Crystal's POV
Gusto kong matawa kanina habang pinapanood sila Kristoffer na pilit na ginigiit na si Hazel daw ang tumanggap ng invitation. Sobrang confident pa ni Kris habang sinasabi 'yon eh kung titignan mo naman sa mga mata, parang kinakabahan.
Napangisi nalang ako nung biglang sabihin ni Breanna na baka si Kristoffer naman talaga 'yon. Tapos itong si Kris galit na galit na, papatayin pa sana si Breanna.
Ang hirap nang magtiwala sa tao ngayon. Hindi mo alam kung nagsisinungaling ba o nagsasabi ng totoo.
Tapos biglang may pumasok, mga babae at lalaking may makakapal na make-up. Sinabi nila sa amin 'yung kasunod na lalaruin namin.
For sure, may mamamatay na naman sa amin. But I'll make sure na hindi ako 'yon, kailangan ko pang maka-abot sa last level ng larong ito.
Binigay nung Nanay yung tinapay na hawak niya kay Fatima. Ano namang gagawin niya dun sa tinapay? Kakainin?
Binigya naman nung Tatay yung hawak niyang mug kay Luke.
"Para malaman kung sino ang unang player, maglalaro muna tayo ng pasahan. Habang kumakanta kami ay ipapasa ng may hawak na tinapay at baso sa katabi niya. Pa-clockwise ang pagpasa sa tinapay at pa-counter clockwise naman ang sa mug. Kapag natapos ang kanta, kung kanino huminto ang bagay ay siya ang maglalaro."
Tumawa ang Tatay matapos niyang sabihin ang panuto. Halatang excited pa.
"Handa na ba kayo? Magsisimula na kami?" tanong pa nung Kuya.
Natural, walang iimik. Sino ba namang mae-excite sa larong 'to, 'di ba?
Nag-form silang apat ng maliit na circle at saka nagsimulang kumanta na parang mga bata.
"Nanay, tatay, gusto kong tinapay..."
Habang kumakanta sila ay nag-simulang ipasa nila Fatima at Luke ang tinapay at ang mug sa katabi nila.
"Ate, kuya, gusto kong kape..."
Napunta na kay Kristoffer ang mug. Ngumisi ito nang hindi niya iabot ang baso sa katabi niyang si Obreeh.
Madaya talaga.
Na kay Ichiro na naman ang tinapay na agad na pinasa kay Tyler na pinasa kay Matthew.
"Lahat ng gusto ko ay susundin niyo..."
"Akin na, Kris!" kabadong saad ni Obreeh.
Pero ngumisi lang si Kris at hinintay na matapos ang kanta.
"Ang magkamali ay pipingutin ko!"
Natapos ang kanta at saka lang binigya ni Kristoffer ang baso kay Obreeh, hindi na naman niya ito nagawang ipasa sa katabi niya dahil tapos na ang kanta. Na kay Denrick naman ang tinapay.
"Sinong gustong mauna sa inyong dalawa?" tanong nung Ate.
Napalunok si Denrick. Bakas naman ang takot sa mukha ni Obreeh.
"A-ako nalang," presinta ng kaibigan namin.
"Go, Denrick! Kaya mo 'yan!" pag-cheer pa ni Eureka.
Tumawa ang apat na nasa gitna.
Ibinigay ng Ate ang hawak niyang eye mask sa lalaki. Sinuot naman 'yon ni Denrick.
Sinenyasan siya nung Nanay na maupo sa sahig. Nang maka-upo ay bumilog ang apat, nasa gitna siya.
Kabado namang nanood ang mga kaibigan ko.
Nagsimulang umikot ang apat na parang naglalaro lang.
BINABASA MO ANG
Danger Zone (Zone Series #2)
Mystery / ThrillerDanger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang rules kung hindi lumaban, maglaro para mabuhay. Iba't-ibang levels. Iba't-ibang modes: Easy, Hard...