Level 052

122 15 1
                                    

Fatima's POV

"Are you ready?"

Handa na. At sa huling larong 'to, malalaman ko na kung sino ang totoong traydor sa amin.

"Let's start with player number one, Breanna."

Napatingin ngayon kami sa kanya.

Si Breanna na lang ang nag-iisang tao dito sa loob na hindi ko ganoon kakilala.

Siya kaya?

Malay natin.

"Please pick one paper. You'll open that later."

Pumunta siya sa gitna at isinuot ang kamay sa kahon na may bilog na butas sa taas. Pagkatapos, isang papel ang aking nakitang hawak niya. Bumalik siya sa kanyang pwesto kanina.

"Next one, player number two, Crystal."

Si Crystal. Walang nakakita ni isa sa kanya nung nasa maze kami. Wala rin siyang nakasamang iba, si Breanna lang dahil pagkakatanda ko ay magkasama sila nung makita nila kami.

Nilapitan ni Crystal ang lamesa at gaya ng ginawa ni Breanna, sinuot niya ang kamay niya at bumunot ng papel. Bumalik siya sa tabi ni Eureka pagkatapos.

"Next, player number three, Ellyana."

Napangiti ako at nakahinga nang maluwag. Wala si Ellyana nung oras na mamatay si Steeven dahil nakatakas na sila sa maze kasama si Zetrix kaya imposibleng siya ang maging mafia.

Lumapit siya sa lamesa upang bumunot ng papel. Pagkatapos ay bumalik siya sa tabi ko.

"Kinakabahan ako," aniya habang nakatingin sa papel na nabunot niya.

"Mananalo tayo sa larong 'to. Mahahanap ko kung sino man sa kanila ang totoong dahilan kung bakit tayo nandito." I gave her an assuring smile.

"Sana nga, Fatima." Ngumiti din siya.

"Player number four, Eureka."

Si Matthew lang ang nakasama ni Eureka nung nasa maze kami at nagkahiwalay pa raw sila pagkatapos. Wala naman akong mahanap na dahilan para maging si Eureka ang mafia. Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay ang namumulang mga kamay niya noong makita ko siya. At ang isa pa ay noong makita niya ang katawan ni Steeven, parang hindi totoo ang pagkagulat niya.

Sana lang talaga ay hindi siya.

Matagal pa bago siya bumunot. Halata sa mukha na kinakabahan. Nang makabunot ito ay bumalik na din ito sa pwesto.

"Next one, player number five, Fatima."

Napalingon sa akin si Breanna kasunod ang iba nang pumunta ako sa gitna. Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng box at hinalo ang papel. Nang makakuha ng isa ay bumalik na ako.

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Breanna.

"Next is player number ten, Matthew."

I watched him walked. Bumunot siya agad at bumalik din pagkatapos.

Si Matthew. Hindi ko din siya nakita nung sa maze kami. Nung huli lang nang makasalubong namin siya ni Vanz.

"Next one, player number thirteen, Tyler."

Tyler is suspicious, for me. Sa pagkaka-alam ko, wala siyang nakasama sa amin maliban kay Eureka na huli naming nakitang kasama siya.

I'm afraid that Tyler might be the mafia but I hope he's not.

"Next, player number fifteen, Vanz."

Naglakad agad siya at mabilis na bumunot pagkatapos ay bumalik din.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon