Level 026

134 14 0
                                    

Ellyana's POV

We're still here at the pool area at lahat ay gulat sa nangyari.

Kanina, iniwan na kami nung mga naka-maskarang lalaki kaya kami-kami nalang ang nandito.

Nakatulala lang kami sa cube nila Fatima na ngayon ay naging kulay pula na dahil sa dugo nila Rhiana at Quirah.

Naputol ang titig ko doon ng biglang sumigaw si Obreeh. Sumugod na pala si Ichiro at malakas na sinuntok si Kristoffer.

"Gago ka ah! Bakit mo ginawa yon?!" sigaw niya dito.

Nakuha pa talagang ngumisi ni Kristoffer.

"Anong ngini-ngisi mo, ah? Masaya ka pa na namatay sila?" Sumugod naman si Gavin.

"Nandaya ka!" sigaw naman ni Hazel.

Lumapad ang ngisi ng lalaki. Malakas na sampal naman ang natanggap niya kay Breanna.

"Namatay sila nang dahil sayo!" pagsisi niya dito.

"Bakit mo ginawa 'yon?" mahinahon ngunit mariing tanong ni Steeven.

Hindi sumagots ang lalaki. Nanatili ang mata niya kay Hazel.

"Dahil sa kanya?" tanong naman ni Matthew sabay turo sa babae.

"Siya ang dahilan kung bakit namatay sila Winna." Nawala ang emosyon sa mukha nito pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Sabing hindi nga ako ang tuma—"

"Shut up!" Pinutol ni Kristoffer ang sasabihin ni Hazel.

"Gusto mo bang mamatay si Hazel kaya mo ginawa 'yon?" tanong pa ni Steeven.

"Duh! Malamang!" pagsabat ni Urice.

"Pero hindi mo naisip na may madadamay, Kris! Kami 'yon!" ani pa Breanna.

"Kung gusto mong maghiganti, dapat yung walang madadamay, okay?" sabat pa ni Tyler.

"What?! Bakit parang sang-ayon pa kayo, guys?" inis na tanong naman ni Hazel.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nandito tayo dahil sa pagtanggap mo nung invitation. At kaya namatay ang mga kaklase natin, dahil din 'yon sayo." Dinuro pa ni Ylona ang babae.

"Hindi nga sabi ako eh!" naiiyak na sabi pa niya.

Napatingin ako kina Eureka bago sila lapitan. Basa ang buong katawan nila dahil kanina.

"Okay lang ba kayo?" I asked them.

Tumango si Fatima.

"Sure kayo?" tanong pa Crystal.

"Medyo malamig lang," sagot naman ni Eureka.

Saktong lumapit si Matthew sa gawi namin at tinanggal ang uniform niya. Binigay niya yon kay Fatima at naiwan naman na suot niya ang puting t-shirt.

"Thanks." sabi ni Fatima bago tanggapin ang polo.

"Ako, wala?" nakangusong saad ni Eureka.

"Oy, yung kapitid mo nilalamig!" sigaw pa ni Matthew kay Tyler.

Lumapit naman si Tyler kasama sila Denrick, Vanz at Luke sa gawi namin. Naiwan si Steeven na mukhang nakiki-isosyo pa kina Hazel.

Gaya ng ginawa ni Matthew, hinubad din ni Tyler ang uniform niya at binigay kay Eureka.

"Pinag-alala mo ako," sabi pa niya sa kambal.

Tumawa naman si Eureka.

"Akala ko mawawalan na ako ng kapatid."

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon