Last Level

337 25 16
                                    

This is the Last Level of Danger Zone. Thank you for reading! ♡

***

Last Level

Ang paghikbi ni Fatima ang una kong narinig nang magkamalay ako. Pagkamulat palang ng mga mata ko ay nanlabo na agad ito dahil sa luhang humaharang dito.

Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na salita. Hindi ako makapagsalita dahil sa nakikita ko ngayon. 

Crystal and Eureka...

Lahat ng mga kaibigan na kasama ko ay namumula at namamasa ang mga mata habang pinagmamasdan ang dalawa naming kaibigan sa itaas.

Muli kong ibinalik ang tingin sa dalawa. Kung kanina ay ako ang nandoon sa taas, ngayon ay sila nang dalawa.

Nakatali ang dalawang kamay nila sa makapal na lubid na nakasabit sa itaas at nakatungtong sa isang flywood, sa ilalim nito ang kumukulong tubig. Nakatayo lang sila at mga wala pang malay.

"The players are awake!"

Napalingon ako sa nagsalita.

Tanging anino lang niya ang nakikita namin dahil sa madilim na bahagi siya nakatayo. May isa pang anino na sumulpot sa likod niya.

Naglakad ang dalawa sa liwanag at doon ko tuluyang nakita ng malapitan kung sino ang nasa likod ng mala-demonyong boses.

Nanatiling kalmado ang mukha ni Miss Luna. Nakita ko naman ang malapad na ngisi ni Principal Javier.

I creased my forehead in confusion. Parang may mali sa kanila.

Kung sa unang tingin ay aakalain mong sila talaga ang nasa harapan mo ngunit kung mas tititigan mo nang matagal ang mga mata nila, makikita mong magiging itim 'yon saglit bago bumalik sa dati.

Who are they?--No, what are they?

Then I suddenly remembered what Zetrix said. He's an impostor...?

"They are not the real ones."

Napatingin ako kay Fatima nang ibulong niya iyon sa akin.

Umiling siya sa akin. "I think we're not what we think we are."

"What do you mean?" mahinang tanong ko.

"Kanina, nakita ko kung anong nangyayari sa labas ng school. It looks normal pero kung pagmamasdan mo ng mabuti, parang... iba."

Doon tumama ang hinala ko. Hindi lang pala ako ang nakakapansin.

"Do you think we're in a different place? Like we are in the parallel universe?"

Hindi na ako nakapagsalita nang marinig ang paglapit nila Principal Javier.

"Hindi ko inexpect na kayo ang matitira sa larong 'to."

Pinamasdan niya kami isa-isa. Tumagal ang tingin niya sa akin.

"Ikaw pa naman ang target ko sa larong 'to, Ellyana Fuentes."

Napagdikit ko ang labi ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Kung tama ang hinala namin na hindi siya ng totoong ama ni Zetrix, bakit kilalang-kilala niya kami?

"You're the reason why my son changed, you gave pain to him. You disappoint me, Ellyana."

Hindi ako nakapagsalita.

"Tigilan mo siya, and stop saying I'm your son." I heard Zetrix.

"Pinagtatanggol mo pa ang babaeng nanakit sayo? I can't believe it." He sighed.

Mas lalo akong naguluhan. Paano niya nalaman ang tungkol sa relasyon namin? Tama nga ba kami ng hinala? O talagang siya ang totoong Principal Javier?

"Hindi kaba natutuwa dahil nakikita mong naghihirap sila, ang mga kaibigan mong nanloko sayo, aren't you happy?"

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon