Eureka's POV
Ouch!
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pagkirot n'yon.
Biglang umikot ang paningin ko nang tumayo ako.
Shemay naman oh!
Ano bang nangyari sa akin?
Tsaka, nasaan na naman kami?—Ay, ako lang pala?
Ako lang kasi mag-isa dito sa isang malaking cube... na naman?
Nasa loob ako ng malaking kulay puting cube.
Napatingin ako suot ko.
Naka PE uniform kami.
Naka green na t-shirt ako na may logo ng Franchestar University sa kaliwang dibdib. Naka PE pants naman sa pang-ibaba na may mahabang black stripes din sa tabi at naka white rubber shoes pa!
Paano kami nakapagsuot ng ganito?
Shems. Hinubaran ba kami?
Omo. Pervert!
Sinubukan kong makalabas dito sa cube. Sinuntok ko ng malakas yung pader pero takte lang, namula yung kamao ko dahil sa sakit.
Hindi na ako makakalabas dito.
Mamamatay na ba ako??
Pero sandali. Bigla kong naalala yung nangyari kanina.
Wait—kanina nga ba yun o kahapon?
Luh. Limot ko na. Anong araw na ba ngayon?
Shemay. Wala kasing kalendaryo dito, hindi ko tuloy alam kung ilang araw na kami dito sa loob ng school.
So, back to the topic. Naalala ko yung nangyari kahapon o kanina ba yun, ah basta!
Ayun nga, binaril ni Gavin si Kris tapos ang sabi nung speaker—ay mali, narinig namin sa speaker na hindi si Kris ang mafia at traitor lang siya.
Akalain mo yun, nagsasabi pala ng totoo ang lalaking 'yon, kawawa naman.
Pero ayun na nga, kung hindi niya napatay ang totoong mafia, ibig sabihin hindi pa tapos ang laro at hindi pa kami ligtas.
So, ngayon maglalaro ulit kami?.
Pero bakit ako lang ang nandito?
Baka naman nasa labas sila?
"Players!"
"Shutames!" gulat kong sabi.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Shemay naman oh!
Sa gulat ata ako mamamatay at hindi sa laro.
Bakit ba kasi ang lakas nung tunog?
May speaker ba dito sa loob?
Sinubukan kong hanapin pero mukhang wala naman.
Pero may nakita akong maliit na camera sa gilid.
Shookt. Naka-video pala ako.
"Are you ready to play again?" Malakas na tawa ang sunod kong narinig.
"Hoy, kung sino ka man!" sumigaw ako.
"Palabasin mo na kami dito!" dugtong ko sabay harap sa camera.
"Wala naman kaming ginagawang masama sayo para gawin mo 'to sa amin!" Kunwari ay umiiyak ako.
"Aww," rinig ko mula sa speaker.
Okay. Best Actress goes to Eureka De Guzman!
"Sige na, palabasin mo na kami dito!" sigaw ko ulit.
Tumawa lang ito ng malakas.
Pang-asar, amp! Akala ko pa naman naawa na.
Hay! Bahala ka na dyan.
Bigla namang tumunog ang tiyan ko. Nakaramdam ako ng gutom. Napahawak ako dito.
Shems. Hindi pa pala ako nakakakain.
Nung huling kain ko lang ay nung nasa cafeteria kami. Kung alam ko lang, dapat pinuno ko na yung tray, libre pa naman. Minsan lang makalibre sa cafeteria, hindi ko pa inabuso. Sayang.
Sinamaan ko ng tingin yung camera.
Umupo nalang ulit ako.
▬▬▬▬▬▬
Ellyana's POV
"Aww."
Napakunot ang noo ko sa narinig.
May kausap ba siya?
Nakarinig ako ng malakas na pagtawa.
May kausap nga ata siya, pero wala naman akong naririnig na kahit sino.
Kanina, nagising ako na nandito na sa loob ng isang malaking kahon at naka-suot na ng PE uniform namin.
Hindi ko alam kung paano ako napunta dito at kung paano ako nasuotan ng damit. Wala akong maaalala bago ako mapunta dito.
Ang tanging naaalala ko lang ay nung nasa faculty office kami.
Biglang sumagi sa isipan ko sila Kris at yung iba pa naming kaklase na namatay.
Sila Denrick at Luke.
Bigla akong nakaramdam ng galit.
Muli kong narinig ang mala-demonyong boses.
"Let me tell you the game, players."
Napatingin ako sa camerang nakalagay sa tabi na nakita ko kanina.
"Since you were not able to find and kill the mafia in the last game, we will continue that in this game... but there's a twist."
Biglang gumalaw ang isang pader paitaas. Humakbang ako ng konti para sumilip at bumungad sa akin ang nagtatataasang mga pader. Maninipis lang ang mga ito na parang dalawang pinagpatong na flywood lang ang kapal at itim ang kulay.
Nasa loob kami ng maze at mukhang alam ko na ang lalaruin namin.
Nang tumingin ako sa taas ay tsaka ko lang nalaman kung nasaan kami. We're at our school's gym.
"Correct, Player number Twelve."
Muli kong narinig ang boses niya.
Player twelve, si Steeven!
Kung ganoon, nandito kaming lahat sa loob maze pero pinaghiwa-hiwalay nila kami.
"In this game, you need to find the right exit door for you to get out inside this maze. But in this level, you are in survival mode. We will continue playing mafia game. The mafia will have a chance to kill all the players he or she wants to. So be careful, you might encounter the mafia."
Tumawa siya pagkatapos.
Mukhang may mamamatay na naman sa amin. Mas lalo akong kinabahan.
"But don't worry citizens, you will also be given a chance to kill the mafia. There are boxes scattered and hiding in some walls. And inside that boxes are some weapons you can use to protect yourself from the mafia, and you can also use that to kill the mafia. I will give you two hours to find the exit."
Kung ganoon, dalawang laro pala ang aming lalaruin sa level na 'to at meron lamang kaming dalawang oras.
"You have two choices in this game, kill the mafia or find the exit. It's your choice. If you killed the mafia, you're all be safe, but if you don't, you will play the last deathly game we prepared. So be wise players."
Mas lalo akong kinabahan. What if matalo na naman kami.
In this level, it's us against the mafia.
Can we kill the right mafia?
Can we end this game?
Can we all survive?
"The game starts now!"
BINABASA MO ANG
Danger Zone (Zone Series #2)
Misterio / SuspensoDanger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang rules kung hindi lumaban, maglaro para mabuhay. Iba't-ibang levels. Iba't-ibang modes: Easy, Hard...