with the smirk? Creepy. Ngumiti nalang ako sa kanya.
"Ito na po yung usb, Miss," sambit ko kay Miss Alya. "Naka-save na po dyan yung narrative report na pinagawa niyo."
Tinanggap niya ito nang nakangiti. "Naku! Thank you talaga, Miss Fuentes."
"No worries, Miss," nakangiting sambit ko.
Akmang aalis na sana ako nang pigilan ako ni Miss Del Vierra.
"May kailangan po ba kayo, Miss?" I asked.
Umiling ito bago ngumisi. "Be careful."
Napalunok ako sa hindi malamang dahilan. Lumabas ako ng faculty at dumaretso na sa cafeteria.
Be careful. Muling nag-echo sa aking isipan ang sinabi niya. Mag-ingat? Saan?
Pagkapasok ko sa loob ay bumungad na sa akin ang napakaraming estudyante na nagkalat sa buong cafeteria. Mahaba ang pila sa counter. Na-okyupahan na rin halos ang lahat ng lamesa. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko ang mga kaibigan ko.
"Oh, Yana!" turo sa akin ni Denrick.
Natawa ako sa reaksyon nito bago naglakad palapit sa kanila.
"Dito ka!" Tinuro ni Crystal ang upuan sa tabi niya.
"Inorder ka na rin namin," ani Eureka sa pagka-upo ko sa tabi niya.
Binigay niya sa akin ang isang juice, sandwhich at waffle. Sinumulan ko na agad 'tong kainin dahil kanina pa rin ako gutom.
"Pahinge naman ako n'yan," kanta ni Tyler sabay kuha ng isang fries kay Matthew.
Inilayo na niya ito nang akmang kukuha ulit ang lalaki.
"Bumili ka ng sayo," aniya dito.
Sinamaan niya ito ng tingin bago bumaling sa katabi niyang si Denrick. Napa-iling nalang ako habang kumakain.
"Denrick, mah friend," ngiti pa ni Tyler.
Inilayo na agad ni Denrick ang plato niya sa kaibigan.
"Patay gutom talaga," rinig kong bulong ni Eureka.
"Kapatid mo ba talaga 'yan?" tanong pa ni Vanz.
Tahimik namang kumakain si Luke habang nakatingin naman sa cellphone na ngumunguya ng burger niya si Steeven.
"Alam niyo ba yung incident na nangyari ten years ago?"
Napalingon kaming lahat kay Steeven.
"Incident?" kunot-noong tanong ni Crystal.
Steeven nods his head before sipping his juice. "Dito sa Franchestar."
"May nangyari dito sa Franchestar?" pag-uulit ni Tyler.
"Ay wala-wala. Kasasabi nga lang, 'di ba?" pambabara ni Eureka sa kapatid.
Inirapan niya ang babae. "Papansin talaga."
BINABASA MO ANG
Danger Zone (Zone Series #2)
Bí ẩn / Giật gânDanger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang rules kung hindi lumaban, maglaro para mabuhay. Iba't-ibang levels. Iba't-ibang modes: Easy, Hard...