Ellyana's POV
Life is like a survival game, kailangan mong maglaro para mabuhay. Different challenges, different levels and different modes. Iyan ang pinaniniwalan ng iba.
But for me, It's a precious gift from above.
"Audacity, the confidence to say or do what you want, despite difficulties, risks, or the negative attitudes of other people."
Miss Del Vierra fixed her eyeglass and started to roam her eyes around our room.
"Synchronicity, the coincidental occurrence of events and especially psychic phenomena, such as similar thoughts in widely separated persons or a mental image of an unexpected event before it happens," she explained.
Napatango ang ilan sa mga kaklase ko matapos silang pasadahan ng tingin ng guro sa unahan.
I chuckled. May patango-tango pa, hindi naman naiintindihan.
"Troglodyte is a person, characterized by reclusive habits or outmoded or reactionary attitud-"
Natigil ang pagtuturo ni Ma'am nang mag-ring na ang bell.
"Okay, class. See you tomorrow," aniya bago lumabas ng classroom.
Napasandal ako sa upuan at inunat ang mga braso.
"Don't forget your assignment," pahabol niya bago tuluyang lumabas.
Inayos ko ang aking gamit at inilagay sa bag. Nakita ko ang paglapit ng mga kaibigan mga kaibigan ko sa aking puwesto.
"Gutom na 'ko!" agad na reklamo ni Tyler.
"Lagi ka namang gutom," pambabara ni Eureka sa kapatid.
"Lagi ka namang busog. Kaya ganyan ka kapayat, eh," giit ng lalaki.
Sasagot pa sana ang kapatid niya nang pigilan ito ni Steeven.
"Mag-aaway na naman kayo." Umiling-iling ito at umupo sa armchair ko.
"Magkapatid ba talaga 'yang dalawang 'yan?" rinig ko pang sabi ni Fatima.
"Wala akong maintindihan kanina," natatawang saad ni Denrick.
Tinapik ni Matthew ang balikat ng kaibigan. "Ako din, puro english. Kaumay!"
Tumawa naman si Vanz kaya napalingon sa kanya si Denrick.
"Oy! 'Wag kang tumawa dyan, 'di mo rin kaya ma-gets ang lesson!"
Natanaw ko si Luke na papalapit palang. Pansin ko ang pamumungay ng mata nito nang makalapit sa amin. Tulog na naman siguro 'to kanina sa klase.
"Hoy, boy tulog! Natulog ka na naman kanina, ah." Mapang-asar na tumawa si Tyler.
"Muntik ka nang mahuli ni Ma'am," natatawang dagdag ni Denrick.
Napatingin ako sa tabi ko nang tumayo ito pagkatapos niyang ayusin ang gamit niya.
"Yana, tara na," sambit ni Crystal nang makitang naka-upo pa rin ako.
"Bilisan niyo naman, gutom na 'ko!" pagdaing pa ni Tyler.
"Huwag niyong bilisan, hayaan niyong mamatay sa gutom 'yan," rinig ko pang sabi ni Eureka.
Tumawa ako. Wala atang araw na nagkasundo ang dalawang ito.
"Tsk. Mema," bulong pa ng kapatid niya.
Patayo na sana ako nang may bigla akong maalala.
"Mauna na pala kayo."
"Bakit?" Fatima asked.
BINABASA MO ANG
Danger Zone (Zone Series #2)
Misterio / SuspensoDanger Game. Isang kinakatakutang laro ng mga estudyante na sumikat sa Franchestar University. Isang laro kung saan buhay ang nakataya. Walang ibang rules kung hindi lumaban, maglaro para mabuhay. Iba't-ibang levels. Iba't-ibang modes: Easy, Hard...