Level 024

131 15 0
                                    

Eureka's POV

Shemay! Kalaban namin sila Ellyana at si Zetrix. Ayokong kalabanin sila pero wala kaming choice, kami ang mapapahamak.

Isa pang shemay si Luke!

Siya ang maglalaro sa kabila at mukhang ako ang huhula ng sasabihin niya dahil blanko 'yung nakuha kong papel. Malas naman!

Eh, hindi naman magaling si Luke sa mga ganito. Hindi niya nga mabuka ng maayos ang bibig niya.

Juice ko po!

"The game starts now!"

Ayan na nga!

"Galingan mo, Luke!" sigaw ko kahit hindi naman niya ako maririnig.

Bumuka ang bibig nito. Agad ko namang binasa ang sinasabi niya pero shems lang hindi ko talaga mabasa.

Paano ba naman, parang ngumunguya lang siya!

"Lakihan mo ang bibig mo, Luke!"

Bumuka ulit ang bibig niya.

"Ano?!"

May nabasa akong isang syllable. Gi nga ba or Li. Parang Ni? Ampt!

"Gi?!"

Tumango ito. Nabuhayan ako!

Bumuka ulit ang bibig niya.

"Gitara?"

Umiling ito.

He mouthed a word. Pero hindi ko mabasa!

"Lakihan mo bibig mo!" Umakto pa akong nilakihan ang bibig.

At nilakihan niya nga. Natawa ako saglit sa mukha niya. "Ginagawamu?"

May sinabi ito na agad kong nabasa.

"Hoy! Wag mo kong murahin!"

Bumuka ulit ang bibig nito.

"Ano bang gi? Hindi ko maintindihan?!"

He opens his mouth.

"Gitna?"

"Gitling?"

"Ano bagay, tao, hayop ba yan?"

Napasabunot ito sa buhok. Leche!

"Ginisang talong?"

"Ginisang repolyo?"

"Ginaw?"

"Ginhawa?"

"Ginto?"

"We have a winner!"

Napatingin kami sa itaas.

"Congratulations to Cube 1 and Cube 3!"

Pumalakpak pa sila.

Talo kami.

Nakita ko ang paglingon ni Ellyana sa gawi namin, mukhang hindi siya masaya na nanalo sila.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Players, please go back to your cube."

Tinanggal ko ang headphone. Bumukas ang glass wall at pumasok ako.

"Sorry girls," bungad na sabi ko.

"It's okay." Nilapitan ako ni Fatima at hinawakan ang braso ko.

"Mamamatay na ba tayo?" I heard Quirah.

"No, we still have one chance."

Napatingin kami kay Breanna.

"Don't worry, players, you can still save your lives in round two. Please pick another player who'll play in this round and proceed to the cube."

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon