Level 041

154 15 0
                                    

Fatima's POV

Natigilan kaming lahat sa ginawa ni Gavin.

Nabitawan niya ang hawak niyang baril na nakatutok kay Kristoffer na ngayon ay nag-aagaw buhay na.

Nahirapan sa paghinga ang lalaki. Ilang saglit pa ay natanggal ang bakal na nakatakip sa bibig niya. Lumuwa siya ng dugo at umubo hanggang sa malagutan ito ng hininga.

Narinig ko ang malakas na pagpalakpak kasabay ang mapang-asar na tawa na nanggagaling sa speaker.

Wala na si Kris.

"It's game over for Player number Nine, Kris."

Napa-atras si Gavin.

Wala nangahas na magsalita hanggang marinig namin ang boses ni Breanna.

"Tapos na ba?" mahina at nangingig pang saad niya.

"Kris is dead," dagdag niya bago sulyapan ang walang buhay na bangkay ng lalaki.

"We're safe, the game is over...." Narinig ko ang boses ni Ylona. "Right?" sunod niya pang sambit na parang hindi nakakasiguro.

Nakarinig kami ng malalakas na hagalpak ng tawa. Bigla akong nainis.

"Na-ah! You pick the wrong player."

Nanlaki ang mga mata namin dahil sa narinig.

Mali kami?

Hindi si Kris?

"Player Nine's identity... Traitor."

Mas lalo kaming natigilan.

"N-nagsasabi ng totoo....si Kris." mabagal na sabi ni Ellyana.

"Fuck!" Napasabunot si Gavin sa kanyang buhok. "Pinatay ko siya..."

Bakas sa tono ng boses niya ang pagsisisi.

Labing apat na mga kaibigan namin ang namatay nang dahil sa larong ito.

Nasaksihan namin kung paano sila brutal na kinuhanan ng buhay at pinahirapan ngunit wala kaming nagawa.

Pinanood lang namin sila.

Dalawa sa malapit kong kaibigan ang namatay.

Wala na sila Denrick at Luke.

Pero ang mas masakit, nakita pa namin kung paano sila naghirap.

Sa larong 'to, doon ko napatunayan na isa sa amin ang mamamatay tao. Na isa sa amin ang handang isakripisiyo ang buhay ng nakararami para lang manatili siyang buhay.

Ang sakit lang isipin na imbes na kami ang nagtutulungan para makaligtas dito sa loob ay siya pa ang gumagawa ng paraan para mamatay kami.

Si Breanna. Si Gavin at si Ylona.

Sino kaya sa kanilang tatlong natitira?

Pero paano kung mali ako sa pagpipilian.

Paano kung wala sa kanilang tatlo.

Pero mas lalo akong nasasaktan sa aking naiisip.

Paano kung isa pala sa mga kaibigan ko ang mamamatay-tao?

Na isa pala sa mga kaibigan ko ang tumanggap ng imbitasyon kaya kami napunta dito, kaya kami ngayon naghihirap, kaya namatay ang kalahati sa amin.

Ayokong pagduduhan sila dahil masaya iyon at dahil mga kaibigan ko sila pero hindi ko mapigilan.

Si Steeven. Ang pinakamatalino sa amin at tumatayong lider ng grupo namin. Marami siyang alam tungkol sa mga insidenteng nangyari nung dalawangpung taon ang nakakalipas. Bakit nung friday, bago kami mapunta sa larong 'to, iba ang kinikilos niya?

Si Vanz. Ang pinakamatanda sa amin. Isa sa mapagka-katiwalaan at maaasahang kaibigan. Pero ngayon, dapat ko pa rin ba siyang pagkatiwalaan?

Si Tyler. Ang pinakamaloko sa amin. He's innocent and playful. Pero dapat ko ba siyang hindi paghinalaan?

Si Matthew. Kapartner ni Tyler sa kalokohan. Maaasahan din kapag kailangan. Sabi nila, kami ang pinaka-close daw dalawa. Alam kong may gusto siya sa akin dahil pansin at ramdam ko 'yon lalo na tuwing pagtitripan kaming dalawa ng mga kaibigan namin.

Pero para sa akin, isa pa rin siyang malaking mystery. Hindi siya ganoon nagsasabi ng tungkol sa kanyang sarili kaya hindi ko siya ganoon kakilala hindi tulad ng iba naming kaibigan.

Si Eureka. Maligalig. Laging galit at mainit ang ulo kay Tyler. Laging ka-away ng kambal niya, wala atang araw na hindi sila nag-away. Pangalwang clown sa aming magkakaibigan, una kasi si Denrick. Sobrang open at sobrang makuwento parang si Tyler lang din.

Pero lahat ba ng lumalabas sa bibig niya ay totoo?

Si Ellyana. Ang pinaka-close ko sa lahat. Sobrang maaasahan. Comforter namin kapag malungkot kami o may problema. Hindi siya ganoon ka-open minsan. Kapag malungkot siya o may problema, hindi niya iyon pinapahalata sa amin.

Minsan, ako pa ang magtatanong kung okay lang ba siya tapos ayun, bigla nalang iiyak. Sobrang bigat na pala ng dinadala.

Lalo na nung mag break sila ni Zetrix. Nung may kumalat na balita na may sikretong relasyon daw sila ni Vanz, nakita kong sobrang naapektuhan siya. Alam ko ang totoo, wala silang relasyon pero pilit na pinaniniwalaan ni Zetrix ang nalaman niya.

Hindi nga namin alam na nag-break na pala silang dalawa, hindi kasi kinukuwento ni Yana. Nalaman nalang namin kay Tyler na may pagka-tsismoso.

Gusto kong tanggalin ang panghiginala kay Ellyana pero mas lalo akong naghinala sa kanya nung mag-usap kami tungkol sa invitation nung sabado na nasa cafeteria kami. Nakita ko kung paano siya mamutla nung malaman ang tungkol doon.

Siya kaya? Huwag naman sana.

Si Crystal. Tahimik at pinaka mataray sa amin. May pagka-savage rin kapag minsan. Siya ang hindi ko ganoon kakilala sa mga kaibigan kong babae. Hindi siya pala kuwento tulad ni Yana. She's very secretive.

Hindi kaya iyon ang sikreto niya?

And last, si Zetrix.

Naging kaibigan namin siya dahil kay Tyler, sobrang close nila pati ni Matthew. Nakilala ni Yana si Zetrix dahil sa dalawang kaibigan namin.

Akala ko nung una, kasing tahimik niya si Luke na bilang lang ata ang sasabihing salita pero maingay din pala gaya nila Tyler.

Mabilis kaming naging close sa lalaki, lalo na si Ellyana. Pero matapos nung kumalat na balita, parang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi na sumasama sa amin si Zet tuwing kakain. Hindi na siya nakikipag-usap sa amin. Naging malayo na ang loob niya matapos nilang mag break ni Yana.

At dahil doon, nagbago na siya. Hindi na namin nakilala ang bagong Zetrix. Kaya hindi rin matatanggal ang paghihinala ko sa kanya.

Sa gitna ng malawak na pag-iisip ko, nakita ko ang malaking usok gaya nung una na lumalabas sa sulok ng faculty.

Narinig ko ang mura ni Steeven.

May mga nakatali pa ring mga kadena sa katawan namin at si Gavin lang ang malayang nakakalakad.

Nagpupumiglas si Breanna sa upuan niya. Si Gavin naman ay napatakip ng ilong.

"Don't breath! Takpan niya ang ilong niyo!" sigaw sa amin ni Steeven.

Ginawa namin ang sinabi niya. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko para takpan ang ilong ko. Huminga muna ako ng malalim bago takpan.

Ganoon din ang ginawa nila.

Mas lalong kumakapal ang usok at mas lalo kaming nahihirapan.

Nakita ko ang pagbagsak ng ulo nila Eureka at Ellyana ganoon din sila Crystal at Breanna.

Dahil sa kapos ng hangin ay nabitawan ko ang pagtakip sa ilong ko at tuluyan kong nalanghap ang hangin na nagpagilo sa akin.

Maya-maya pa ay nanlabo ang paningin ko at tuluyan akong nawalan ng malay.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon