Level 032

143 14 0
                                    

You received a Notification
From Danger Game!

Open | Remove


▬▬▬▬▬▬


Loading...


▬▬▬▬▬▬


Danger Game
Is Back!

Watch | Later


▬▬▬▬▬▬


Loading...


▬▬▬▬▬▬


Activating cameras...

□□□□□0%

■□□□□20%

■■□□□40%

■■■□□60%

■■■■□80%

■■■■■100%


▬▬▬▬▬▬

Eureka's POV

Unti-unti akong nagising dahil sa ingay na naririnig ko kanina pa. Pero pagmulat ng mga mata ko ay wala pa rin akong makita. Itim pa rin.

Shemay gulay! Bulag na ba ako?

Nagpamulat-pikit ako at nagbabaka sakaling makakita pa ako pero shemay lang, itim pa rin!

"Guys! Help! Wala akong makita, bulag na ako!" sigaw ko pa.

May narinig din akong sigaw pero hindi ko maiintindihan, malabo eh.

"Hello?!" sigaw ko pa.

Naiiyak na 'ko! Ayokong mabulag! Gusto ko pang makita ang mukha ng mga kaibigan ko!

Pati na yung pangit kong kambal—ay hindi, gwapo. Kambal ko 'yon eh.

Sinubukan kong gumalaw pero nahirapan ako. Parang nakatali ang buong katawan ko.

Nagulat ako ng biglang may gumalaw sa mukha ko. Bigla akong naka-aninag.

Natanggal ang nakalagay sa ulo ko. Shems, hindi ako bulag. Nakasuot lang pala ako ng helmet kaya hindi ako makakita!

Jusko. Akala ko bulag na. 

Napangiti ako ng malapad ng makita sila.

Pero doon ko lang napagtanto na nasa ibang bahagi na naman kami ng school.

Nang-ilibot ko ang aking paningin ay doon ko nalaman na nasa faculty room pala kami. Medyo dim ang ilaw at hindi ganoon kaliwanag.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon