Level 013

161 13 0
                                    

Ellyana's POV

"Pass your assignments and get one whole sheet of paper. You will be having your seatwork regarding the lesson we tackled yesterday."

KanIya-kanIya kaming kuha ng papel matapos 'yon sabihin ni Miss Luna. I quickly open my notes before passing it to Hazel who's in front of me.

Biglang bumukas ang pinto ng room namin at niluwa n'yon si Luke.

"Mr. Portez, you're five minutes late," suway sa kanya ni Miss.

"Sorry, Miss," aniya sabay upo sa upuan nito.

"Late na naman." I heard Crystal.

"Anong araw ngayon?" biglang tanong ni Gavin.

"Araw mo na!" pambabara pa ni Ichiro.

"Miss oh, pabida na naman!" parang bata pang sumbong ni Gavin.

Ganito sa classroom namin, hindi mo masasabing high school na dahil parang kinder pa rin ang mga estudyante.

"Today is friday, November 13," pagsagot ni Miss Luna.

Saglit akong natigilan.

"Friday the thirteenth," usal ni Hazel.

"Hindi ba malas kapag ganoon?" sabi naman ng isa naming kaklase na si Patricia.

Napunta ang tingin ko kay Miss Luna na nasa unahan, patagong nakangisi. Bigla kong naalala 'yung sinabi ni Steeven sa amin kahapon na si Miss Luna ang nag-iisang nakaligtas sa nangyaring insidente ten years ago. Totoo kaya 'yon?

Iniling ko ang ulo ko at finocus ang isip sa gagawin. Mabilis namang natapos ang seatwork na pinagawa sa amin. Sumandal ako sa sandalan ng bangko at napatingin sa wall clock na nakasabit sa itaas ng pinto ng room namin. .

"You can have your free time since may twenty minutes pa naman."

Malaking ngiti ang gumuhit sa mukha ng mga kaklase ko dahil sa sinabi ng guro. Parang isang magic word ang 'free time' sa kanila kaya ganoon nalang ang naging reaksyon ng mga tao dito.

Kinuha ko nalang ang phone ko at inopen ang social media account ko sa Facebook. Agad na nag-pop ang isang profile na may isang message. Pinindot ko 'yon at nabuksan ang convo namin ni Crystal.

▬▬▬▬▬▬

8:20 a.m.
Crystal Lopez
Online


Crystal:
Crystal sent you a link.
Yesterday, 10:35 p.m

Seen

▬▬▬▬▬▬

"What's this?" I asked her.

"Ow, ngayon mo lang nakita?" tanong niya at saglit na inalis ang tingin sa hawak niyang phone.

"Hindi ko alam kung ano 'yan eh. Pinasa lang din sa 'kin," sagot niya bago ibinalik ang tingin sa hawa niya.

"Hindi mo pa din nakikita?" tanong ko.

Umiling lang ito.

"Buksan mo nalang," suhestiyon niya.

Akmang pipindutin ko na sana ang link nang marinig namin si Vanz.

"Miss!"

Napatingin si Miss Luna sa kanya nang tawagin siya nito. Patuloy naman sa kanya-kanyang gawain ang mga kaklase namin.

"Yes?" Miss Luna asked.

"Pwede po bang magtanong?" Vanz asked.

"Sure," ngisi niya.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon