Level 012

185 14 0
                                    

Ellyana's POV

"Tabe!"

Papasok na sana ako sa loob ng classroom namin nang may sumigaw. Mabuti nalang at napaatras agad ako kung hindi ay malamang tumama na sa mukha ko ang lumilipad na eraser.

"Sorry."

Kinuha ni Niel ang eraser at muling ibinato kay Ichiro. Humara naman sila Xander at Gavin sa daraanan ni Ichiro. Pinasa niya ang eraser kay Kristoffer at ni-shoot naman niya yon sa blackboard.

"Yana!"

Napalingon ako kay Tyler na nakaupo sa upuan ko at kausap si Denrick na nakaupo naman sa upuan ni Crystal na ngayon ay wala pa.

"Good morning!" bati ni Denrick.

"Morning," ngiti ko.

Tumayo si Tyler upang makaupo naman ako.

"Yung kambal mo?" I asked.

"Sinamahan si Fatima," sagot niya sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Denrick.

"Saan?" tanong ko ulit.

"Saan pa, edi sa lugar na may pagkain."

Tumawa ito ganoon din si Denrick.

"Sira! Isusumbong kita dun eh," tawa ko rin.

Nilagay ko ang bag ko sa likod niya at naupo sa bakanteng upuan sa harapan nila.

"Uy, Matt!"

Napalingon kami ni Tyler nang tawagin ni Denrick si Matthew na kapapasok lang din ng room. Kinusot pa nito ang mga mata niya sabay hikab nang pagkalakas-lakas, napatingin tuloy ang ilan naming kaklase sa kanya.

"Mukhang sabog," bulong ni Tyler.

Pinanood namin siyang maglakad palapit sa puwesto namin.

"Tulog ka pa ata, pre." Tinapik ni Denrick ang balikat ni Matthew.

"Anong bang ginawa mo kagabi at napuyat ka ng ganyan?" tanong ko.

"Nag-chat pa siguro sila ng Fatty niya," nakangising tukso ni Denrick sa lalaki.

"Nabawasan yung brain cells ko pagsasagot nung assignment kaya napuyat ako" giit naman ni Matthew.

"May brain cells ka pala?" biro pa ni Tyler.

Matthew proudly nod his head. "Oo, gusto mo bigyan kita, mukhang wala ka nun eh."

"Don't worry bro, marami pa 'kong stock sa brain ko." Ngumisi ito.

"Meron pala kayong ganun?" ngising sabat ko.

Malakas na tawa ang narinig namin kay Denrick. Nginitian ko ito nang sumakay siya sa biro ko.

Simamaan siya ng tingin ni Matthew. "Makatawa naman."

Mas lalo pang tumawa ang lalaki at halos kita na ang ngala-ngala.

"Parang tanga 'to," ngiwi ni Tyler.

Parang mga baliw. Paano ko ba naging kaibigan ang mga 'to?

"Oy, Zet!"

Saglit kong nilingon ang lalaking kapapasok lang sa loob. Basa pa ang buhok nito at halatang kaliligo lang. His uniform are unbottoned reaveling his black shirt inside which makes him more attractive. His wavy jet black hair is slightly covering his dark deep eyes. He bit his lower pinkish lips as soon as our gaze met.

Hindi niya pinansin ang bati ni Tyler at dumaretso sa upuan niya.

"Oh, bitter pa rin," baling ni Matthew sa akin.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon