Level 028

145 15 2
                                    

Ellyana's POV

"Maglalaro na naman tayo."

"Baka may mamatay na naman sa atin."

"Anong 'baka', talagang may mamatay ulit sa atin!"

"Natatakot ako!"

"Tigilan niyo na nga 'yan!"

Hindi na ulit nagsalita si Eureka dahil sa suway ni Steeven.

Nandito kami ngayon sa library. Nakalagay ang mga bookshelf sa tabi at nakapalibot iyon sa amin. May malawak na space sa gitna.

Maglalaro na naman kami.

Tahimik lang ang iba sa amin. 

Sila Urice at Ylona naman ay kanina pa bulong ng bulong.

Si Patricia ay na kay Hazel na ngayon ay umiiyak pa rin.

Ang mga lalaki ay naka-upo lang sa sahig.

Kaming walo ay nandito lang sa tabi.

Sila Tyler at Matthew ay kasama si Zetrix.

Si Kristoffer ay nakatingin pa rin kay Hazel habang nakangisi. 

Biglang tumayo si Gavin at pumunta sa pintuan ng library. Pinilit niya 'yong buksan pero hindi ito nangyari.

"Wala ba talaga tayong gagawin para makatakas dito?" tanong pa niya.

Walang sumagot sa kanya.

"Ikaw Kris, 'di ba alam mo kung paano itigil 'tong laro?" baling niya sa nakangising si Kris.

"Sabihin mo na sa amin para matapos na 'to," dagdag pa niya.

Napunta naman ang lahat ng atensyon kay Kristoffer.

"Ano?" inip na tanong pa ni Gavin.

"You want to know?" ngisi niya.

Inis na bumaling si Breanna sa gawi ng lalaki. "Sabihin mo nalang, Kris."

"Kill Hazel."

Natigilan ang ilan sa amin. Tumigil sa paghikbi si Hazel nang marinig niya 'yon.

"A-ano?" gulat pang sabi niya.

"You want to end this game? Then kill her." Ngumisi ng malapad si Kristoffer.

Ito ang sinasabi kong dangerous risk na kaya niyang gawin. He's now our enemy because he wants to kill one of us.

"Hoy Kris, kung may galit ka kay Hazel sabihin mo, hindi yung ganyan ka ha?" natatakot na saad ni Patricia.

"Sinagot ko lang ang tanong ni Gavin, kung gusto niyong mabuhay pa, patayin niyo si Hazel." Nagkibit-balikat pa ito na parang wala lang sa kanya ang sinabi.

"Bakit ba si Hazel?" naguguluhang tanong ni Ylone.

"Kasi siya nga ang dahilan kung bakit tayo nandito," medyo sarkastikong sabi ng lalaki.

"Kapag pinatay ba namin siya, paano kami makakasiguro na matatapos na nga 'tong larong 'to?" Umayos ng upo Ichiro.

"Ano? Papatayin niyo talaga si Hazel?" medyo nagpa-panic na saad ni Patricia.

Daretsong tinignan ni Kristoffer si Ichiro.

"Kapag napatay niyo ang isa sa atin na tumanggap ng invitation, matatapos ang laro, makakaligtas ang mga natitirang players, makakalabas tayong lahat dito."

"Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ni Breanna.

"I can't tell." Ngisi niya.

"Pinagloloko mo ba kami?" medyo inis na sabi ni Gavin.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon