Level 035

151 15 0
                                    

Fatima's POV

Walang nagsasalita sa amin.

Tanging mga hikbi lang nila Ellyana ang naririnig namin.

Kung kanina ay ako ang humahagulhol, ngayon ay si Eureka na.

Tahimik lang si Crystal na kanina ay umiiyak din.

Tinigil ko na ang pag-iyak ko dahil mas lalo akong maluluha kapag nakisabay pa ako sa kanila.

Pinapakalma na ngayon ni Tyler Steeven dahil kanina pa ito galit.

Nakayukom naman ang kamao ni Vanz.

Tahimik lang si Matthew.

Pinapanood lang kami ng iba naming mga kaklase.

Tahimik ang lahat nang biglang umalingangaw ang malulutong na tawa na nanggagaling sa speaker.

"How sad, tapos na agad ang palabas?"

Pinigilan ko ang pag-ikot ang mga mata ko dahil sa sanabi niya.

"Since the show was over, let's play!"

Narinig ko ang pag-ngisi ni Kris. He's really into this game... it's scary.

"You will be playing Mafia Game in this level," excited na sambit nito.

"In this game, each player will have their role. There will be two mafias which are responsible for killing... and yes, siya mismo ang papatay sa inyo using those things on the table."

Shoot! Dalawa mismo sa amin ang papatay sa sino man sa amin?! Mismo?!

"One traitor where he or she knows who are the mafias but he or she can't tell to other players. Just to remind you, the traitor is on the mafia's side."

Napatingin ako sa kanila. Kahit naman hindi pa nagsisimula ang laro ay alam ko ng may traydor sa amin.

"And one doctor. He or she can save anyone's life but he must choose wisely. And the rest will be citizens."

Nagkatinginan ang iba.

"Your goal is to kill the mafia first before they kill you. There will be three mornings where you can choose the player who looks suspicious and a chance to kill the mafia and two nights where the mafia has a chance kill one of you."

"Kinakabahan ako," baling sa akin ni Ellyana.

"Ako din," nakatingin sa kanyang sambit ko.

"Paano kung isa sa atin yung mafia?"

Nagkatinginan lang kami matapos 'yong sabihin ni Eureka.

"Each player's role is written on your right palm, please look carefully, so that the other players can't see it."

Everyone's looking at their palm.

Tinignan ko ang akin.

Citizen.

Pagkatapos ay isa-isa ko silang pinagmasdan.

Some of them look nervous. Some are relaxed. I simply looked at my friends.

Ellyana. She's relaxed but I know she's nervous. I can see it in her eyes but I don't find it suspicious.

Crystal. I can't read her eyes but she looks calm.

Eureka. Unlike Crystal and Ellyana, she really looks nervous, parang sira, kumukuyakoy pa.

"Ayos ka lang?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi, 'no! Citizen ang nakuha ko, baka mamaya sumunod na ako kina Luke," kinakabahan niyang sabi.

"Sira ka bakit mo sinabi yung role mo, at saka hindi ka mamamatay okay?" pinakalma ko ito.

Danger Zone (Zone Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon