Level 039

136 13 4
                                    

Activating cameras...

□□□□□0%

■□□□□20%

■■□□□40%

■■■□□60%

■■■■□80%

■■■■■100%


▬▬▬▬▬▬


Cameras Activated: 7/7
Players: 14/26

Site: Online

Game to Play:
Mafia Game

Day: 3
Level: 4
Mode: Hard


▬▬▬▬▬▬


彡★UPDATE★彡

•Player Fourteen
Is eliminated.

Remaining:
1 Morning
1 Night

▬▬▬▬▬▬
   

Fatima's POV

"Mali?" gulat na sabi ni Breanna.

Oh gosh. Anong nangyari kay Urice?

Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.

Tumutulo ang dugo mula sa leeg niya pababa dahil sa narinig namin kaninang pagsabog. Shoot. Ang brutal.

"Fuck! Sinasabi ko na nga ba!"

Napatingin kami kay Steeven.

"Bakit Steeven?" tanong ni Ellyana.

"Nagtataka lang ako kung bakit hindi tinuro ng isang mafia ang kakampi niyang mafia."

"Ang gulo. Ano?" naguguluhang tanong ni Tyler.

"Hindi naman talaga sasabihin ng kakampi niyang mafia kung sino siya dahil nga magkakampi sila," saad ni Ylona.

"What I mean is, kung gusto niya talagang makaligtas, ituturo niya kung sino yung mafia'ng kasama niya which is 'yung tumanggap ng invitation. Kapag napatay natin kung sino man 'yon, matatapos na ang larong 'to. Ligtas din siya," paliwanag ni Steeven.

May point ang lalaki.

Maliban nalang kung magkakampi talaga ang dalawa.

"It's Hazel," pilit na giit ni Kristoffer.

"Sleep now players, the night has come."

Muling gumalaw yung nasa taas at kusang sumuot sa ulo namin.

Nang tuluyang matakpan ang mukha namin ay mas lalo akong kinabahan.

Hindi ako makapaniwala na isa sa mga kasama namin ang mamamatay tao.

Sino na naman kaya ang susunod nilang patayin?

▬▬▬▬▬▬

Ellyana's POV

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon