Ellyana's POV
Walang nagsalita ni isa sa amin. Lahat kami ay natigilan sa nangyari.
Wala na si Obreeh.
"Kilala ni Obreeh kung sino," basag ni Gavin sa katahimikan.
"Who's 'yu'?" tanong naman ni Breanna.
"So that means, hindi talaga si Hazel?" pambabalewala ni Patricia sa tanong ng babae.
"Malayo ang yu sa Hazel kaya, hindi nga siya," sabat ni Ichiro.
"Kung ganoon, mali si Kris."
Napatingin kami sa lalaki matapos sabihin 'yon ni Gavin.
"Eh, bakit nung una, si Hazel ang tinuro ni Obreeh?" naguguluhang tanong ni Ylona.
Oo nga, nung nasa cafeteria kami, si Hazel ang tinuro ni Obreeh na tumanggap ng invitation. Dahil doon, nagalit si Kristoffer sa kanya.
"Baka naman nagkamali lang siya kay Hazel," muling saad ni Patricia.
Patuloy pa ring umiiyak si Urice dahil sa nangyari kay Obreeh.
"Yu...yu...yu..." patuloy na bigkas ni Ichiro na parang may mapapala ang kuu-ulit niya ng salita.
Saglit itong natigilan at bahagyang nanlaki ang mga mata.
"Ikaw ba Eureka?"
Gulat kaming napalingon sa aming kaibigan.
Napakunot lang ang noo ni Eureka sabay turo sa sarili niya.
"Anong ako?" takang tanong niya.
"Ikaw ba yung tumanggap ng invitation?" diretsahang tanong ni Breanna nang makuha ang sinabi ni Ichiro.
Muli kong inalala ang sinabi ni Obreeh bago siya mamatay.
Si...s-si yu–!
Eureka?
"Anong ako? Hindi 'no." Umiling pa si Eureka.
Hindi mababakas ang kaba sa mukha niya.
Hindi naman siya, hindi ba?
"Tsaka kung ako nga 'yun, dapat umamin na ako nung matalo si Luke at Denrick sa laro. Kaibigan ko yun 'no at ayokong mamatay sila," dagdag pa niya.
Hindi nga siya. Nakahinga ako ng maluwag. Alam kong hindi siya nagsisinungaling. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa kaibigan namin.
"Baka naman ikaw talaga 'yon, Urice?" baling ni Ylona sa umiiyak na si Urice.
"Guys, hindi tayo dapat nagtuturo nang hindi naman natin sigurado," paalala ni Matthew.
"It's you, Urice," confident na saad ni Ylona.
Napunta ang atensyon naming lahat sa umiiyak na babae.
"Siguro uma-arte ka lang na umiiyak-iyak ka pa para hindi ka namin mapansin. You're using your acting skills to cover yourself, to make you the victim para hindi namin ma-point out na ikaw talaga," paliwanag niya na mas nag-palinaw sa amin.
"She's right," pagsang-ayon ni Breanna.
Pinunasan ni Urice ang mga luha niya. "A-ako?"
Tumawa si Ylona. Mababakas doon ang pagiging sarkastiko.
"Stop lying and tell the truth!"
Nagulat kami ng sumigaw si Breanna.
"Bakit ba ako? Bakit hindi niyo tanungin 'yang nagmamagaling na si Ylona," aniya sabay turo sa babae.
BINABASA MO ANG
Danger Zone (Zone Series #2)
Mystery / ThrillerDanger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang rules kung hindi lumaban, maglaro para mabuhay. Iba't-ibang levels. Iba't-ibang modes: Easy, Hard...