Level 037

136 16 2
                                    

Ellyana's POV

"Let the real game begin!"

Biglang gumalaw ang bagay na nasa itaas ng ulo namin.

Kusang sumuot sa ulo ko ang helmet na gawa sa metal, ganoon din ang nangyari sa kanila. Hindi ko na nakita ang nangyari pagkatapos.

"Please remove mafia's helmet," narinig kong saad ng nasa speaker.

"The two Mafia now know each other's identity," sabi pa niya.

Katahimikan ang sumunod na nangyari.

"Now, put on their helmets."

Maya-maya pa ay may narinig na ulit ako.

"Remove the Traitor's helmet."

"Once you see the player's helmet turns red that means, they are the mafia."

"The Traitor now knows the Mafias' identity."

Pagkatapos niyon ay biglang natanggal ang helmet na suot ko, ganoon din ang iba.

"First morning will start now."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay biglang lumiwanag sa buong silid. Ngayon ay mas kitang-kita na namin ang isa't-isa dahil kanina ay medyo dim ang kulay at madilim.

"I'll give you five minutes to talk and after that, you should pick one player who you think is the mafia."

May lumitaw na timer sa malaking screen na nasa unahan. 00:04:59.

"Guys, let's pick Kris," biglang sabi ni Patricia.

"Bakit ako?" nakangising tanong naman ni Kristoffer.

"But he said he's the traitor. Mafia ang kailangan nating patayin," sabat naman ni Ichiro.

Napakunot ang noo ko dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa lalaki.

"Malay niyo sinabi niya lang 'yon pero ang totoo siya talaga ang mafia," saad naman ni Urice.

"How about you, Hazel, bakit parang kinakabahan ka?" baling ni Ylona kay Hazel.

"I'm not the mafia!" mabilis na giit niya.

"Oh, defensive." Ngumisi si Ylona.

"Lahat tayo ang nagsabi na citizen maliban kay Kris na umamin na siya daw ang traitor," saad naman ni Gavin.

"Pero may isa akong napansin," dagdag niya na nagpakuha ng atensyon namin.

"Si Ylona."

Tinignan ni Ylona ang lalaki gamit ang kanyang malapusang mga mata.

"Nung magpakilala si Urice, bigla kang ngumisi, bakit?" tanong anman ni Gavin.

"I just want to, bakit ba?"

Napakunot ang noo ni Gavin sandali bago umiling.

"Three minutes remaining!" rinig namin.

"Guys, lets pick Kris nalang," saad naman ni Patricia.

"Bakit mo ba ginigiit na ako ang mafia kung ikaw naman talaga."

Nagulat si Patricia sa sinabi ni Kristoffer. Pati rin kami.

"I'm the traitor and I know your identity, you're the mafia."

"No! H-hindi ako!" giit pa ni Patricia.

"Kung ganoon, nagsasabi ng totoo si Kris na siya talaga ang traydor?" Si Eureka.

Ngumisi si Kris sa kaibigan namin.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon