Level 045

138 16 11
                                    

Fatima's POV

"Two hours starts now!"

Nilibot ko ang aking paningin. Tanging naglalakihang mga pader lang ang nakikita ko.

Inalala ko ang narinig ko kanina. Kailangan naming mapatay ang tunay na mafia at kapag nagawa namin 'yon, makakaligtas kaming mga natitira at matatapos na ang larong 'to.

Sounds easy pero napakahirap.

In our last game, three players were already died because of our wrong accusation and possible na mangyari ulit ito sa amin ngayon kapag hindi kami naging matalino sa pag-iisip.

I need to think deeply about who among them is the real mafia and the real player who accepted the invitation.

Nagsimula akong maglakad. Naging maingat ako dahil baka mamaya ay may makasalubong ako.

Lumiko ako at humakbang. Tinitignan ko ng mabuti ang bawat pader at hinahanap kung may mga kahon sa tabi. Muli akong lumiko sa kanan at tinignan muna kung may makaka-salubong bago tuluyang maglakad.

Napahinto ako saglit nang may marinig akong boses.

"Crystal? Fatima?"

I heard Ellyana's voice.

Narinig ko ang yabag niya palapit sa pwesto ko.

I was about to approach her but I stopped.

Hindi niya ako pwedeng makita. May hinala pa rin ako sa kanya na baka siya ang mafia. Sa ngayon, wala muna akong pwedeng makasama sa larong 'to.

I need to investigate.

Maingat akong umalis sa pwesto ko.

Lumiko ako sa kanan at may nakita akong isang mahabang box.

Dali-dali ko itong nilapitan at binuksan. Bumungad sa akin ang isang shotgun na may tatlo pang extra'ng bala na nasa kahon.

Nilagay ko sa bulsa ang dalawa pang bala at hinawakan naman ang baril na nakuha ko.

▬▬▬▬▬▬

Ellyana's POV

"Eureka?" I tried to call her.

Walang sumagot.

Nasaan na ba sila?

Napatigil ako nang may marinig akong mahihinang yabag.

"Crystal? Fatima?"

Walang sumagot.

Dahan-dahan akong naglakad palapit sa isang pader.

Narinig ko ulit ang mahihinang yabag na palayo na.

Sino kaya 'yon?

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa kawalan.

"Hoy, nasaan na kayo?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses.

"Ako nalang ba ang nandito?"

It's Tyler.

"Tyler?!" I shouted.

"Yana?!" malakas na sigaw niya.

Hindi ko tuloy alam kung malayo ba siya o malapit sa akin.

"Nasaan ka?" tanong ko.

"Hindi ko din alam, ang daming pader dito. Na-trapped ako. Help!."

Mas nilakasan ko ang pandinig ko.

"Keep talking, Ty." I said.

"Huh?!"

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon