Level 021

157 16 0
                                    

Ellyana's POV

"Yana, gising na!"

"Shh, pabayaan niyo muna baka pagod."

"Hala, nagising na ata!"

"Ang ingay mo naman kasi, eh!"

"Ako pa? Ikaw nga 'yung sumisigaw."

"Tsk. Mag-aaway na naman ba kayo?"

"Ito kasi, eh!"

Pagmulat ng mga mata ko ay mukha ng aking mga kaibigan ang sumalubong sa akin.

"Yana, buhay ka!"

Kinatusan ni Eureka ang kambal niya dahil sa sinabi.

Doon ko lang napansin na nakapatong pala ang ulo ko sa hita ni Vanz.  Inalalayan niya akong makaupo nang sinubukan kong tumayo.

"Okay ka lang?" he asked. He sounds worried.

I nod my head before giving him an assuring smile.

"Sure ka ba?" paninigurado pa ni Eureka.

Tumango ako. "Okay lang ako."

Napunta ang tingin ko kina Crystal. Nandito na sila. Agad niya akong niyakap na sinundan naman ni Fatima.

"Saan kayo nanggaling?" nag-aalalang tanong ko.

Kumalas sila sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Nawala kayo," dugtong ko.

"Kayo ang nawala. Nagising kami na wala na kayo," saad ni Crystal.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pinaghiwalay nila tayo," biglang sabat ni Steeven.

"What happened to you?" gulat na tanong ko ng mapatingin ako kay Luke.

Namumula ang katawan niya at may mga bakat ng tali. I'm not sure kung 'yun nga pero mahahaba iyon at may mga sugat pa!

"Muntik nang mamatay, mabuti nalang at nailigtas namin," sagot ni Matthew.

"Ikaw? Eh hindi ka nga naglaro," sabat naman ni Fatima.

Inilibot ko ang paningin ko. Nasa loob kami ngayon ng cafeteria kasama ang ilan naming kaklase. Kaming section lang at wala ng iba. Napatingin ako sa labas. Nagtaka ako dahil mukhang normal naman, ang kaibahan lang ay walang mga tao.

Bigla kong naalala si Niel. Muling nanumbalik sa aking isip ang nangyari sa kanya noong makita ang walang buhay niyang katawan, tumutulo ang dugo mula sa ulo. He's dead. Nahuli siya sa pagtakbo kaya binaril siya.

Hinanap ng mga mata ko si Zetrix. Nasa dulo siya ng lamesang ino-okyupahan namin, naka-ubob.

Some of our classmates are still sleeping, ang ilan naman ay naguguluhan pa rin sa nangyari.

"Nasaan si Winna?"

Napunta ang atensyon namin kay Kristoffer.

"Wala na siya," nakatungong sambit ni Patricia.

Pinanood namin kung paano matigilan ang lalaki.

"Huwag kang magbiro, Pat. Nasaan sila?" seryosong tanong pa ni Kristoffer na parang hinihiling na biro lang ang sinabi ng babae.

Nilapitan ito ni Gavin at hinawakan ang balikat. "Pre..."

"Nasaan sila?!"

Natigilan kaming lahat ng sumigaw ang lalaki. Nagising ang ilang sa natutulong naming mga kaklase natutulog. Malakas na mura ang kasunod naming narinig.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon