Level 056

129 15 0
                                    

Matthew's POV

"Ha?"

Naguluhan ako sa sinabi ni Fatima. Bakit namin susundan sila Vanz?

"Kailangan nating hanapin si Yana, 'di ba?" dagdag ko pa.

Nilapitan ko siya dahil masyado siyang malayo sa akin.

"Alam kong mahahanap siya ni Zet." She sounds so sure.

Alam ko rin namang gagawa ng paraan si Zetrux para mahanap si Ellyana pero hindi niya agad mahahanap si Ellyana kung mag-isa lang siya.

"Pero paano kung hindi niya makita si Yana? Mauubos ang oras natin," saad ko naman.

Hinawakan niya ang kaliwang balikat ko. "Just trust him, Matt. Alam nating ayaw niya na may mangyayaring masama sa kaibigan natin."

Kahit nag-aalala ay sumang-ayon na rin ang utak ko sa sinabi niya. I trust Fatima.

"Siya ang makakahanap kay Yana," dagdag pa niya.

She's right. Zetrix doesn't want anything bad happend to Yana. Kahit na break na sila, alam kong may pagtingin pa rin 'tong si Zet sa kaibigan namin. I trust Zetrix. I know he'll find Yana. Baby niya ata 'yon!

"Pero bakit pala natin susundan sila Vanz?" I asked.

Sumunod ako sa kanya nang magsimula siyang maglakad.

"We need to catch the mafia."

Nang lingunin ko siya ay nakangisi na ito. Bumilis ang paglalakad niya kaya naiwan ako.

"Bilisan mo Matt, delikado si Vanz!" sigaw pa niya.

Si Breanna? Siya ba ang tinutukoy ni Fatty na mafia?

Nakarating naman agad kami sa Main Building pero hindi namin nakita sila Vanz sa labas.

"Baka nasa loob?" I asked.

Tumango siya at naunang pumasok.

"Vanz!" sigaw ko ngunit umalingawngaw lang ang boses ko.

"Vanz?" sigaw rin ni Fatty pero walang sumagot.

"Maghiwalay tayo, Matt. Kailangan nating bilisan, baka wala na tayong maabutan," suhestiyon niya.

"Pero delikado kung mag-isa ka. Paano kapag nakita ka ni Breanna?" nag-aalalang tanong ko.

"Kaya ko ang sarili ko, Matt, don't worry." Ngumiti siya sa akin na parang sinasabi na walang mangyayari sa kanya.

"Doon ka sa taas, dito ako sa baba."

Tumango nalang ako.

"Mag-ingat ka," saad ko muna bago siya yakapin.

"Ikaw din."

Rinig kong saad niya bago ako kumalas sa pagkakayakap sa akin. Napangiti naman ako.

I want to end this game with her. And I know, I'm sure that we will catch the real mafia.

"Sige na!"

Pinapa-alis na agad ako?

Napa-iling nalang ako bago naglakad palayo sa kanya.

Pagkataas ko palang ay tumayo na ang balahibo ko. Hindi naman sa duwag ako pero nakakatakot lang talaga dito. Walang ilaw, sobrang tahimik pa. Parang maya-maya ay may susulpot na kung ano.

Pumasok ako sa isang room pero wala rin akong nakita. Ganoon din ang ginawa ko sa iba pang room sa palapag na ito.

"Vanz?" pagtawag ko.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon